Chapter 1 - Serenade

47 7 0
                                    

Chapter 1


Pag pasok na pag pasok ko sa aking condo ay nag diretso na ako sa kwarto ko, agad kong hinubad ang mga suot ko at nagdiretso sa banyo para magshower dahil sa lagkit na nararamdaman ko gawa ng natuyong pawis sa aking katawan.

Matapos kong mag shower at magpatuyo ng katawan ay nag suot lang ako ng light blue t-shirt na may print na Naruto at black na boxer short. Nagdiretso ako sa kusina sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Nang maalala ko na kailangan kong tumawag sa tita ko na nakabase ngayun sa states ay bumalik ako sa aking kwarto para kunin ang cellphone ko sa kinapapatungan nito, agad kong idinial ang numero ni Tita, sa ikatlong ring ay narinig ko ang tila kagigising lang na boses nito. Napa-curse na lang ako ng maalalang midnight na nga pala sa New York ngayun.

"Sorry, sorry Tita if I woke you. Nakalimutan kong midnight na pala dyan." Hingi ko agad ng dispensa sakanya. Eh nasanay naman kasi ako na laging tumatawag sa kanya, ayun nga lang nawala lang talaga sa loob ko na midnight na ngayon doon.

"It's okay love. Hinihintay ko talaga ang tawag mo, hindi ko lang namalayan na nakatulog na pala ako." Napangiti naman ako doon. Sa totoo lang kasi napaka greatful ko na sya ang naging tita ko dahil kahit wala na akong parents ay ipiniramdam nya sa akin ang pagmamahal ng isang magulang, na kahit sa murang edad pa lang nya ay inako nya na agad ang respinsibility nya sa akin pati na rin ang pag tulong nya sa pag papatakbo ng mga negosyong naiwan sa akin ng mga magulang ko.

"Awww, I love you Tita and I miss you so much! Kailan ka ba uuwi dito?" Paglalambing ko sa kanya na alam kong ikangingiti nya.

"Hmmm, mukhang happy ang favorite pamangkin ko, kay lambing mo ngayon." May himig panunukso sa boses nya na ikinatawa ko lang.

"Tita, as far as I remember eh nag iisa lang naman akong pamangkin mo ah!" Naka smirk kong sabi sa kanya na ikinatawa nya. "At happy naman po talaga ako, naglalambing lang ako kasi halos isang buwan na tayong hindi nagkikita. Wala po ba kayong planong pasyalan ako?" Nakalabi kong sabi kahit hindi naman nya nakikita.

"I'm sorry love, ang dami lang kasig kailangang asikasuhin dito sa mga hotels mo pero pag lumuwag na ang schedule ko lilipad agad ako dyan para puntahan ka, okay?" Napabuntong hininga naman ako dahil wala naman akong choice. Minsan nga naaawa na ako kay tita dahil feeling ko nawawalan na sya ng time kahit sa sarili nya dahil sa pag aasikaso ng mga business na iniwan sa akin ng mga magulang ko. Biruin mo twenty-nine years old pa lang sya pero grabe na yung responsibilidad nya ng dahil sa akin.

"I'm sorry Tita, nang dahil sa akin nawawalan ka na ng time sa sarili mo." Malungkot kong sabi.

"Hey hey love, don't think that way? Alam mo namang bukal sa loob ko nang tanggapin ko ang responsibilidad na toh, napamahal na din ako sa trabahong toh kaya wala kang dapat ihingi ng sorry dyan okay..?" Malambing ang tinig nya kaya hindi ko mapigilang mapangiti ulit.

"The best Tita in universe ka talaga, Tita!" Nakangise kong sabi sa kanya sa kabilang linya ng telepono.

"As far as I know nag-iisa mo lang akong tita ah!" Sabay kaming napahalakhak sa sinabi nya.

Nag kwentuhan lang kami saglit at agad na akong nag paalam dahil aware naman akong kailangan nya ding mag pahinga dahil maaga na naman siya sa trabaho bukas.

Nag padeliver lang ako ng dinner ko dahil tinamad na akong magluto, matapos kong kumain ay nagdiretso na ako sa banyo para mag toothbrush tapos ay agad akong nag diretso sa kama para matulog pero bago yun ay nag saglit ko munang instalk si crush sa social media at nag set muna ako ng aking alarm clock.

Pumikit akong may ngiti sa aking nga labi at ang nakangiting mukha ni Reeze ang huling naisip ko bago ako tuluyan mahulog sa kadiliman.

------

To Win Or To Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon