"dark dark friday evening
this is just the great beggining
solve these puzzles wait and see
i hope too soon
you will remember me...
-CK"
"anong ibig sabihin nito?!"sigaw ni menze
"dark dark friday night? eh thrusday ngayoonn" sambit ni charoline
"2 minutes lang meron tayo!!!" sigaw ni menze at napaka blanko parin ng isip ng dalawa. wala man lang silang clue ano ang possibleng sagot dito.
"aaahhh!!!" rinig nilang sigaw mula sa ibaba. dali dali naman silang bumaba at nakita nila ang lahat na nagsisiksikan sa may bintana
pumunta si menze at charoline dun at nang tumingin sila sa baba ay nakita nila si angelin na duguan, nakagapos at nahulog mula sa itaas na floor patungo sa ibaba
napaiyak nalang silang lahat sa kanilang nakita.
"buhay o patay, lalabas ako dito!! mas mamamatay lang ako!!!" sigaw ni wendi
bilis naman syang bumaba ng hagdanan
"wendi!!!!" sigaw nilang lahat ngunit dali dali parin syang bumaba.
dali dali nilang sinundan si wendi pababa ngunit sa pagbaba nila ay nakita na nila si wendi na duguan at maraming saksak sa katawan, nakahiga sa labas ng mansyon.
hindi naman ito matulungan dahil bawal nga silang lumabas.
"wala na si ange.... wala na si wendi..." mahina at naiiyak na sambit ni yhan
toot toot
"a-akin yun..." mahinang sambit ni biya
dahan dahan naman niyang nilabas ang kanyang cellphone at binasa ang message
"ngayon ramdam nyo ang sakit
humanda kayo, higpitan ang kapit
isa na namang nawawalang kaibigan,
hanapin at ang mga tanong ay sagutan
-CK"
"a-asan si biya...." mahinang sambit ni delyn
"aaaahhhhh!!!!" malakas na sigaw na narinig nila sa 3rd floor
dali dali silang umakyat at nakita nila si biya na nasa malaking aquarium na nakapadlock, unti unting tumataas ang tubig at hingi ng hingi ng tulong si biya sa loob.
may nakadikit na sticky note sa aquarium at binasa ito ni shannen
"oras oras may namamatay
ako kaya, kailan nawalan ng malay
ako pa kayay naaalala
ang oras ang sagot, upang ang kaibigan nyoy makalaya
-CK"
"oras?"tanong ni delyn
"ako kaya.. kailan nawalan ng malay? sino sya!!!"pagpapanic na tanong ni rian
"malapit nang tumaas yung tubigg!! bilisan nyo!!" sigaw nila
nasa may leeg na ni biya ang tubig ngunit wala parin silang ka ide ideya sa sagot.
"anong oras putangina!!!!"sigaw ni marge
umabot ang tubig sa taas ng ulo ni biya at di nila nasagutan ang tanong.
wala silang nagawa kundi titigan ang lumulutaw na katawan ni biya sa loob ng aquarium
"WHY IS ALL THESE SHIT HAPPENING!!!" Sigaw ni shannen na umiiyak
toot toot
napapahid ng luha si shannen ng tumunog ang kanyang cellphone
dahan dahan nya itong nilabas at
"alam kong di nyo masasagutan
wala talaga kayong ideya kailan at saan
tayoy maglaro ng tagu taguan
tingnan natin kung akoy matatandaan...
CK"
"guys..." sambit ni marge
"sa tingin ko alam ko na sinong may gawa nito...." dagdag nya
"sino?!!!!" sigaw nilang lahat
"di nyo parin ba sya natatandaan? yung ginawa natin sakanya?"tanong ni marge
tumahimik naman ang lahat at
"si FAITH...." sambit ni rian
______
QUESTION OF THE DAY: SINO NGA BA SI FAITH? AT ANONG NANGYARI SAKANYA?
![](https://img.wattpad.com/cover/40664956-288-k55954.jpg)
BINABASA MO ANG
Remember Me [Book 1]
Mystery / ThrillerDon't mess with anyone's feelings. This might just lead you to your worst nightmare.