"Ellie, paki sulat mo nga 'to"
"Ellie, paki-shoot na lang sa basurahan 'tong papel"
"Ellie, Pabili naman ng chuchuchenes"
"Paabot nga nun, Ellie,"
Samu't saring pakiusap. Parang dati lang hindi nila ako kilala. Ngayon kabisado na ng lahat ang pangalan ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa 'yon. Noong una nakakainip ang buhay ko dahil halos walang pumapansin sa'ken. Pero unti unti nakilala na ako ng mga kaklase ko. Napapangiti pa nga ako kapag may tumatawag sa pangalan ko. Biruin mo 'yon hindi na ako invisible. Inaasam asam ko pa yan dati. Ang maging kaibigan ng lahat. Yung kahit saan ka lumingon may babati sa'yo. Ngingiti sa'yo. At alam mong anytime pwede mong hingan ng tulong. Kaya lang parang pinagsisihan ko na ngayon.
Pinagsisihan ko na maging kapansin pansin sa buong klase. Pero talaga naman e, umpisa pa lang naiinis na ako sa kanila dahil pinagkaisahan nila ako. Tapos pinaramdam nila sa akin na parang hindi ako kabilang. Parang hangin na dinadaan daanan. Ayan tuloy inasam ko pa tuloy na makilala nila ako kahit sa pangalan lang. Nakakainis!
"Pakidistribute nga,Ellie,"
"Ellie,Ellie,Ellie,Ellie,"
"Ellie, ajdgsakg&^&#$dfs"
Nasabi ko noon sa sarili ko na 'Mabait din naman pala sila'. Pero maling mali ako. Akala ko pakiusap lang yon! Hindi! Ang layo ng pakiusap sa utos! Pwede ko naman tanggihan ang utos nila pero sa tuwing susubukan kong gawin iyon pinapamukha ng mga kakalase ko na isa daw akong class officer. And to be a class officer is to serve people, specifically your beloved classmates. Wala naman akong paki e, kaso tuwing ipapamukha nila 'yon ay may titser. Siyempre hindi naman pwedeng sumagot na lang ako bigla. Mapapunta pa ako sa principal's office. Ayoko men!
Kaya ang tangi ko lang masasabi ay NAKAKAINIS! Nakakainis kayong lahat. Lalo na yung lalaking yun! Isa siya sa mga pinaka nagpapahirap ng buhay ko.
"Ellie?"
"Ellie?"
Kailangan ko pa ng mahabang pasensya. Kailangan ko magpigil. Hinga ng malalim, buga. Relax, isipin na lang na 'you will reap what you sow'. Tama. Ganun na lang. Breathe in. Breathe out. Think positive. Sadyang kailangan lang talaga nila ng tulong mo.
"Ellie?!"
"Ellie?!"
Huwag kang magpadala sa emosyon mo. Dahil ikaw din ang talo. Wag mo na lang pansinin. Kaya ko 'to. Isipin mo na lang na napaka halaga mo sa buhay nila. Paano na lang pag wala ka Ellie?
"Ellie?!"
"Ellie?!"
Please naman. Wag niyo ako punuin. Tao lang ako. May damdamin. Lalong lalo na may hangganan ang pasensya ko. Kung pinapahalagahan niyo pa ang buhay niyo, mag-isip isip kayo. Dahil baka hindi ko na kayanin ang temptasyon. Konti na lang. Sobrang iksi ng pisi ko. Konti na lang at makakasapak na ako.
"Ellie?!"
"Ellie?!"
Pero eto na talaga, sagad na. Hindi ko na kaya! Masakit na ang tenga ko. Sasabog na talaga ang inis ko. Maghanda ka na. Naipon ko na ang lahat ng lakas ko.
"Ayoko na! Tama na! Binging Bingi na ako---adskldajoy6@&^&#%*(!"
Napabalikwas ako sa pagbangon ng halos malunod ako sa tubig na ibinuhos ng nanay ko sa aking mukha. Ang sakit pumasok pa sa ilong ko yung tubig. Napasinga ako sa kung saan na lang, wala akong pake basta mabawasan lang ang sakit sa ilong at ulo ko. Hinahabol ko ang hininga ko kasabay ng pagpunas ko sa mukha kong basang basa.

BINABASA MO ANG
Volunteer
HumorAng masasabi ko lang. Wala. Ikaw? Anong masasabi mo? Libre comment dito Tara! (Bagal na bagal mode) =3=