Chapter 2: Malling

78 4 0
                                    

Chapter 2: Malling

Mandy's POV

*Bzzzzzt* *Bzzzzzt*

Nagising ako sa pag-vibrate ng phone ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nag-unat.

*Bzzzzt* *Bzzzzt*

Napatingin ako sa paligid. Nakatulog pala kami dito sa tambayan.

Ganito ang pustura namin. Ako, nakahiga sa sahig habang nakapatong ang binti ni Lei sa mga binti ko.

Si Hailey, nakatulog sa study table. Si Ianne naman nakatulog sa couch at si Lianna, ewan. Baka nasa taas yun.

*Bzzzzt* *Bzzzzt*

"Ay!" kanina pa pala nagva-vibrate ang phone ko.

Kinuha ko kaagad at napangiti ako sa bumungad sa'kin.

Jake calling...

Inayos ko muna ang sarili kahit alam kong hindi naman nya makikita bago ito sinagot.

"Hello,"

[Good morning baby!]

"Good morning din baby. Napatawag ka?"

[Namiss ko lang ang boses mo.]

Shems. Aga-aga bumabanat. Kinikilig ako.

"Naks." nalang ang nasabi ko.

[Ang ganda ng umaga 'no?]

"Uhmm-hmm,"

[Kasing ganda mo,]

Enebeyen. Ahikhikhik!

"Jake naman, ang aga-aga bumabanat ka. Pwede mamaya nalang," natatawang sabi ko saka dumiretso sa kusina.

[Okay baby. Kain ng madami ha.]

"Tataba ako nyan," biro ko.

[Okay lang. Kahit anong size mo pa, kasyang kasya ka naman sa puso ko. Boom!]

"Ewan sa'yo," nakangiting sabi ko habang kinakagat ang lower lip ko.

[HAHA. Sige na baby. Ibababa ko na. Eat well baby ko. I love you.]

"I love you too. Bye!"

[Bye!]

At in-end ko na.

Kumuha ako ng egss and bacons sa ref. Lulutuan ko na rin ang apat, para hindi na sila magreklamo pa.

Oo nga pala, I'm Gie Mandy Hyun. 16 years of age. Grade 10 na at ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Hehehe. Oh ano! Kokontra pa? Haha echos lang!

Nang maluto na, inihain ko na sa mesa at pumuntang living room.

"GUUUYS! GISING! MAY SUNOG!" sigaw ko.

Agad silang napabalikwas at tumayo halatang ninenerbyos.

"Saan? Dali! Labas na tayo!" alalang alalang sabi ni Ianne.

"Oh my G! Tayo na!" tarantang sabi ni Lei.

"Hay, kung may sunog, bakit walang usok?" bored na sabi ni Hailey habang inaayos ang nga notebooks nya.

"Oo nga naman," Lei.

"Tara. Kain na tayo," pagkasabi ko nun, agad silang pumunta sa kusina.

Umakyat ako at pumasok ako sa kwarto ni Lianna, assuming na nandun sya. At nandun nga talaga sya. Lumapit ako sa kanya.

"Huy, Lianna gising," tinapik ko ang ulo nya. Pero waepek.

Tulog mantika 'to eh.

"Uy! Gising!" tapik ko ulit. Pero wala pa rin.

Best of FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon