chapter 05 : remember, blueberry

3.7K 302 66
                                    


"I'm sorry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'm sorry . . . "

"I felt sorry for him too . . . but remembering our past conversations and the way he laid out those rules, I realized that Blueberry didn't want that."

"He didn't want people to feel sorry for him?"

"Exactly . . . And I couldn't blame him for that, because honestly, if I were in his situation, I would feel the same way too."

"Paano 'yon? Kunwari na lang na wala kang narinig? Kinaya mo 'yon?"


✦ ✦ ✦

Hawak ang backpack at sapatos ko, lumabas ako nang kuwarto at dahan-dahan itong sinara. Maingat akong bumaba ng hagdan habang background noise ang mga tumitilaok na manok ng kapitbahay.

Nang tuluyang makababa sa sala, muntik akong mapamura nang malakas nang matanaw si Mama na nakatayo sa kusina, nakapamewang habang ang isang kamay ay may hawak na sandok.

"Sabado ngayon? May lakad ka?" pambungad niya kaagad.

Gusto ko sanang magmaang-maangan kaso wala na akong lusot lalo't bukod sa mga gamit na dala ko, naka-pantalon at pink sweatshirt pa ako. Halatang-halatang may pupuntahan.

"May practice kami, Ma. Nakakatamad pumunta pero kung hindi ako pupunta, baka kung ano pang masabi ng mga kagrupo ko. Babalik naman po ako kaagad. No need na rin ng baon kasi may—"

"Magpa-part time ka na naman?" Mama let out a heavy sigh. 

Kahit naiinis na nang kaunti, tumawa na lamang ako. "Mama naman . . . practice nga 'di ba?"

"Katrielle, hindi ako nagpapakahirap magtrabaho para lang maging working student ka. Mag-focus ka lang sa pag-aaral mo, hindi 'yong marami kang iniisip. Ako ang nanay, ako ang dapat mamroblema," wika ni Mama, may pataas-taas pa ng boses at kilay. Sa daming beses ko na 'tong narinig sa kanya, puwedeng-puwede ko na siyang sabayan—kaso mahal ko pa ang buhay ko kaya huwag na lang.

"Don't worry, Ma. Practice lang talaga." I smiled like some innocent little child. "Ang role ko ay rebeldeng anak na mahilig magparty-party with ballpen cigarettes and all. Hopefully, hindi malakas manampal ang kaklase kong gaganap na nanay ko."

"Neknek mo, Katrielle." Mama rolled her eyes, and I could only laugh. "Nga pala, nakita mo ba ang relo ng papa mo? Nasa drawer lang 'yon, e. Hindi ko alam saan—"

"Ah, yon?" Napakamot ako sa ulo ko. Sandali akong nag-isip kung sasabihin ko ba o hindi, pero sa huli, naisip kong wala namang masama sa ginawa ko kaya umamin na ako. "I got curious kaya pinatingnan ko sa pawnshop. May 1k pa palang value 'yon kaya sinangla ko na."

Sa isang iglap, bigla na lamang nanlaki ang mga mata ni Mama. "Anong sinangla mo?! Katrielle, wag ka ngang magbiro nang ganyan!"

Natawa ako sa naging reaksiyon ni Mama. "Mukha mo, Ma."

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon