My Purpose Driven Life

66 3 0
                                    

Wala lang naman to. Onting realizations lang kahapon.

Akala ko talaga nung una hobby lang tong pagsusulat ko. Akala ko simpleng bagay lang na kaya kong gawin. Akala ko simpleng stress reliever lang na pag galit ako, malungkot, broken, asado, inspired.. isusulat ko. Dati nagsusulat ako para sa sarili ko, para matuwa sakin yung mga tao sa paligid ko, ipakitang may kaya kong gawing makabuluhan kahit papano. Akala ko ganun lang.

Kahapon, may nakausap ako, sobrang nakita ko yung sarili ko sa kanya. Sabi nya nakita rin niya sakin yung sarili niya noong sobrang motivated pa sya magdrawing, magsulat, pero wala na daw eh. Nalungkot ako, kasi minsan sa buhay ko sinabi ko din yun, na wala na nga. Sabi ko sa kanya okay lang ma broken hearted no, mas okay pa nga kung may magagawa kang makabuluhan out of being broken tas maiinspired mo yung iba tas mararamdaman din nila ganun . Sabi ko sa kanya ituloy nya yung ginagawa nya noon. Sabi ko kung kaya mo, wag mong sayangin. Lahat ng tao may stories to tell, pero rare ang taong magagawang idetalye ang kwento niya mula sa pinaka maliit na bagay. Sabi nya pag inlove daw sya tsaka sya nagiging sya, kaya sabi ko kailangan nya lang mainlove sa sarili nya at wag sa kung sino sino para ano mang mangyari kailanman walang mawawala sa kanya na parte ng sarili niya. Sabi nya idescribe ko daw sya, sabi ko sayang sya. Sayang talaga, sabi ko pa nga siguro hindi mo lang na value yung sarili mo the way you deserve to be valued. Sinabi ko din na wag mo ipagkait sa sarili mo yung greater things na magagawa mo pa. Natuwa naman sya. Sabi niya sobrang on point ko daw. Sabi ko sa kanya "Siguro kasi nung nasa sitwasyon mo ko, gustong gusto kong may magsabi sakin neto.. pero wala eh hahaha kaya minsan ako na lang nagsasabi sa sarili ko." Alam kong mahirap yung ikaw lang ang nakakaintindi sa sarili mo, mag isa kang naghahanap ng kulang sayo na at the first place hindi mo naman alam kung ano. Kinwento ko din sa kanya yung minsang sinabi ko sa nakasagutan kong malakas magmaganda, "Beauty can never measure one's existence but how one affected someone's heart and life."

Near the end of summer 2015, i found my life's treasure. I found something to do with my existence.. something to live for.. something i will never get tired to pour my heart into. Gusto kong magsulat. I want to share my stories to those who haven't already made the journey. Siguro kasi nung nasa sitwasyon nila ko, kailangan kong marinig yung mga bagay na ngayon ko lang napagtanto. I longed for these words. So cheers for the great person we are today and cheers for the greater person we will be.

- 17 year old me <3

ScripturientTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon