Nakita niya ako.
Umiiyak.
Umiiyak dahil sa ibang lalaki.
Nasasaktan hindi dahil sa kanya.
"May pinuntahan lang ako, Angela."
"Alam ko."
"Sabi ko dyan ka lang tapos makikita kita kakausapin mo nanaman siya? Sabi ko sandali lang,
diba?"
"Sorry, pero nangyari na eh."
"Bakit?"
"Sorry, M... sorry kung may mahal na akong iba."
"Kailan pa ba 'to?"
"Matagal na, nung summer pa? Natatakot lang akong sabihin sa'yo."
"Eh ang tagal mo na pala akong ginagago eh."
"Sorry."
"Pinagmukha mo akong tanga."
"I'm sorry..."
"Sorry mo mukha mo. Nangyari na diba?"
... at doon nagtapos ang relasyon namin ni M.
Isang taon din.
September naging kami... September din pala magtatapos.
Alam mo ang pinakamasakit sa lahat?
Ayokong iwan si M.
Ayokong iwan ang nag-iisang taong minahal ko ng totoo.
...pero kailangan.