Nakakapagod na maging presidente ng klase. Wala naman akong magawa dahil ako ang binoto nila. Kailangan ko na lang 'to panindigan. Pangatlong taon ko na rin naman sa posisyong ito. First year pa lang naluklok na ako sa ganitong pwesto kaya di na ako magtataka kung balang araw maging pangulo ako ng bansa. Biro lang, hindi ko planong umabot sa ganun.
"Hi Eli, kyaaaaaah! tinignan niya ako!"
Nakakarindi talaga 'tong mga babae. Wala ng ginawa kundi tumili ng tumili pag nasasalubong ako. Nakakairita na. Alam ko naman na gwapo ako kaya di na nila kailangan ipagsigawan pa dahil alam na ng buong mundo.
"Ano sasali ka na ba sa student council?"
Eto na naman siya sa pangungulit. Ilang beses ko ng sinabi na ayoko muna dagdagan ang mga gawain ko pero ayaw niya pa rin akong tantanan. Tao nga naman, ang hirap makaintindi. Umiling iling na lang ako at nilagpasan siya.
"Secretary, isulat mo 'to sa board"
Tumayo ang isang di katangkarang babae na may maiksing buhok. Tumungo siya sa blackboard para magsulat. Ang lakas talaga man-trip ng klase, pati ang transferee ay hindi pinalampas sa sumpa ng pagiging isang secretary. Lumabas ng room ang titser at kani-kaniya ng mundo ang mga kaklase ko. Siya naman sulat lang ng sulat sa board. Napansin kong nahihirapan siya dahil sa taas ng board. Maraming naiwang bakante sa itaas ng parte nito. Lumapit ako sa kaniya.
"Psssst,"
Hindi siya lumingon sa akin. Paulit-ulit akong sumitsit pero wala pa rin. Tinapik ko siya sa balikat dahil naiinis na ako sa di niya pagpansin. Tumingin siya sa kinatatayuan ko.
"Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag,"
Tinignan niya lang ako na para bang nagtatanong. Kaya naman inulit ko ang sinabi ko ng mas malakas para mas maintindihan niya.
"Ang sabi ko, bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag," Humarap siya sa akin at lumapit ng kaunti.
"Nagkamali ka ata ng kausap, hindi kasi 'Psssst' ang pangalan ko e." Nginitian niya ako at saka bumalik sa ginagawa niya. Bakit ba naman kasi isang babae pa ang naging kapangalan ko? Ang hirap, para ko na rin tinatawag ang sarili ko. Di ba parang baliw yon? Alam ko gumaganti siya dahil sa ginawa ko noong first day. Lalapit sana ako ulit ng may sumigaw na parating na ang titser namin. Agad nagsi-upo ang lahat at nanahimik.
Mag-uuwian na ng masalubong ko ang titser ko sa hallway at lumapit sa akin para ibigay ang quiz papers ng mga kaklase ko. Ako na daw ang mag-distribute at mag-assign daw ako ng cleaners. Pagbalik ko sa room ay wala ng tao bukod sa kaniya na nag-aayos ng gamit. Bukas ko na maibabalik ang mga quiz papers nila pero ang classroom hindi pwedeng hayaang ganito.
"Hoy, tulungan mo akong maglinis dito"
Tinignan niya ako ng masama. Binitbit niya ang bag niya saka lumapit sa akin. "Hindi rin 'Hoy' ang pangalan ko. Hindi ka na nga marunong mag-please di ka pa marunong mangilala," sabi niya.
Nilampasan niya ako at lumabas ng classroom. Hindi ko naman talaga kailangan ng tulong niya. Kaya ko naman ito. Tss. Maglilinis lang pala, sisiw! Kumuha na ako ng panlinis para makapag-umpisa na. May nakita akong coin purse sa sahig. Pinulot ko saka inalog. Matunog. Puro barya. Pwede na rin 'tong pagtiyagaan iisipin ko na lang na kapalit to ng paglilinis ko. Ibinulsa ko na lang. Nagulat ako ng may pumasok at hingal na hingal na nagsalita.
"May nakita ka bang coin purse?"
Hindi ko siya sinagot. Itinuloy ko na lang ang paglilinis. Halatang nainis siya sa ginawa ko. Nag-ikut-ikot siya sa pag-aakalang makikita niya ang hinahanap niya. Nalugmok siya at umupo habang nagsasalita.
"Ang bobo ko kasi, san ko ba yon naiwala?"
Lumapit ako sa likuran niya at inilabas ang nasa bulsa ko. Nakaisip kasi ako ng magandang ideya. "Eto ba hinahanap mo?" Nanlaki ang mata niya sa bagay na nasa kamay ko. Agad siyang tumayo para abutin ito pero iniwas ko.
"Akin na yan!"
Ibinalik ko sa bulsa ang coin purse. Tumingin ako sa kaniya, kitang-kita ko ang inis sa mukha niya. Gusto kong tumawa ng malakas dahil namumula na ang mukha niya sa galit pero pinigil ko . Huminga muna ako ng malalim at saka nagsalita.
"Sa isang kundisyon..."
All Rights Reserved 2013
© SnooZero
A/N: Bagal mode =_=
![](https://img.wattpad.com/cover/4531946-288-k931660.jpg)
BINABASA MO ANG
Volunteer
HumorAng masasabi ko lang. Wala. Ikaw? Anong masasabi mo? Libre comment dito Tara! (Bagal na bagal mode) =3=