two

290 13 9
                                    


Gulat naman siyang lumingon at-


FLASH!


napapikit at napaatras si marge sa kanyang paglingon nang nasa harapan nya si aly na may hawak na camera at biglang kinunan sya ng litrato.


tiningnan ni aly ang camera at tumawa sya ng napakalakas. "ano ba alysson!" sigaw ni marge sa inis


patuloy parin ang pagtawa ni aly habang tinititigan ang picture ni marge sa camera. "lumabas ka na nga!" sigaw ni marge habang tinutulak palabas ng gate si aly.


tinitngnan ulit ni marge ang bintana ng 2nd floor ngunit wala na yung babae dito. kaya't tuluyan nang sinara ni marge ang gate at sinundan ang iba


dumaan ang mahabang araw at nang matapos na silang mag enroll ay napagdesisyunan nilang bumalik na sa dorm upang makapaghinga dahil first day na ng class nila sa susuod na araw.


pagpasok nila ng dorm ay biglang malakas na tumawa si gab nang makita nya ang water bottle ni shannen


"hahahahahahahaha ang tanda tanda mo na! sofia the first ka pa rin!" Sigaw ni gab


di naman sya pinansin ni shannen at patuloy parin siya sa pag inom.


nilapitan ni gab si shannen at kinuha ang water bottle nito at pabirong nag selfie sa camera ni alysson


"ano ba!" sigaw ni shannen


tumawa naman si gab "ipopost ko to" sambit nya at tumawa


"oy magsitulog na kayo" sambit ni cha kayat nagsipasok na kami sa kwarto at nagpahinga.


madali namang nakatulog ang lahat dahil na rin sa pagod.


mahimbing na natutulog si gab ng maramdaman nyang kumikirot ang puson nya.


kinuha nya ang cellphone nya at gulat syang makita ang dugo sa higaan nya "ugh periods" inis nyang sambit at tumayo upang dumeretso sa cr.


naglakad patungong cr si gab at nilinis ang dapat linisin. nang matapos siya ay hinugasan nya ang kanyang mga kamay. napatingin sya sa kanyang gilid nang makita nya ang isang silhouette ng isang babaeng nakatayo at may mahabang buhok na nakatalikod sa likod ng shower curtain


"uy delyn andyan ka pala" sambit ni gab at naglagay ng sabon sa mukha nya panghilamos.


"ah!" sigaw ni gab ng may makapasok na sabon sa mata nya


"uy delyn, paabot nga ng tabo" sambit ni gab at kinapa kapa ang kamay upang makuha ang tabo na iaabot nga ng akala nyang si delyn.


nang maramdaman nya ang tabo ay magpapasalamat na sana sya nang "than-"


"aaaahhh!!!!" malakas na sigaw nya nang bigla syang tinulak nung babae kaya't napahiga sya sa sahig at nabagok ang ulo. di sya makapanglaban dahil sa sakit ng buong katawan nya. at ang mas malala pa dito ay di man lang nya makita ang taong tumulak sakanya dahil nga sa sabon.


tapos naramdaman nyang inilagay nung babae ang ulo nya sa planggana at di sya makahinga. pilit nyang manglaban ngunit di nya kinaya.

pilit na binubuksan ni gab ang kanyang mgamata ngunit wala syang ibang makita kundi ang dulo ng planggana at ang tubig na unti unting lumulunod sakanya.


pilit nyang sinasapak ang babaeng lumulunod sa kanya ngunit wala na talaga syang sapat na lakas. napapikit si gab ng kanyang mga mata at-


_____


"goodmorning!!!!!" bati ni Airah sa lahat ng binuksan ng charoline ang ilaw ng buong kwarto,


"oh kumain na kayo may pagkain na sa lamesa" sambit ni menze


"anong ula-" di natapos si Wendi na nang


"aaaahhhhhh!!!!!!!!!" biglang malakas na sigaw ni shannen


nagsitayuan naman ang lahat at pinuntahan si shannen


napatakip nalang ang lahat nang makita nila ang katawan ni gab na nakahiga sa sahig ng cr, nasa planggana ang ulo at puno ng dugo ang inuupuan nito.


napaiyak nalang silang lahat.. "tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni charoline. bigla namang kinuha ni wendi ang telepono nya at tumawag ng ambulansya.


"sinong may gawa nito sakanya.." kalmado pero halatang galit na sambit ni charoline. bihgla namang natakot ang lahat dahil napaka once in a blue moon lang magseryoso si charoline.


"shannen...." tawag ni alysson kay shannen at nagulat naman sya


"ano?" tanong ni shannen


"nag away kayo ni gab kagabi" sambit ni alysson


"per-" hindi natapos si shannen ng hinawakan ni charoline ang kanyang kamay at "mag usap tayong lahat..." sambit ni charoline

Remember Me [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon