chapter 06: heart attack

2.9K 305 51
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Blueberry swallowed hard as tears fell down his cheeks. "Coach's birthday last week . . . it was you, right? You were the girl walking away from that waiting shed?"

For a few moments, I was left speechless, until I found myself nodding.

"Napadaan ako doon." Taas-noo kong pag-amin kasabay ng kusang pagtaas ng kilay ko. My voice came out cold and rude, and for me, it felt just right. "Bakit? Nandoon ka ba?"

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, wag ka na ngang magmaang-maangan!" kunot-noo niyang bulalas, halata ang inis para sa akin.

"Hindi ko alam anong ibig mong sabihin. Huwag mo nga akong sigawan, mamaya manuno pa tayo rito." Inirapan ko siya at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Nilagpasan ko pa siya.

As soon as I was steps away from him, I was finally able to let out a sigh of relief. I continued to walk along the empty road, until I realized that I was no longer hearing his footsteps.

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Nakita kong nakatayo pa rin siya sa gitna ng daan, nakatingin lamang sa akin.

"Ano na naman?!" I grunted.

"Ako ba ang dahilan kung bakit ka umiyak kanina?" His voice sounded so sad and lifeless.

"Wow, ha?" I scoffed, letting out a sarcastic grin. "Siraulo ka ba? Nag-away kami ng mama ko, uy! Masyado akong ma-pride kaya sa ibang lugar ako umiiyak para hindi niya ako makita. At saka, ba't naman kita iiyakan? Lakas naman ng amats mo."

Agad naningkit ang kanyang mga mata. "Hindi mo ako iiyakan?"

"E, ako? Iiyakan mo ba ako?" tanong ko naman pabalik. Tamang-tama dahil forte ko ang gaguhang usapan.

Nang hindi siya makakibo, natawa ako nang bahagya. I took it as my victory so I turned again and continued walking. 

"Salamat . . . Maraming salamat."

Parang biglang may kumurot sa puso, pero imbes na huminto o lumingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Blueberry, ano ba! Bilisan mo nga sa paglalakad! Mapapagalitan na ako!"

Sa isang iglap, narinig ko ang marahan niyang pagtawa. Tuloy, kahit ako, hindi ko na rin napigilang ngumiti.

I heard him run toward me and when he was finally able to catch up, bigla niya akong hinawakan sa braso. "Tara tara . . . "

"Hoy! Wag mo nga akong hilahin! Baka madapa ako!" reklamo ko nang bahagya niya akong makaladkad.

"May kapre sa likod tak—" 

He didn't have to say anything else. Sa sobrang kilabot, kumaripas na ako ng takbo. Mabilis naman siyang sumunod, tawa nang tawa.

***

The Goodbye GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon