"oh tara na, punta na tayo school" sambit ni charoline at sumunod naman ang lahat
sumakay sila ng taxi, at nang makarating sa school ay dumeretso na sakanilang room. pinakita nila ang output ng kanilang proyekto sa kanilang professor at "di ko nagustuhan" sambit niya,
"po? pero pinaghirapan po namin yan!"sigaw ni menze
"pasensya na kayo. i really dont like it. walang pleasure" sambit nung professor
"so anong ibig sabihin nito? wala kaming makukuhang marka for the first semester ganun?"tanong ni angelin
"bibigyan ko kayo ng isa pang pagkakataon, mag film kayo ulit and gusto ko mystery film. pag di nyo napasa within 5 days ang output, im sorry" pagpapaliwanag nang professor at umalis na
nang matapos ang kanilang mga klase ay dumeretso na silang umuwi at hinanda ang mga gamit, kahit medyo madilim na ay pumunta parin sila dun sa isang abandonadong park upang makapag film.
"oh aly, iayos mo na ang camera doon." utos ni charoline kay aly at kanya kanya nang nagsiayos ang lahat.
si rian, biya, airah at delyn ay inutusan ni charoline na sumulat ng mga nakakatakot na mystery poets sa ibat ibang sticky notes para sakanilang film.
si yhan, wendi, at alysson ay inihahanda ang mga camera, lightings, mic and etc.
si charoline at menze ay inaayos angs script.
si marge naman at angelin ay inutusan ni cha na maghanap ng aso sa unahan para sakanilang film
"eenie minie minie moo
you see me i see you,
come with me and you will see
the pain and torture you gave to me
- ck"
pinakitang poet na ginawa ni rian
"okay lang ba guys?" tanong ni rian
tumango naman ang lahat.
"guys, naiihi ako, hanap muna ako ng cr ha"sambit ni airah
magisang umalis sa abandonadong park si airah kasama ang kanyang cellphone bilang flashlight nya.
nakakita ng munting cr si airah sa isang mala forest na lugar na di rin naman kalayuan sa park. wala syang choice kundi pumasok dun dahil hindi na kaya ng pantog niya.
nang matapos siya ay dahan dahan siyang lumabas sa munting cr, sa pagsara nya ng pintuan ng cr ay biglang may nag text sakanya kaya't tumunog ang ringtone nyang "arf! arf" nagulat sya kaya't nabitawan nya ito.

BINABASA MO ANG
Remember Me [Book 1]
Mystery / ThrillerDon't mess with anyone's feelings. This might just lead you to your worst nightmare.