Chapter 4: Sakit sa ilong
Lianna's POV
Nandito ako ngayon sa kusina. Nagtitimpla ng gatas. *ehem ehem*
"Good morning!" bati ng bagong gising na Lei habang kinukusot ang mata.
"Walang maganda sa umaga kung mukha mo ang unang makikita," comeback ko.
"Anong sabi mo?!" nanlaki ang mga mata nyang sabi.
"Wala. Bakit may sinabi ba ko?" maang-maangang tanong ko.
"Naring ko yun eh!"
"Eh ba't mo pa tinatanong kung narinig mo pala? Hay nako," bored na sabi ko at umupo sa upuan. Alangan namang sa sahig?!
Anong konek?
"Sarap mong sabunutan!" nanggigigil na sabi nya.
"Sarap mo ring sapakin sa mukha. Pero baka masaktan lang ako," sambit ko.
"Bakit ka naman masasaktan?" tanong nya saka umupo na rin.
"Kasi masasaktan lang ang kamao kong sapakin ang makapal mong mukha," natatawang sabi ko. "Aba. Para na rin akong sumuntok sa pader 'pag ganun,"
Hehe. Inisin ko muna ang babaeng 'to.
"Nakakainis ka!"
"Uy! Gising na pala kayo," bungad ni Hailey na may hawak na libro.
"Ay hindi pa kami gising. Nananaginip ka lang na nandito kami," sagot ko.
Kinusot-kusot naman nya ang mata nya at pinalaki-laki. Haha. Ang cute nya lang. Chinita kasi eh, kahit anong gawin nyang pagpapalaki ng mata nya, singkit pa rin.
"Ganun ba?" Ay tanga lang. "De joke lang. Anong akala mo? Ha. Saka ke-aga aga nagkakasagutan kayo. What is it all about na naman ba?"
"Ang makapal na pagmumukha ni Lei!" sagot ko.
"Parke!"
"Hyundai!" pagbabanta namin sa isa't isa.
"Cat ang dog really," napalingon kami kay Hailey na umiiling iling at nagwalk-out na.
Sinamaan lang ako ng tingin ni Lei at tumayo na at nagdire-diretso sa taas ng padabog.
Nagtampo kaya yun? Hay ewan. *shrugs*
Nang maubos ko na ang gatas *ehem ehem* ko, umakyat na ko sa taas. Alangan namang umakyat ako sa baba?!
Ano na namang konek?
I simply shake my head to push those thoughts away. Nakakaloka eh. Binabara ang sarili. Ahikhikhik.
Sabado pala ngayon. Ang bilis ng oras 'no. Parang kahapon lang, napaka-busy namin sa school, ngayon weekend na naman. At ilang weeks pa at first quarter test na. Hay nako.
At nandito ulit kami sa tambayan. Dito na kami natulog. Syempre, umuwi kami sa kanya-kanya naming nga bahay noong alam nyo na.
Pumunta ako sa living room. Umupo ako sa sofa at in-on ang TV.
Hello Kitty pa unang lumabas. Hay nako ulit, mas gusto ko pa ang doraemon kesa sa pusang 'to. Aba mas okay na si D kesa dito, walang bibig yan eh. Nagtataka nga ko kung paano nagsasalita si Hello Kitty, gayong wala syang bibig.
Bakit ba si Hello Kitty ang topic? Anong konek nya sa story?
Oh well, favorite sya ng isa kong best friend. Sino? Si Lei lang naman. Akalain nyo yun, yung tomboy na yun favorite si Hello Kitty? Hahaha.
Lei be like: Hindi ako tomboy! Payatot!
Hahaha. Naiimagine ko ang nag-uusok na mga ilong at tenga nya at ang pamumula ng mukha nya.
BINABASA MO ANG
Best of Friends
Teen FictionNo matter what happens, true friends will always be there. A story of five not-so-ordinary girls. Magkakasama simula pagkabata, lumaki nang sama-sama. Minsan nagkakaroon ng problema pero naaayos naman. Nagka-lovelife silang lima na nakaapekto sa pag...