MY TOUCHABLE BOYFRIEND 3 🤍

137 9 0
                                    

BRIGHT’S POV

Maaga akong nagising para paglutuan ang mahal kong boyfriend. Alam ko naman na masama ang loob nito nang dahil sa nangyari pero susubukan ko naman gawin para makabawi kay Win.

Habang hinihiwa at nililinis ko ang ingredients ay nagpahanda ako sa secretary ko upang mag-arkila ng helicopter para sa bakasyon naming dalawa ni Win. Alam ko na madalian ‘to, pero i don’t have any choice kun’di gawin ang nararapat.

“Thank you so much!” saad ko sa sekretarya ko bago pinatay ang tawag at agad na inasikaso ang pagkain para sa agahan.

“What are you doing?” bungad na saad ni Win nang nakarating sa kusina habang kinukusot-kusot ang mata nito nang dahil sa kagigising pa lang nito.

“Food for my only love?” nakangiting saad ko bago pinaghila ito ng upuan, “Upo na my love. Kumain tayo para makaalis na tayo” dagdag ko pa.

“Makaalis? At saan naman tayo pupunta, Vachi?” kunot ang noo na tanong ni Win sa’kin.

“Para mag-relax? Kasi alam kong na-s-stress ka na sa’kin. Hindi na kita nabibigyan ng oras eh” nakanguso kong pahayag.

“You don’t need to do, Bright” madiin ngunit seryoso na pahayag ni Win sa’kin.

“Kung ang palayain kita ang hihilingin mo para dito sa gusto mo. Kahit masakit sa‘kin ay tatanggapin ko sapagkat gano’n kita kamahal” dagdag na seryosong pahayag ni Win.

“Ha? What do you mean, Love? Anong palayain ang sinasabi mo d’yan?” nagtataka kong tanong pero sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na ako.

“H’wag mo ng ikaila, Bright. May babae ka at ang saya niyo pa nga sa café, ‘di ba?” sarkatiskong pahayag ni Win.

Hindi ko maiwasan na matawa. So, totoo ngang pumunta siya doon at nakita kami. Kung alam ko lang edi pinakilala ko pa siya doon.

“Kahit milyo-milyong babae man ang nasa harapan ko. Hinding-hindi kita ipagpapalit, asawa ko” malambing na pahayag ko kay Win habang lumuhod ako sa harapan nito.

“Kasi ang taong papakasalan ko lang ay walang iba kun’di ikaw lang” dugtong ko pa bago inilabas ang kahita at pinakita ko rito.

“Bright!” nagugulat na pahayag ni Win at kita ko sa mga mata nito ang nangingilid na luha.

“Wala pa sana akong balak na sabihin ‘to ngayon. Pero ayoko naman na isipin mo na nangbababae ako. Hindi naman makatarungan ‘yon, my love” napapailing kong pahayag.

“Maniwala ka man o hindi, busy ako sa business tapos dito sa balak kong bakasyon nating dalawa at siyempre para rin dito sa proposal ko. Matagal ng naka-plano ang lahat. Ngayon lang ako nagkaoras para alukin ka ng kasal. Ayoko na kasing palagpasin na hindi ka magiging akin habang-buhay.

Kung maaari sana, matatanggap mo ba ang inaalok kong kasal upang makasama ka habang-buhay?” nakaluhod kong tanong muli rito.

Hindi naman ako nabigo sapagkat kita ko na ang naglalandas nitong mga luha kasabay ng sunod-sunod nitong tango na may kasamang ‘yes’.

“Thank you, My love!!!” mahigpit kong yakap nito habang paulit-ulit kong hinahalikan ang buong mukha nito.

“Bright. T-tama na p-please. hahahaha” natatawang pigil sa’kin ni Win na agad ko rin sinunod.

Inalalayan ko itong maupo bago ko hinawakan ang mga kamay nito.

“My love. Bago natin ipagpatuloy ang kinabukasan natin nang magkasama. Gusto ko lang linawin sa’yo lahat-lahat upang maialis mo sa isip mo ang mga negatibong nakita mo” pauna kong salita habang nakatitig sa mga mata ni Win.

[COMPLETED] : MY TOUCHABLE BOYFRIEND [WinBright: Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon