Chapter 5: Shatter

23 1 0
                                    

Mandy's POV

Napakusot ako ng mata. Tinatamaan ako ng sinag ng araw kaya hindi ko pa masyadong maimulat ang mga mata ko.

Umaga na naman. Pupunta na naman ako sa school. Stress na naman. But on the other hand, excited ako kasi makikita ko na naman ang baby ko.

Napangiti nalang ako habang nakapikit ang mga mata nang maisip ko na naman si Jake. Magse-seven months na kami bukas. Ang bilis naman talaga ng oras.

Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Sino yan?" pasigaw na tanong ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Tulog na tulog pa rin ang buo kong katawan.

"Ma'am. Humanda ka na daw po para sa school. 45 minutes bago ang flag ceremony nyo. Bumaba na daw po kayo mamaya,"

Ay! Si Butler lang pala.

"Sige!" sigaw ko pa.

I roll off my bed at nagdiretso sa salamin.

Hay. Kahit bagong gising ako, ang ganda ganda ko pa rin. Makapag-picture nga.

Kinuha ko ang phone ko na nasa side table lang at napangiti na naman ako ng makita ko ang pangalan ng lalaking pinakamamahal ko sa screen ng iPhone ko.

From Jake: Good morning baby :) Start your day with a smile. love you :*

Sweet-sweet talaga ng baby ko.

Hindi ko muna sya nireply'an at nag-picture saka binato ang phone ko sa kama ko at pumasok na sa banyo.

After kong makapag-ayos, agad akong bumaba.

"Good morning ma!" bati ko saka bumeso sa mama kong nakaupo sa dining chair.

"Good morning princess!" she greets back.

Princess ang tawag nila sa'kin dito sa bahay. Syempre, unica hija ako at only child.

Naupo na ako at kumuha ng breakfast.

Bacon and egg.

***

"Anong plano?" tanong ni Ianne.

Para kaming mga detective na may reresolbahing misteryo. Hahaha.

"Punta tayong bar," suggest ni Lei.

May pagmamay-ari kasi silang bar. Yaman 'no. May restaurant pa nga sila.

Kami nga, mall lang. Haha. Mayayaman kaming lima. Hindi naman sa pinagmamayabang ko, pero totoo kasi. Alangan namang sabihin ko ang kasinungalingan. Haha. Biro lang.

Pamilya naman nila Ianne, nagmamay-ari ng resort. Sina Hailey, condominium building. Sila Lianna naman, 'lam nyo na. 'Tong paaralan na pinapasukan namin ngayon.

Hindi lang sa Pilipinas ang mga businesses ng mga pamilya namin. Mayroon pa sa ibang bansa. At hindi lang namam yan ang mga businesses namin. Actually marami pa, pero ayan ang pinaka-main.

"Hindi ulit ako makakasama guys," saad ni Hails.

"Ano na namang idadahilan mo?" tanong ni Lianna.

"May practice kami ng mga ka-banda ko," sagot nya.

Banda! Banda! Band! Nako, napapadalas na ang pagpractice-practice nila. May banda kasi sila, sikat dito sa school. Nag-iisa ngang babae yan sa banda nila eh.

May sarili naman kaming lima na group. Name namin? Five-bulous! Ang cool 'no. Haha. Sounds like fabulous. Pero Five o Lima ang tawag ng ilan sa'min.

Best of FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon