three

244 11 5
                                    


"mag usap tayong lahat..." sambit ni charoline at naglakad patungo sa sala. sumunod naman ang lahat


nakaupo na ang lahat sa sofa ngunit di parin tumitigil sa pag iyak. pati si shannen.


"bat mo naman nasabing si shannen ang possibleng may gawa nito?" tanong ni charoline kay aly


"eh, pinagtawanan ni ate gab yung water bottle ni shannen at nagalit ata sya" sagot ni aly


"di ako nagalit!!" sigaw ni shannen


"di mo kailangan sumigaw" sambit ni charoline


"shannen, isang tanong isang sagot, ikaw ba may gawa nito?" tanong ni charoline


napatayo naman si shannen. "ako?! do you really think that I am capable of doing such a thing?! kaibigan ko kayo, ngunit bakit parang pinagtutulungan nyo ako?!!! di ko yon magagawa" sambit ni shannen at umiyak ng mas malakas


bigla namang umingay sa labas at nakarating na nga ang ambulansya, tinanong ng isang nurse kung anong nangyari sa biktima at para makaiwas sa gulo, at chismis, minabuting sinabi ni charoline na aksidente na ang lahat. since hindi naman si shannen at sa tingin nila'y impossibleng isa sakanila ang may gawa ng krimen


ilang araw ang lumipas, hinaya at inilibing na nga si ate gab. masakit ang mga pangyayari ngunit wala silang magagawa. kailangan nilang mag move on since pasukan na kelangan nilang mag focus sa kanilang pag aaral


MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO...


"ihanda mo na yung camera alysson!" sigaw ni menze


"oo na eto na eto na"


"lights camera... action!" sigaw ni charoline at nagsimula nang nag acting si kathy at biya sa harap ng camera


kasalukuyan silang nag fifilm ng isang short film para sakanilang project.


"mami cha... nauuhaw ako.." sambit ni kathy kaya't hininto muna nila ang pag fifilm


"osige break, kathy bili ka muna don may tindahan ata sa unahan" sambit ni charoline


nasa may isang abandonadong park ang magbabarkada. pinili kasi nilang parang sad yung theme ng film nila. magisang naglakad si kathy at nakakita na nga sya ng isang tindahan


"manang pabili po ng nature's spring"sambit ni kathy sa tindahan. binigyan naman say ng tubig ng tindera at nagbayad si kathy bilang kapalit


"mama! binilhan ako ni kuya ng laruang truck oh!" sigaw nung batang lalaki na nasa loob ng tindahan pinapakita ang bago nyang laruan. tumawa nmn ang tinderang ina nya.



inabot ng tindera yung sukli at sa paglingon ni kathy ay


FLASH!!


isang napakaliwanag na flash ng isang camera ang sumalubong sakanya,


"yhan ano baaa!!" sigaw ni kathy nang makita nya si yhan na kinuhaan sya ng litrato.


tumawa naman ng napakalakas si yhan at tumakbo patungo sa likod ng tindahan.


naglakad pabalik si kathy sa park at nakita nya si yhan sa harapan ng camera finifilm


"oh bat parang galit ka?" tanong ni wendi


"si yhan kasi, nakakainis!" sigaw ni kathy, lumapit sya kay charoline at "mami cha bat andayn si yhan?" tanong ni kathy


"kasi wala sya don?" sambit ni charoline


"p-pero-"


"okay cut! good job yhan" sambit ni charoline


natapos ang filming nila at dumeretso sila sa kalsada upang makahanap ng taxi at makauwi.


lahat sila ay nakatayo sa gilid naghihintay, tapos bigla nalang sumigaw si kathy at "ice creaam!!!" sigaw ni kathy at biglang tumawid sa daan at lumapit sa nakita nyang ice cream cart


"kathy!!!!!!!!!!!" sigaw ni menze at


BOOM


"ate kathyyy!!!!"sigaw nilang lahat nang makita nila si kathy na nakahiga at duguan sa gitna ng kalsada.



nilapitan nila ato at pilit na ginigising ngunit wala na.


wala silang ibang nagawa kundi umiyak dahil tumakas na ang ten wheeler truck na nakasagasa kay kathy


dinala nila si kathy sa ospital ngunit dead on arrival na ito.

napagsabihan na nila ang mga magulang ni kathy at nakulong narin ang nakasagasa sa kanya. 3 araw na ang lumipas, nalibing na si kathy at 3 araw naring nawala ang mga ngiti sa laht ng magbabarkada. timing naman na may importanteng meeting ang teachers sa university nila kaya't wala silang klase


matutulog na sana ang lahat nang biglang magsalita si wendi


"bat nangyayari saatin to?" mahinang sambit ni charoline


at nagsimulang umiyak ang lahat


"may nagawa ba tayong mali?" sambit ni rian na umiiyak


"bakit sinabi ni ate kathy na ice cream eh truck naman yun?" tanong ni wendi


"matulog nalang tayo guys, wala na tayong magagawa" sambit ni alysson sabay off ng camera nya at pinasok sa bag


"teka..." mahinang sambit ni airah


"alysson...." dagdag pa nya


"ano?" tanong ni alysson


"ikaw......"

Remember Me [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon