Chapter 7: Mind if I kiss you?

11 1 0
                                    

Mandy's POV

Masakit. That's all I can feel right know. Sobrang sakit. Ang sikip ng dibdib ko. Hindi ko tanggap na pinaglaruan lang pala niya ako. Hindi ko tanggap na hindi totoo ang lahat ng ginawa niyang ka-sweetan sa'kin. Hindi ko tanggap na hindi totoo ang 7 months na kasama ko siya. Hindi ko tanggap na 23 ngayon. Hindi ko tanggap na ang araw na dapat kasama ko siya, ay kasama niya ang iba. Hindi ko tanggap na ang araw na dapat masaya ako, ay nagpapakamiserable ako.

23.

This was the day na nakilala ko siya. Ito ang unang araw na nakita ko siya. And I never thought, I would fall for him this hard na parang hindi ko na kayang mabuhay kasi wala na siya.

Wala na siya sa tabi ko. Hindi niya na ako mahal-oh wait let me rephrase it. Hindi niya ako minahal.

Great. Just great. I fell in love with the man I thought who can take care my heart, pero siya pala 'tong wawasak at sisira nito.

Pathetic. Walang kwentang umibig. Now, here I am crying everytime na maalala ko ang ginawa niya.

Nanghihinayang ako, kasi sa loob ng pitong buwan na iyon, bet lang pala ang pakikipag-relasyon niya sa akin. Nagagalit ako, kasi pinaglaruan niya lang ako. Pinaglaruan niya lang ang feelings ko at pinaglaruan niya lang ang puso ko. Galit ako sa kanya kasi pinagmukha niya akong tanga.

Pero nangingibabaw ang sakit sa akin. Kasi ni minsan hindi niya ako mahal.

Fck him! I fell for him so hard but he just played with me. He played not letting me know that I'm in a game. Fck him so much!

Gusto ko siyang patayin, pero hindi ko kaya. Gusto ko siyang i-confront, pero hindi ko kaya. Gusto ko siyang saktan, pero hindi ko kaya. Gusto ko siyang limutin, pero hindi ko kaya. Gusto kong magmove-on, pero hindi ko kaya. I can't fcking do and I fcking don't want to!

Napabuntong hininga nalang ako nang may maramdaman akong basa sa pisngi ko. And now, umiiyak na naman ako.

Hindi ko na kinaya kaya nag-excuse ako kay sir na magc-CR lang ako pero ang totoo niyan ay pupunta ako sa Tam2.

Naglakad na ako at nakita ko na naman sila. Ang saya nila, lalo na siya. Ang saya-saya niya. Ang sakit lang kasi hindi na ako ang dahilan kung bakit masaya siya. Si Rynne na ang dahilan. Nag-cut class pa siya para lang makasama si Rynne.

Napapikit ako nang mariin at mas binilisan ang paglakad ko hanggang sa nakarating ako sa tambayan.

Agad akong dumiretso sa kusina at binuksan ang fridge. Marami pa namang pagkain. Marami kaming stock ng pagkain dito sa tam2 actually. Every two days kasi nagdadagdagan ang pagkain at 'yong mga hindi gaanong napapansin na mga pagkain ay binibigay nalang namin sa caf.

Kinuha ko 'yong dalawang pack ng Toblerone at 'yon ang kinain ko. Stress-reliever ko ang chocolate and I really need this now.

Umupo ako sa beanbag at binuksan ang TV. Ang saya-saya ng pinapanood ko. RomCom, pero hindi ko kayang tawanan ang movie. Hindi ko magawang kiligin. Ang nasa isip ko lang ay kung papaano nagawa ni Jake sa'kin 'yon.

Naninikip na naman ang dibdib ko. Ang sakit, ang kirot. Gusto kong tanggalin ang puso ko mula sa katawan ko. I never expected na ganito pala kasakit. Akala ko OA lang talaga ang mga napapanood ko sa mga TV, pero heto ako ngayon, nararanasan rin ang mga nadarama ng mga pinapanood ko kapag nabro-brokenheart sila.

Ganito ba talaga 'pag nagmahal ka?

Hindi ko namamalayan, umiiyak na naman pala ako. Hindi ata ako mauubusan ng luha eh. Mamugto na nga ang mga mata ko kakaiyak. Pagod na rin akong umiyak, pero anong magagawa ko? Ayaw sumuko ng mga mata ko sa pag-iyak. I'm so tired of crying with the same reason, with the same person.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best of FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon