NALIGO at nagbihis si Larissa. Alas-nueve y media na nang makababa siya. At ang nakahain sa mesa ay tanghalian na rin halos.
Magkasabay sila ni Jack na kumain subalit wala si Angie. Ayon dito ay umalis ang bata pagkaligo at nagpaalam na dadalawin si Leony at ang anak nito.
"Ikinalulungkot kong inabala ka nang husto ng anak ko, Doktora," wika nito nang lumabas sila ng balkon upang ihatid siya sa sasakyan niyang nakaparada katabi ng pickup nito.
"Huwag mong pansinin ang mga sinabi sa iyo ni Angie."
Tumango siya. "She misses her mother. Huwag kang mag-alala, bale-wala sa akin iyon. Naiintindihan ko."
"Thank you," usal nito.
Tahimik silang naglakad patungo sa kotse niya. Binuksan nito ang pinto sa back seat at inilagay doon ang maleta niya. Pagkatapos ay hinarap siya bago niya mabuksan ang pinto sa driver's seat.
"Salamat nang marami, Doktora. Kung wala ka'y malaking suliranin sa akin ang pagdadala ng dalawang naging pasyente mo sa ospital."
She smiled uneasily. He was too close. Nalalanghap niya mula rito ang amoy ng sabong pampaligo na ginamit nito. She shrugged.
"I'm glad I was of help, Jack. Anyway salamat din sa iyo. Ipagpaalam mo na lang ako kay Angie."
Ikinagagalak niyang wala ang bata. Hindi niya gustong makita ang disappointment sa mukha nito.
Binuksan niya ang pinto ng kotse subalit nang akma siyang papasok ay hinawakan ni Jack ang braso niya.
Marahan siyang napasinghap.
"And the kiss."
"Mga halik," pagtatama niya nang wala-sa-loob. Na hindi niya maintindihan kung bakit dumulas sa bibig niya gayong kung tutuusin ay hindi naman siya basta nagpapahalik.
"Plural, yes. I am not sorry I kissed you. Pero nahihiya ako sa ginawa ko," he said huskily.
"Hindi ko gustong isipin mong sinamantala ko ang kapaguran mo kagabi. It is not my habit to kiss vulnerable women. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ko ginawa iyon."
Hindi agad siya sumagot dahil may palagay siyang nakikita niya sa mga mata nito ang pagnanais na hagkan siyang muli nang mga sandaling iyon. And deep in her heart, she wished he really would.
"Let's... forget about it," kaswal niyang sabi na para bang ang paghalik nito sa kanya ay isa lamang sa mga ordinaryong pangyayari sa araw-araw.
"We were both tired last night."
Tuluyan na niyang binuksan ang pinto ng kotse niya at pumasok sa loob. Somehow, may kung anong panghihinayang siyang nadamang aalis na siya sa lugar na iyon.
Banayad na isinara ni Jack ang pinto ng sasakyan. Nang ipinapasok na niya sa ignition ang susi ay yumuko ito. "Hindi ko gustong kalimutan iyon."
Napalingon siya rito. Isang pagkakamali dahil napakalapit ng mukha nito sa kanya. At ang mainit nitong hininga ay humaplos sa mukha niya. She felt a delicious tingling on her spine.
Sa isang mahabang sandali ay nanatili sila sa ganoong ayos. Parehong hindi alam kung ano ang sasabihin.
Subalit sa pagkamangha niya ay pumasok ang kamay nito sa loob ng sasakyan, inabot ang batok niya at kinabig siya. At sa ikalawang pagkakataon ay hinagkan siya nito.
His lips were fierce, then tender, demanding, then delicately persuasive. Until Larissa's mind stopped wondering what to expect next.
But she responded his kiss with pent-up longing na pilit niyang ikinakailang nararamdaman niya sa nakalipas na mga taon ng buhay niya.
BINABASA MO ANG
Iniibig Kita...Mahirap Bang Sabihin Iyon? - A Novel by Martha Cecilia
RomanceHer life was complete and satisfied. Iyon ang mantra na laging inuusal ni Larissa sa sarili. Kung physical attributes ang pag-uusapan, she deserved a second look. Men came and then were gone. Wala siyang seryosong relasyon dahil sa sandaling makakit...