Chapter 2

9 1 1
                                    

#UA02

"Dali na kasi, Lana. Parang ewan naman 'to. Sasabihin lang full name, e!"

"Nino ba?!" mahinang singhal ko kay Alex habang naglalakad kami pabalik sa department namin.

"Kanina pa ako nagsasalita, hindi ka naman pala nakikinig! Sabi ko 'yong Clarisse, ano full name?!"

"Bakit?!"

"Malamang, type ko nga?!"

"Edi ikaw dumiskarte paano mo hahanapin full name! Istorbohin mo pa ako!"

"Wow! Sinamahan na nga lang kita dito. Hinahatid pa kita sa department niyo. Alam mong kabilang side pa ng campus natin ang department ko!"

Mahina akong natawa sa sinabi niya dahil totoo 'yon. Pero bahala siya. Friends naman kami.

"Ayaw mo niyan? Makikita mo ulit si Clarisse sa Nursing department."

"E, 'di mo nga sinasabi full name!"

"Tinatamad ako."

"Fine. Hahanapin ko na lang sa followings mo sa Instagram."

Nag-kibit balikat ako. Bahala siya. Naka-private pa naman si Clarisse sa Instagram, haha. Ito si Alex, sinasamantala pagiging extrovert ko. Halos lahat ng makita niyang type niya, inuutusan akong kaibiganin ko.

"Dito na ako. Thanks, Alex. Labyu! Ingat pabalik sa department niyo."

"Yuck!" Binigyan pa ako ng middle finger ng baliw kaya sinamaan ko siya ng tingin bago inirapan.

Umiwas ako ng tingin nang makita ko ulit si Ki-ya-ra. Shit!

Nasa canteen kami now ng Social Sciences department ng mga kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung ano ang trip nila, bakit dito pa nila ako hinila!

"Oh my gosh." Tumalikod ako nang dumiretso sila Ki-ya-ra papasok sa canteen kasama mga kaibigan niya.

"Ayos ka lang ba, Lana? May pinagtataguan ka yata," natatawang sabi ni Cedrick kaya umiling ako agad. 'Di nila pwedeng malaman 'yong nakakahiyang nagawa ko last time!

"Lana!" Mabilis akong lumingon nang marinig ko si Meeca pero imbes na kay Meeca ako mapatingin ay napatingin ako kay Ki-ya-ra na nakatingin din pala sa akin.

OMG! Nakakahiya ulit.

Awkward akong ngumiti sa kaniya bago inilipat ang tingin kay Meeca at kumaway.

"Wait lang, guys," paalam ko sa mga kaibigan ko bago lumipat kay Meeca. "Hello! Nag-lunch ka na?" Binigyan ko pa siya ng kiss sa cheek. Si Alex at Cali lang naman ang maaarteng ayaw magpa-kiss sa 'kin, e.

"Hindi pa, e. May klase pa ako now, actually, lumabas lang ako para mag-canteen."

"Ooh! Sabay ba kayo ni Cali today?"

"Oo, palabas na rin 'yon mamaya. Sabay ka ba?"

"Hala, nakapag-oo na ako sa friends ko na mag Mcdo raw kami. Next time na lang ako!"

"Sure, sure." Lumingon saglit si Meeca sa likod ko bago ibinalik ang tingin sa 'kin. "Kilala mo pala si Ciara?"

"Ha?!" medyo napalakas ang boses ko dahil sa kahihiyan. "Ay, sorry. Hala! Hind- ay, medyo... siguro?"

"Sabagay, 'di na ako nagulat. Halos lahat ng tao dito sa university, kilala mo," natatawang sabi niya.

"Ikaw naman! B-Bakit? Kilala mo ba siya?"

"Ah, oo. Blockmates ko."

Nagpaalam na rin agad sa 'kin si Meeca nang tawagin na siya ng mga blockmates niya para bumalik sa room nila. So, Political Science rin pala si Ki-ya-ra, tapos student leader since meron siyang ID na exclusively for student leaders lang. Ang nice naman.

Unexpectedly Assured (HFIT Sequel) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon