MY TOUCHABLE BOYFRIEND 1 🤍

290 10 1
                                    

WIN’s POV

“Tigil na, Bright. Nagluluto ako!” inis na singhal ko sa Boyfriend ko na parang koala kung makakapit sa’kin. Nagluluto pa naman ako.

I’m Win Meta at ang kasama ko sa bahay ay walang iba kun’di ang boyfriend ko na si Bright Vachi.

Kung tatanungin nga ba kung paano namin narating ang ganitong sitwasyon sa mapanghusga na mga tao. Isa lang ang masasabi ko, May tiwala kami sa relasyong binuo namin.

“Later na, baby. Ako na muna, please?” pagsusumamo ni Bright habang inaamoy ang leeg ko pero kusa ko naman inilalayo ang sarili ko sa mapanlinlang na labi ng Boyfriend ko.

“Tumigil ka nga. Buong magdamag mo na nga akong pinuyat at pinagod tapos hindi ka pa rin nakakaramdam ng pagod, Vachi?” naiirita ko pa rin na tono.

It’s our routine. Ang magdamag mag-loving-loving sa tuwing LDR kami. Isa lang naman siyang CEO sa isang kompanya na sinusuportahan ko na lang. As long na masaya siya ay palagi akong nakasuporta sa boyfriend ko.

‘I’m so proud of him’ bulong ko sa isip.

“Ngayon na nga lang ako naglambing eh” reklamo ng boyfriend ko na si Vachi kung saan nakanguso pa at bumitaw pa sa pagkakayakap sa’kin.

Hay na’ko. Pa cute pa! Alam kasi nitong hindi ko siya matitiis!

“H’wag mo nga akong paandaran ng ka-cute-an mo. Hindi ako nagbibiro, Vachi” pagbabanta ko na sinamaan ko pa ng tingin.

“Ang init ng ulo mo sa’kin, baby. Oo na, hindi na nga eh!” reklamo na sagot ni Bright bago inihanda ang mga plato sa lamesa.

Nakaraang araw pa mainit ang ulo ko sapagkat ang mga customers ko ay puro cancel ang inatupag sa mga stock ko.

At nang dahil ayoko ng suyuin pa ang nagtatampong boyfriend ko ay hinayaan ko na lamang ito. Mawawala rin naman kalaunan ‘yan. Konting lambing ko lang d’yan, tiklop agad.

“Kumain ka na. Anong oras na at baka ma-late ka pa” pahayag ko bago sinandukan ko ito ng makakain.

Hindi ako nakarinig nang pagtugon kaya kunot-noo ko itong tinignan ngunit hindi man lang ako tinignan ng boyfriend ko kung magtampo akala mo walang bukas. tsk

“H’wag mo akong simulan, Vachirawit!” inis ko na uling pahayag.

Magkadikit ang parehas kong kilay habang masama ang pagtitig ko sa boyfriend ko na tahimik lang sa isang tabi.

I hate this feeling. Lalo na kung sobra ito kung mag-tampo.

“Tapos na ako” malamig na pagtugon ng boyfriend ko na si Bright bago inayos ang pinagkainan nito at nilagay sa hugasan.

“Mag-usap nga tayo!” kunot-noo kong pahayag habang pinigilan ko ito sa pulsuhan.

“Ano na namang mukha ‘yan, Vachi? Purkit hindi ka lang pinagbigyan?” inis kong dugtong habang kita ko rito ang naka-pout nitong labi.

‘Mas’yadong matampuhin! Wala namang sa lugar!’ inis kong bulong sa isip.

“Hindi ka aalis ng bahay na ito na hindi mo ako kinakausap ng maayos, Vachirawit!” medyo mataas na ang tono kong iyon sapagkat wala man lang akong naririnig na tugon mula sa boyfriend ko!

“Okay tayo, okay? I’m fine. Papasok na ako. Sige na, malelate na ako eh” pahayag ni Bright bago inaalis ang kamay ko na nasa pulsuhan nito.

“H’wag mo akong artehan, Vachirawit! Ang aga-aga, ha?” inis kong singhal rito.

“Kalma, Metawin. We’re okay. I’m sorry kung ganito ako. Sige na, aalis na ako. Pahinga ka na lang, baby” mahinang pahayag ni Bright bago ako hinalikan nito sa pisngi nang panandalian.

[COMPLETED] : MY TOUCHABLE BOYFRIEND [WinBright: Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon