MY TOUCHABLE BOYFRIEND 5 🤍

137 10 0
                                    

BRIGHT's POV

Marami kaming lugar na pinasyalan ni Win at marami rin kaming rides na sinakyan kahit na ang halos lahat ay kinakatakutan ko pero nang dahil nga mahal ko ang soon to be husband ko ay napapayag niya ako.

“Nagugutom na ako, hon!” reklamo ng boyfriend ko na si Win habang nakaupo dito sa bench sa tapat ng roller coaster kung saan kakatapos lang namin sumakay doon.

Halos masuka na ako nang dahil sa pagkahilo ko doon sa roller coaster tapos itong boyfriend ko ay prente pa na makaupo dito sa bench.

My love... Buntis ka, remember?’ gusto ko itanong iyon sa boyfriend ko pero nang tumingin ako rito ay nakita ko ang nanlilisik na mata nito.

Ano na naman ba ang ginawa ko na masama?’ napasapo ako sa noo ko bago umayos ng pustora at tinuon ang pansin sa boyfriend ko na amok na amok na naman.

Hindi man lang nakaramdam ng takot si Win noong sumakay kami ng roller coaster kahit na alam nito na may anak kami na dinadala nito.

“What?” medyo nainis ko na sagot ko rito.

“Sabi ko nagugutom na ako. Bakit naiinis ka sa’kin? Si baby naman ang nagugutom. Dinadamayan ko lang” naka-pout na pahayag ni Win tapos 'yung boses pa na halatang nagpapa-cute pa.

Bakit kasi ang rupok ko kay Metawin?’ naiinis ko na bulong sa isip ko.

“Wait lang, love. Nanghihina pa ako eh” mahina ko na saad bago uminom ng tubig.

“Okay po. Are you okay po ba? Pasens’ya na kung pinilit pa kita, ha?” malungkot na pag-aalala ni Win sa’kin.

Mas lalo ako nanghina ng marinig ko iyon. Paano ako hindi rurupok kung ganito ba naman ka-sweet ang boyfriend ko?

Sa simpleng gesture lang ni Win o lahat ng sasabihin nito ay para sa'kin mahalaga na.... S’werteng-s’werte ko kumbaga.

Ngumiti ako kay Win bago ito hinalikan sa noo, “I'm fine na, love. Ikaw po ang energy ko eh” saad ko bago ko ito niyakap ng mahigpit.

“Tara na. Ano ba gusto ng mag-ama ko, ha? Lahat bibilhin ni Daddy for both of you” matamis kong dugtong kay Win.

Nakita ko naman ang makinam na mata ni Win kaya mas lalo ako naganahan na bilhin ang gusto nito at s’yempre para na rin sa sinapupunan nito.

“Ice cream vanilla, Mango pie, Shakeys pizza at Java rice with egg and ham” nagnining-ning na pahayag ng boyfriend ko na si Win.

Hindi ako nagtaka sa cravings nito pero nagtaka ako sapagkat wala kami sa pinas para hanapin nang gano'n kadali ang gusto nito.

Hindi ko pa nga alam kung saan ko makikita ang pagkain na gusto ni Win kasi nandito naman kami sa Yokohama Cosmoworld para mag-enjoy.

“Seryoso ka d’yan, love?” nagtataka ko na tanong.

Mukhang mahihirapan ako na hanapin ang pagkain na gusto nitong kainin. hays

‘Kung hindi lang talaga kita love, Metawin’ bulong ko sa isip bago napailing na lang.

Wala rin naman ako na magagawa kun’di ang sumunod dito sapagkat ayoko naman na magalit ang boyfriend ko. Topakin pa naman nito lalo na ngayon na buntis ito.

“I cook for you na lang, mahal. Mahirap hanapin dito ang gusto mo eh” nakangiti ko na pahayag bago ito inakbayan para yayain ng umuwi.

“Talaga po? Tara na. Gutom na kami ni baby!” excited na pahayag ni Win at hinila na ako nito.

Napangiti na lang ako sa ka-cute-an ng boyfriend ko.

“Okay lang na umuwi na tayo, love? Ayaw mo ng sumakay sa mga rides?” paninigurado ko na tanong kay Win.

[COMPLETED] : MY TOUCHABLE BOYFRIEND [WinBright: Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon