Prolouge

112 6 0
                                    

Annastacia Regina

Bigla akong napabalikawas ng bangot at tutop ang aking dibdib, habol ko ang aking paghinga at tagaktak ang aking pawis. Tila nararamdaman ko pa ang mga pinagdaanan ko sa aking panaginip, kung panaginip nga bang matatawag yon o isang bangungot.

Ugh! What the hell!?

Seryoso? Lahat ng yun panaginip lang? As in! Jeeeeeez!

Napalamukos na lang ako ng aking mukha!

Hindi ko kasi alam kung madidismaya ba ako o matutuwa na panaginip lang ang lahat.

Madidismaya dahil yung babaeng crush ko ay girlfriend ko sa aking panaginip o matutuwa dahil alam kong hindi totoo ang mga nangyari, na alam kong okay siya ngayon.

"Ano ba namang klaseng panaginip toh!" Napabangon na lang ako at nag simulang gumayak para sa unang araw ng klase sa taong ito.

"Tsk, makikita ko na naman ang mga terorista kong prof at makukulit na mga classmate. Mag sisimula na namang sumakit ang ulo ko dahil sa mga quizzes at exam na kakasagupain ko, haist! Sana lang talaga sobrang talino ko sa totoong buhay gaya ng nasa panaginip ko, ang genius ko kaya dun!"

Matapos kong masiguro na okay na ang gayak ko, kinuha ko na ang bagpack ko pati na ang susi ng kotse ko. Lumabas na ako ng aking kwarto, nag diretso sa aking mini kitchen, kumuha lang ako ng isang mansanas at isang bote ng tubig sa ref (ito lang ata ang makatotohanan sa panaginip ko!) at nag lakad palabas ng aking condo.

--

Nag diretso na agad ako sa aking assigned locker para iwan yung mga book at mga note na hindi ko kailangan sa first class ko. Nang ma-secure ko na ang lock ay tinahak ko na ang hallway papunta sa assigned room ko for this semester.

"Ay kabayong palaka na bumukaka!" Napatapik na lang ako sa noo dahil sa mga katagang lumabas sa aking bibig, ang lakas naman ng tawa nung taong naging sanhi ng pagkagulat ko. Ikaw ba naman dambahin sa likod.

"Ano ba Brenda! May balak ka bang patayin ako? At pwede ba, bumaba ka na ang bigat mo eh!" Kasalukuyan kasi syang nakapasan sakin at nakayakap ng mahigpit na parang koala.

"Nope! Lakad na, male-late na tayo sa first subject natin." Natatawa nyang sagot sa akin at mas lalo pa nyang hinigpitan yung pagkakapulupot sa akin para hindi sya malaglag. Narinig ko namang pumapalatak lang si Cath dahil sa pagiging isip bata nitong si Brenda.

Ay nako, ikatlong taon na namin toh sa kolehiyong pinapasukan namin, magkaka-klase din kaming tatlo sa kursong Business Administration, ang major namin ay Management. Bukod sa iisang course ay magkasama din kaming tatlo sa Woman's Basketball Team.

Kami ang tatlong reserved player ni Coach Veronica dahil kailangan muna naming maging residence ng University for two years bago makapag laro sa liga at ito na nga yung pinaka hinihintay naming taon.

Si Brenda Klent Slauther ay 6'7, half Pilipino half American at center ang kanyang posisyon sa aming team. Hindi rin nakakapagtaka kung bakit ganyan sya kadambuhala dahil ang kanyang ama ay 6'5 at ang kanyang ina naman ay 6 flat. Grabe lang sila noh? At grabe lang din, imagine kung gaano kalaking tao yung nakasampa sa likod ko na parang koala at ayaw bumaba. At ang pinaka importanteng detalye sa kanya ay isa syang magandang babae na mahilig din sa maganda.

Si Catherina Caguioa naman ay 5'8 sya ang pinakamaliit sa aming tatlo at madalas naming tawaging midget, pero syempre hindi naman talaga sya midget pag iba ang kasama nya. Point guard ang position nya sa team namin, sa loob ng dalawang taon ay itinitrain sya ni Coach V sa pagiging isang magaling na point guard dahil sa oras na pwede na syang makalaro ay ga-graduate naman ang kasalukuyang point guard ng team namin. Purong pilipina sya at may dalawang kapatid na babae na mas bata sa kanya. Minana nya ang kahiligan sa pagba-basketball sa daddy nya na dating PBA player ngunit limang taon lang ang itinagal sa liga dahil sa natamong injury. Ang pinaka importanteng detalye naman sa kanya ay isa syang magandang dilag na nerd at bisexual.

To Win Or To Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon