Intro

126 6 11
                                    

" VOLUNTEER"

Refers to a person who is able to perform a service according to his/her freewill. (Kahulugan mula sa diksyunaryo)

Kadikit nito ang salitang WILLINGNESS!

Pero totoo ba yun?

Ang alam ko kasi pag narinig mo ang salitang volunteer, mag-uunahan na kayong magtago sa kani-kaniya niyong lungga, o kaya magtuturuan kung sino ang mag-voVolunteer. 

Sa kamalas malasan pa e madalas may pinagkakaisahan ang lahat at ituturo ng sabay sabay ang isang taong walang kamuwang-muwang sa mundong ginagawa ng karamihan habang nagsusulat sa kwaderno.

Mapapansin na lang niya na ang lahat ng mga daliri, mata at nguso ay nakatutok na sa kanya na akala mo parang naaresto na holdaper.

Yung tipong ipagtutulakan ka at kakaladkarin ka kapag sinabi mong "AYAW MO"!

Nakakainis di ba?

Alam niyo naman na kapag nag-turo ka, nakaturo pabalik sa'yo yung apat mo pang daliri. O DI BA MAS PABOR SA'YO ANG MGA DALIRI MO. Pero bakit ba hindi magawa ng tao i-volunteer ang sarili niya?

VOLUNTEER nga e, BAKIT MO vino-VOLUNTEER ANG IBA??? (sigaw!!!)

*ehem ehem*

 Sorry na-carried away lang!

Pero sa huli wala na rin siyang magagawa dahil pinagkaisahan na nga ng lahat at siyempre minsan yung titser mo e di mo mawari kung wala ba siyang puso o sadyang nakikisama lamang sa katuwaan ng mga kaklase mo na pinagkalulo ka dahil tatakutin ka pa niya na ma-minus-an ka  pag di ka pumayag.

Kapag naman nagtanong ka na 'Bakit di na lang siya maam?' maghahanap ka ng maituturo pero  sasabihin pa sayo 'E ikaw ang gusto ko e' . Mapapaisip ka kung paano ka niya nagustuhan bilang isang estudyente dahil unang una, bagong salta ka lang dito. Transferee kung baga.  Pangalawa hindi mo pa kakilala ang lahat ng tao dito kaya nahihiya ka pa. Wala ka pang kaalam alam sa mga bagay bagay dito. At higit sa lahat, eto ang unang araw ng pasukan!

Umikot ang ulo mo at napansin mong lahat ng mata ay nakatitig sa'yo. Ramdam mo pa ang pagtagaktak ng pawis mo sa ulo papunta sa mukha mo dahil sa kaba. Lahat sila nag-aantay ng itutugon mo sa mga pangyayari kahit alam mo naman na sa isip nila ay wala ka nang magagawa kundi tanggapin ng bukal sa kaibuturan ng puso mo ang nais nila.

Patuloy pa rin ang pagtagaktak ng pawis at dama mo na ang init ng pag-aabang nila. Napayuko na lang at tinignan ang relo sa braso, umaasang maisasalba pa ng oras ang kinalalagyan mo ngayon pero nabigo ka sapagkat alas otso y media pa lang ng umaga, trenta minutos bago ang inaantay na recess. Kailangan na nila ng kasagutan. Wala na rin namang malulusutan. Titingin ka sa guro mo na kasalukuyan kang tinataasan ng kilay at dahil sa kanyang kainipan ay pandidilitan ka na niya ng mata na siya namang sisindak sa'yo at wala ka nang magagawa kundi ang sumagot.

"Sige po,"

Nagpalakpakan ang lahat ng iyong kaklase habang ikaw naghihimasik ang kalooban pero hindi mo na rin naman mababago pa ang nabitiwang salita. Patatayuin ka ng titser mo at papupuntahin ka sa harapan para tumabi sa mga nahalal na iba pang opisyal ng klase. Ngayon isa ka ng ganap na opisyal din sa ayaw at sa ayaw mo. Hihingan pa kayo isa-isa ng maikling talumpati patungkol sa katungkulang gagampanan niyo.

Pipigain mo ang utak mo para makapagbigay lamang ng sapat na sasabihin. Ang akala mo makakapaghanda ka pa dahil pangatlo ka pa naman sa pila pero nagulat ka na lang ng naktingin na pala sayo ang lahat at inaantay ka ng magsalita. Kumurap kurap ang mata mo habang hinahabol ang hininga mo. Luminga-linga ka para makahanap ng paghuhugutan ng sasabihin pero wala at tanging kuliglig lang ata ang naririnnig mo.

Sa isang saglit pa ay kusa ng bumuka ang bibig mo at naglabas ng mga salita na tanging ikaw lang ang hindi nakaka-intindi dahil alam mo sa sarili mong napipilitan ka lang.

"Maraming salamat sa pagititwala niyo sa'kin, pipilitin kong gampanan ang papel ng isang Class Secretary."

Makakarinig ka ng mahinang ngisi mula sa taong nasa unahan ng pila. Nainsulto ka kahit papaano kaya dahang-dahan mong pipihitin ang ulo mo para tignan siya pero sakto at tumingin siya sa iyo at binigyan ka ng masamang tingin. Nagkatitigan lang kayong dalawa habang unti-unting kumukuyom ang mga kamay mo hanggang sa naging matigas na ito na kamao. Dahil sa sobrang tagal na palang nakapako ang mga mata niyo sa isa't isa hindi niyo namalayang nag-bell na at dalawa na lang kayo sa classroom

Lalapit siya sayo habang nakangiti na mapang-asar at ilalahad ang kamay. Nagulat ka kasi hindi mo akalain na gagawin niya iyon ang alam mo lang ay handa ka na sanang bigyan siya ng isang malakas na suntok sa kaniyang ipinagmamalaking mukha.

"Eli nga pala, E-L-I"

Gulat sa narinig na pangalan. Eli? Aabutin mo na sana ang kamay niya para sa kamayang inaasam asam pero bigla niyang binawi ang kamay at ikinamot sa likod ng ulo. Nakakita ka ulit ng ngisi mula sa kaniya. Akala mo maling akala ka na kanina pero napagtanto mo na maling akala lang din pala ngayon. Kumuyom na naman ang kamay mo sa sobrang asar. Halos lutuin mo na sa  nag-iinit mong tingin ang taong kaharap mo pero nagulat ka dahil bigla na lang ito lumapit sa iyo na halos magkadikit na ang mukha niyo.

Biglang kumabog ang dibdib mo sa di malamang kadahilanan at parang nanigas na ang katawan mo sa kinatatayuan. Tinignan ka niya ng diretso sa mata na siya namang naging dahilan ng hirap mo sa paghinga. Ngumiti siya at saka nagsalita.

"Palagi na tayo magkakasama kaya masanay ka na,"

Naiwan kang nakatayo na parang tanga sa classroom.

                                                 All Rights Reserved 2013

                                                         © SnooZero

A/N: Anong masasabi mo? (=_=)

*dahil ayaw niya ang dating pangalan dito, pinalitan ko, haha*

VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon