chapter 16 : the line i still couldn't cross

2.2K 230 13
                                    


"Hindi ka na galit?" Pangiti-ngiting tanong ni Blueberry nang pagbuksan niya ako ng pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ka na galit?" Pangiti-ngiting tanong ni Blueberry nang pagbuksan niya ako ng pinto. 

Para akong tangang bumalik sa bahay niya ilang oras lang pagkatapos akong mag-walk out, pero mas pipiliin kong magmukhang tanga kaysa sa mag-aksaya ng araw na hindi kami okay.

"Nasa bahay ang mga co-worker ni mama. Naiilang ako kaya dito na muna ako. Susunduin lang niya ako mamaya." I rolled my swollen eyes and handed him the little box of veggie pizza that I got for him. 

Nilagpasan ko si Blueberry at naupo sa kama niya. Kumuha pa ako ng libro mula sa backpack ko, kunwari magre-review. Habang ginagawa ito, pansin kong nakatingin pa rin si Blueberry mula sa bahagyang nakabukas na pinto at tinitingnan ako. Gusto ko mang malaman kung ano ang ekspresiyon ng mukha niya, ayokong makita niya ang mga mata kong namamaga na.

"'Di ba may kuwarto ka? Papasok ba sila doon?" May pang-aasar sa tono ni Blueberry kaya nainis ako bigla.

"You know what? Doon na lang pala ako kay Carri." Isinalampak ko pabalik ang libro sa loob ng bag ko at agad nagmartsa patungo sa pinto, hindi alintana ang zipper ng bag kong nakabukas pa.

"Joke lang, joke lang . . . " Patawa-tawang sabi ni Blueberry at bigla akong hinarang. "Huwag ka nang magalit," panlalambing niya sabay hawak nang marahan sa kamay ko.

I couldn't help but look up at him and glare. "Siraulo ka alam mo 'yon?"

Blueberry grinned and nodded. He then took a step closer and pulled me into a warm hug. He even slouched a little just to make me feel more comfortable. "Sorry na . . . "

As my jaw rested on his shoulder, my eyes pooled up with tears again. Napatitig na lamang ako sa kisame at napasimangot, umaasang maagapan nito ang muling pagpatak ng mga luha ko. "Sorry saan?"

"Sorry hindi kita hinabol . . . " Naramdaman ko ang banayad niyang pagtapik sa likod ko. Naalala ko bigla ang yakap ni papa sa tuwing pinapatahan niya ako. "Dapat hindi kita hinayaang umalis nang gano'n."

"'Yon lang?" Napataas ang kilay ko. Wala ba siyang balak na bawiin ang mga pinagsasabi niya kanina?

"Kuya, parating na raw si Kuya Janus! Siya na ang magda-drive para sa 'yo—oh! Ate Tree, you're here! Kuya cancel ko na ba ang oplan ipagpatawad mo?"

Pareho kaming napalingon ni Blueberry at nakita si Braylee na bumubungisngis habang nakasilip sa bahagyang nakabukas na pinto.

"Labas!" sigaw ni Blueberry sa kapatid at akmang pupulot ng kung ano para ibato sa kapatid.

"Nasa loob ako ng bahay! Labas your face!" Braylee stuck her tongue out and ran out away.

Natawa na lamang ako sa kabaliwan nilang magkapatid.

"Patingin nga," ani Blueberry kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya. Bago pa man ako makapagtanong, bahagya siyang yumuko. Mabilis akong napapikit sa takot na baka titigan niya ang namamaga kong mga mata.

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon