#UA03
"Nakakahilo naman 'yong complex vowels," reklamo ko kay Ciara habang naglalakad kami palabas ng room. 3rd meeting pa lang namin ngayon pero feeling ko, gusto ko na sumuko?! Basic vowels and consonant pa lang tinuturo tapos ngayon 'yong complex vowels pero ang hirap pala talaga!
"Relax, nagsisimula pa lang."
"Ang hirap na! I-drop ko na lang siguro 'to."
Mahina siyang natawa sa sinabi ko bago niya ako hinawakan sa may likod para mahina akong itulak at magsimula na maglakad. Hindi pa rin ako maka-get over.
"Lunch tayo."
Mabilis akong napalingon sa kaniya kaya napatingin din tuloy siya. "Totoo?! Niyayaya mo 'ko mag-lunch?"
"Oo naman. Bakit?" natatawang tanong niya. Last week kasi pabiro ko siyang niyayaya mag-lunch, nahihiya raw siya. "Tara na."
"Yey! Saan tayo kakain?" Kumapit ako sa braso niya habang naglalakad kami palabas ng building para mag-lunch. "Saan tayo kakain?!"
"Ikaw, saan mo gusto? Mukhang ikaw may kailangan ng comfort food ngayon. Okay lang ako kahit saan."
"Parang gusto ko mag-giniling pero parang ang imposible nun..."
"Meron akong alam. Tara."
As usual, ako pa rin 'yong kwento nang kwento habang naglalakad kami papunta sa karinderya na sinasabi niya kasi ang tahimik niya talagang tao! Pero ang attentive niya naman kapag may nagkukwento. Minsan lang, sa sobrang intimidating niyang tignan, parang lagi kang i-j-juude 'pag nagkukwento ka pero hindi niya naman 'yon pinaramdam sa 'kin.
"'Di ka nauubusan ng kwento sa buhay, 'no?" tanong niya. Napahagikhik ako dahil doon.
"True. Ikaw naman magkwento!"
"Wala akong ikukwento, e. Pag-isipan ko muna."
"Okay! Bakit ka na lang nag-enroll sa foreign language?" tanong ko.
"Later, sagutin kita."
Pagkarating namin sa kariderya ay buti na lang kakaunti lang ang kumakain. Siguro dahil hindi pa naman talaga lunch time pero 'di bale... buti na lang kamo.
Um-order agad ako ng giniling na baboy habang siya naman ay adobong manok.
"Nag-enroll talaga ako sa foreign language kasi wala lang. Gusto ko lang mag-aral. Gusto ko lang libangin sarili ko."
"Wow." Mediyo natameme pa ako sa sagot niya. Ang sipag niya naman. "Buti na lang hindi nakaka-interfere sa schedule mo?"
"Hindi naman. Ikaw? Bakit ka nag-enroll?"
"Meron kasi akong crush nung Grade 11 hanggang mag Grade 12 kami- siguro, hanggang ngayon ay crush ko siya?! Half-Korean talaga siya tapos kinukwentuhan niya ako ng mga cultures and traditions sa Korea. E, naging sobrang invested ako sa mga kwento niya, naging dream place ko tuloy Korea. Tapos ngayong year, bumalik na siyang Korea para doon na mag-aral. Susundan ko siya, e. Joke!"
Mahina siyang natawa. "Pogi ba?"
"OMG, now you're interested kung pogi. Oo, beh! Pogi siya, super. Pakita ko sa 'yo later. Andami ko ring naging crush before, puro sila pogi!"
Mahina siyang natawa bago umiling-iling at tinuloy ang pakikinig sa 'kin. After namin mag-lunch ay naglakad na rin kami agad pabalik sa campus. Unang madadaanan 'yong department ko kaya ihatid niya na raw muna ako.
"Bye, Ciara! See you next week!"
"See you around."
Saka lang ako pumasok sa room nang makita kong nakalayo na si Ciara sa building namin. Nakita kong inaabangan ako nila Cedrick sa may pinto.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Assured (HFIT Sequel) (ON-GOING)
RomanceThe only thing that Lana wanted is to be loved by someone. Ilang tao na ang dumating sa buhay niya pero ni isa, walang nag-work to the point na kailangan na i-doubt ni Lana ang sarili niya kung nasa kaniya nga ba ang mali. When Lana finally accepted...