CHAPTER FIVE

2K 45 17
                                    

LARISSA sleepily stretched her arms. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Pumapasok na ang sinag ng araw sa nakabukas na bintana.

Nakabukas? Ang binabalak na muling pagpikit ay napigil at nagmulat na nang totoo. Wala siyang natatandaang may bukas na bintana kagabing nahiga siya!

"Good morning..."

Napabalikwas siya ng bangon pagkarinig sa tinig. Isang batang babae ang nakatayo sa may paanan ng kama, in her cotton pajamas. Her shoulder-length hair was uncombed. Looking at her, natitiyak niyang kagigising din lang nito.

And she was smiling curiously at her.

"G-good morning," ganting-bati niya at muling inilatag ang sarili sa higaan at tumitig sa kisame.

Pakiramdam niya ay pumikit lang siya at hindi pa nakakatulog. Kung puwede lang ay ibaon niyang muli ang mukha sa unan upang bumalik sa pagtulog.

Subalit ang nakapagdududang kislap sa mga mata ng batang babae ay sapat upang muli niyang itukod ang mga siko sa kama at iniangat ang sarili.

Naupo ito sa gilid ng kama sa may paanan niya. "Hello," nakangiting sabi nito. "I'm Angie. Ikaw, sino ka?"

Angie? Walang nabanggit si Jack kagabi na maliban sa mag-asawang katiwala ay may bata pa itong kasama.

"Hi, Angie. I'm Larissa. Anong... oras na?"

"Alas-ocho y media na. Nasaan si Papa?" Nilinga nito ang kabilang bahagi ng higaan. Her chinky eyes twinkling.

Gustong mapaungol ni Larissa sa ipinahihiwatig ng mga mata nito. Nang bigla ay may nahagip ang isip na sinabi ng bata. Papa?

"A-anak ka ni Jack?" she said in horror.

At isiping hinagkan at nagpahalik siya rito kagabi.

The man was married!

"Uhuh." Sumampa na ito sa kama. "Ang... ang mother mo?"

"I don't have one," bale-walang sabi nito. Tinitigan siya nang husto. "Baka ikaw ang magiging mama ko."

Nanlaki ang mga mata niya. Dumoble na ang kalituhan. "Ako?!" Ngumiti ito. Napansin niya ang dimple sa magka- bilang pisngi nito.

"Yes. Ang galing namang pumili ni Papa ng magiging mama ko."

"P-pumili ng m-magiging mama mo?!" she parroted.

"What are you talking about? Where's your father anyway?" Tuluyan na siyang bumangon.

At napaungol nang mapunang ang suot niya kahapon ang siya pa rin niyang suot. Her jeans and blouse Nungka sa buhay niyang natulog siyang hindi lang naglilinis ng katawan at nagpalit ng man damit. Pero ano bang damit ang ipapalit niya gayong nasa kotse ang maleta niya?

But Jack said something about a shirt that she could use.

Well, she was too tired. That explained it. Huwag nang idagdag ang halik na ginawa nito sa kanya na tuluyang nagpaalis ng matinong kaisipan niya.

"Hindi ba magkasama kayong natulog?" sagot ng bata, grinning mischievously.

"Magkasamang na-!

Napaungol siya. Kanina pa niya inuulit ang mga sinasabi nito.

"Nagkakamali ka ng iniisip!"

"Paano akong magkakamali?" Umangat ang kilay nito.

"Nandito ka sa silid ni Papa! At nasa kama niya."

"S-silid niya ito?" gulat niyang tanong sabay ike ng mga mata sa buong silid. Pagkuwan ay mabilis siyang bumaba ng kama at binuksan ang built-in wardrobe Muli ay napaungol siya nang makitang puro gam panlalaki iyon.

Iniibig Kita...Mahirap Bang Sabihin Iyon? - A Novel by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon