Chapter 1 : "Paalam na."

5 0 0
                                    

"Buti naman nagkaroon ka ng oras para makasama ako.

Kumusta na ang buhay mo?

Kamusta naman ang pamilya mo?

Buti naman masaya ka.

Ang dami-dami mong inaasikaso, wala ka na atang oras para magpahinga eh.

Ang sarap ng pakiramdam ng ganito.

Nagkakausap tayo.

Pero once in a while, nakakalungkot.

Kasi hindi na tayo nagsasama katulad ng dati.

Iba na yung pinag-uusapan natin.

Iba na yung pakikipag-usap mo sakin.

Naaalala ko pa, parang last week lang.

Binigyan moko  ng rose.

Rose lang, hindi roses.

Pero hindi mo alam kung gaano mo nabuo ang araw ko.

Sinabi ko pa nga sa'yo na 'Napulot mo lang ata 'to eh.'

Pero hindi mo lang alam kung gaano ko naappreciate yon.

So, eto na nga...

Andito ako.

Sa harapan mo.

Linulunok ko na pride ko para sayo.

Aaminin ko na ang mga kasalanan ko.

Aaminin ko na sa akin dapat talagang isisi lahat.

Aaminin ko na hindi ko dapat binalewala lahat ng sakripisyong ginawa mo, na hindi ko dapat binalewala ang lahat.

Sana December pa din para mahal mo pa din ako.

Sana December pa din para ako lang.

Sana December pa din para tayo lang.

Sana December pa din para mahalaga pa din ako sayo.

Sana December pa din para pinopormahan mo pa din ako.

Sana December pa din para nakukuha ko yung mga sweet messages na napapangiti talaga ako.

Kung magiging December ulit, kung pwede ulit, gagawin ko ang lahat para hindi ka mawala.

Ngayong mga araw na 'to, hindi ako makatulog.

Ayoko ng matulog ng basa ang unan.

Ayoko ng magising araw-araw dahil sa bangungot.

Ayoko ng maramdaman yung sakit pag nakikita kitang masaya kasama ang iba.

Ayokong hindi lang ako.

Ayokong ako yung maiiwanan.

Ayokong may iwanan.

Ayokong palaging second choice.

Ayokong binabalewala.

Ayoko yung feeling na di nako mahal ng mahal ko.

Ayoko yung feeling na nileletgo lang ako...

Ayoko na yung nakamoveon na yung mahal ko sakin.

Ayokong ako nalang ang lumalaban kahit ilang ulit na akong sinusuko at binibitawan.

Ayoko ng ganito lang tayo. Friendzone.

Pero mas ayokong mawala ka.

Binigay ko sayo buong puso ko, buong mundo ko... at binigyan moko ng 'paalam na' How sweet is that?"

Forever and AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon