ISANG ranch yard ang pinasok nila na nababakuran ng kahoy. Huminto sila sa harap ng isang moderno at may kalakihang dalawang-palapag na bahay.
Isang matangkad na lalaki ang dali-daling lumabas bago pa man sila makaparada sa harapan ng bahay. Good-looking in his own way, at mukhang kagalang- galang. Di-hamak na mas matanda kay Jack. The man must be in his late thirties.
"Bakit ang tagal n'yo?" bungad nito nang makababa sa pickup si Jack. "Namimilipit na sa sakit si Leony!" Tapos ay namangha ito nang makitang bumababa sa passenger side si Larissa.
"Sino ang kasama mo? Nasaan si Doc?" Hindi agad makasagot si Jack na napakamot sa batok. Lumakad ito patungo sa bahagi ni Larissa. "Ted, si Miss?"
"Garcia," dugtong ni Larissa nang sa tantiya niya'y hindi nito natandaan ang pangalan niya. "Larissa Garcia."
Subalit agad na ibinalik nito ang tingin kay Jack "Nasaan si Doktor Dionisio, Jack?" ulit nito sa nagpa panic na tinig.
"Ang sabi ni Manang Nelia ay nasa Bengued si Doc at sinundo ng anak."
"Sinundo!" Tumaasa sang tinig nito. "Bakit ngayon pa? Manganganak na si Leony anumang sandali. And she's in pain! Dalhin na natin siya sa ospital!"
Tumikhim si Larissa, and spoke with authority. "I want to see your wife, Ted. I am a doctor." Humak- bang siya patungo sa pinto ng bahay, expecting him to follow.
"A doctor?" manghang sabi nito at hindi malaman kung susundan siya o haharapin si Jack na nagkibit ng mga balikat. "Saan siya galing? Paano mo siyang nakilala? Totoo bang doktor-"
"Nasa restaurant siya nang dumating ako roon. Sinabi niyang doktor siya at nag-alok ng tulong nang malamang wala si Doc."
"Kumain lang sa restaurant! Naniwala ka na agad na doktor siya! Mukhang kasing-edad lang siya ni Leony at-"
"Tumigil ka, Ted," galit na saway ni Jack. "Kung wala kang tiwala kay Doktor Garcia, bakit hindi ikaw ang magpaanak kay Leony? O'di kaya'y dalhin mo sa Bengued."
"Kanina pa dapat pagkaalis mo! Kaso kinaka- bahan si Leony na baka maaksidente kami sa daan dahil natataranta raw ako! And I doubt if my wife will make it to Bengued, Jack. Natatakot akong manga- nganak na siya anumang sandali!" Nanggipuspos ito. "I could kill that old doctor! Sinabi niyang sa isang linggo pa due si Leony!"
May simpatiyang tinapik ni Jack ang kaibigan sa balikat. "Ikalma mo ang sarili mo, Ted. Naniniwala ako sa kakayahan ni Doktora Garcia."
"Magtatalo ba kayong dalawa o may paaanakin ako?" ani Larissa mula sa may bungad ng pinto.
Naunang lumakad si Jack patungo sa kabahayan. "Pagpaumanhinan mo ang kaibigan ko, Doktora," ha- los pabulong nitong sabi. "Hindi siya dating ganyan. He's a fine man. Intelihente, mahusay ang disposisyon. Magmula lang nang makilala niya si Leony ay nagkaganyan na iyan."
"Jack!" sigaw ni Ted na sumunod. "Kakainin mo ang sinabi mo kapag nag-asawa ka."
"Mag-aasawa siguro ako pero hindi ako magiging tulad mo," matabang nitong sabi. "Samahan mo na sa itaas si Doktora."
"Huwag kang mag-alala, Ted," si Larissa. "Kung kinakailangang dalhin sa ospital ang asawa mo'y dadalhin natin."
Naunang pumanhik sa itaas ng bahay si Ted kasunod sila ni Jack. Isang silid ang binuksan nito at nakita niyang nakaupo sa silyang tumba-tumba si Leony, hinahaplos-haplos ang tiyan at napapangiwi. Marahil ay bata ito sa kanya ng tatlong taon. Maganda, maputi at singkit ang mga mata. Sa tantiya niya ay napakalaki ng katandaan ni Teddy sa asawa.
At tama si Jack nang sabihing mas malaki pa sa kanya ang paaanakin niya. Leony was a big woman. Na lalo pang pinalaki ng kalagayan.
Nag-aalalang napaluhod si Teddy sa tabi ng asawa, hinawakan ang kamay nito. "Hindi si Doktor Dionisio ang kasama ni Jack, hon. Pero huwag kang mag-alala, isa rin siyang doktor."
BINABASA MO ANG
Iniibig Kita...Mahirap Bang Sabihin Iyon? - A Novel by Martha Cecilia
RomanceHer life was complete and satisfied. Iyon ang mantra na laging inuusal ni Larissa sa sarili. Kung physical attributes ang pag-uusapan, she deserved a second look. Men came and then were gone. Wala siyang seryosong relasyon dahil sa sandaling makakit...