Chapter 2 - Coffee

46 5 1
                                    

Chapter 2


Nagising ako sa walang tigil na pangriring ng cellphone ko, may sariling buhay ang kamay ko na inabot yun na kasalukuyang nakapatong sa nightstand ko. Hindi na ako nag-abala pang tignan yung caller ID dahil hindi ko pa maidilat ang mga mata ko sa antok.

"Hello?" Malat ang boses na sagot ko sa tumawag.

"Finally, sinagot mo din ang tawag ko." Inip na boses ni Tita Catalina ang narinig ko. Napadilat ako ng mga mata para makasigurado ngang si tita yun, isinabay ko na din ang pag check ng oras. Jeez, 6 o'clock pa lang ng umaga.

"Good morning din sayo tita. Anong meron, ang aga mo mang gising?" Pumalatak toh sa kabilang linya bago sumagot.

"I just finished a board meeting today and gusto ko lang ipaalam sayo na gusto ng mga board members na i-expand na natin ang Harrison Hotel sa Asia and they wanted to start building A-S-A-P." Mahabang litanya ni Tita. Napabuntong hininga naman ako dahil parang alam ko na ang susunod nyang sasabihin. "And also, they keep on insisting na ma-meet ka, nakarating na din kasi sa kanila ang ginagawa mong pag hahandle sa Harrison University though hindi aware ang mga tao natin dyan na ikaw ang nagdedesisyon sa lahat at dumadaan lang sa akin. They also wanted to test you, if you can handle the expansion of Harrison Hotel in Asia." Hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Parang bigla-bigla ang pag atake ng sakit ng ulo ko kaya napahilot ako sa sentido ko.

"Look Tita, I am not yet ready to face that kind of responsibility. Kahit na nasubukan ko ng magwork sa Harrison Hotel last semestral break. Alam mo ang priority ko ngayun, etong University at pag babasketball ang gusto kong gawin. I do not see the point why they wanted to test my ability? Another thing, andyan ka naman para mamalakad, obviously ay okay ang pag handle mo ng business natin dahil sa ganda ng kita nito."

"I know love, pero alam mo naman pag dating sa business industry brutal lahat mga taong nasasaklaw nito. Maybe the reason why they wanted you to handle the Asia expansion is because they wanted you to fail para masabi nilang wala kang karapatang humawak ng ganito kalaki at successful na business." Alam ko naman yun eh, kahit naman before pa sa mga magulang ko ipinaalam na nila sa mura kong edad ang kalakaran ng business. "Kaya mas okay sana kung tatanggapin mo yung offer dahil alam kong kaya mo naman, nakita ko ang potential mo kahit sandali mo lang hinandle ang negosyo natin dito sa America. Please love, try to consider it? You don't have to answer right away, just think of it?" Wala naman na ata akong option eh. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Okay Tita, give me a week for my answer."

"Sure love, anyway I have to go now may dinner meeting pa akong pupuntahan."

"Okay tita, ingat ka. Love you!"

"I will, love you too! Bye!"

Napahiga ako at napabuntong hininga dahil sa kinakaharap na responsibilidad. Inaalala ko rin kung anong mangyayari pag hinawakan ko na yung expansion, mag kakaroon pa ba ako ng time sa pag lalaro ng baskteball pag tinanggap ko yung responsibility na naghihintay ng sagot ko. Pero pumasok din naman sa isip ko yung sinabi ng Tita ko na ginagawang panunubok ng mga board members sa akin. Isa pa, naaawa din naman ako sa Tita ko dahil parang wala na talaga tong social life dahil sa business na ipinagkatiwala ko sa kanya.

Napilitan na akong bumangon at nag diretso sa shower para maligo. After an hour ay natapos na akong gumayak para pumasok sa school. Walang gana kong sinimulang maglakad papunta sa kitchen, doon ko inabutang busy sa pagluluto si Penelope. Naaamoy ko pa yung bacon na niluluto nya.

Ano ba yan! Kahit si Penelope nawala na din sa isip ko na dito nga pala sa guestroom ko natulog.

"Morning babe, sipag natin magluto ah?" Hinalikan ko sya sa pisngi bago pumunta sa mini dining table ko para hintayin yung niluluto nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Win Or To Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon