CHAPTER ONE

3.9K 64 9
                                    

IT WAS her cousin John's wedding. Nagkakasayahan ang mga kadalagahan habang hinihintay ang paghahagis ng bride ng bouquet nito. Bawat isa ay nagnanais na siyang makasalo sa mga bulaklak.

Maliban sa kanya na tahimik at nakangiting nanonood sa kasiyahan. As usual, siya ang bridesmaid sa tuwing may kaibigan na ikinakasal. Sabi nga, "always the bridesmaid, never a bride."

She watched the ladies with mild amusement.

Wondering who would catch the bouquet.

Hindi siya naniniwalang ang makasasalo ng bulaklak ng ikinasal ay siya namang susunod na magpapakasal. Kahit alin sa mga kaibigang naroroon ay hindi kataka- takang mag-anunsiyo na ikakasal na ito sa susunod na mga araw. Pare-parehong may mga kasintahan ang mga ito na kasama rin sa okasyong iyon.

Subalit sa pagtataka ng lahat ay hindi inihagis ng bride ang bulaklak, sa halip ay nakangiting lumakad ito patungo sa kinatatayuan niya.

"Sabi ni John ay hindi ka sasali sa grupo para makiagaw sa bulaklak," nakangising sabi nito. "It was his idea that I hand these flowers to you, Larissa." Nilingon nito ang asawang nakangiting lumapit sa kanila.

Hindi malaman ni Larissa kung matatawa o mapapahiya sa ginawa ni Margo. Nang lingunin niya ang mga kaibigan ay nagpalakpakan ang mga ito. She smiled good-naturedly.

"I wish you all the happiness in the world, guys. Madaliin ninyo ang pagbibigay sa akin ng mga pamangkin."

"You bet!" nakatawang sabi ni John. Masuyong tinitigan ang asawa. "Nakapagdeposito na ako, 'di ba, hon?"

Siniko ito ni Margo. Larissa laughed. Pagkuwan ay bumulong muli si John na ikinawala ng tawa niya. "Huwag mong ubusin ang panahon sa pagtatrabaho, my dear. Look at you, hindi makuhang takpan ng makeup ang nangingitim mong mga mata."

"I... I had a delivery last night," she said defen- sively, na totoo naman.

"It isn't just your biological clock that's ticking, Larissa," wika nito. At hindi malaman ni Larissa kung nanunukso ito o nagpapahiwatig.

"Oh." She swayed dizzily. Hindi niya matiyak kung dahil sa sinabi nito o dahil sa sunud-sunod niyang pagpupuyat nitong nakalipas na linggo.

Agad siyang inalalayan ng pinsan at iginiya patungo sa isang upuan malayo sa karamihan. Kasunod nito ang asawa. Pinaupo siya nito sa isang mahabang sofa. "Gusto mo bang ipahatid kita sa ospital, Larissa?"

He was worried.

"Silly," wika niya rito, nagpilit ngumiti. "I'm a doctor, remember? Now, shoo! Go back to your guests. I'm fine, John, really."

"Are you sure?" si Margo, who was also her friend, a colleague in fact. Siya ang instrumento kung bakit nagkakilala ang dalawa. "Let me check your "

"Hey, hey!" natatawang sabi niya at iniiwas ang brasong aabutin sana ni Margo. "Don't spoil this day. Anyway, I'll relax for a minute, then babalik ako sa reception. Okay?"

Atubiling inakay ni John ang asawa pabalik sa mga bisita. Itinuon naman niya ang pansin sa bunsong kapatid na si Ann na nasa isang sulok ng function room at nakikipaglaro sa mga pamangkin ni Margo. Maaaring ang sinabi ni John ang dahilan kung bakit bigla siyang nahilo.

John Esteban was a lawyer and seven years her senior. Ito na lang ang natitirang kamag-anak nila ni Ann. Ang mama niya at ang papa nito ay magkapatid. Magkasunod na namatay ang mga magulang nito ilang taon na ang nakararaan. Si John ang humalili sa ama nito bilang senior lawyer sa Garcia and Esteban Law office na itinayo ng mga ama nila na parehong mga abogado.

But it wasn't John who made and executed her father's Will. Sa katunayan ay pareho nilang hindi alam na may bagong ipinagawang testamento si Ronaldo Garcia ang papa niya sa ibang abogado.

Iniibig Kita...Mahirap Bang Sabihin Iyon? - A Novel by Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon