I Love you, Daw

90 4 2
                                    

I Love you, Daw by Phiyah

——————————————————-

Sabi nila, pag hindi mo daw kayang sabihin...ipasabi mo sa iba. Kaya eto ako ngayon pinapasabi ko sa tropa ko yung gusto kong malaman ng babaeng mahal ko.Hindi ako yung magpapaka-stalker o yung magpapaka-secret admirer.Kaya ito yung naisip ko para maiba naman.



"Bro! Pwedeng favor?"



"Ano yun Seth?" Tanong naman niya.



"Pwedeng pasabi dun sa babaeng nakapink, I love you?" Sana maging maayos yung plano ko.



"Ayoko nga! Baka mapagkamalan niyang ako yung may gusto sa kanya." Arte eh samantalang ang daming babae na ang nasabihan nito ng I Love you, oo playboy yan.



"Edi sabihin mo I love you, daw"



"Daming alam hahaha! Saan ba dyan?" Madami talaga akong alam pagdating sa kanya.



"Ayun oh" Tinuro ko naman.



"Ahh....ang ganda niya."



"Ano?! Uy Keith ako nauna dyan ha?" Agad kong sinabi.



"Ito naman si bro...porket nagandahan ako gusto ko na agad? Marami pang iba dyan noh!"



"Dapat lang! Go na sabihin mo na sa kanya"



Keith's POV


Nung una, ayaw ko pa sana gawin yung favor ni Seth pero nung nakita ko yung babae...tae naman, nalove at first sight na ata ako.Pero hindi pwede ito.



Nakita ko naman agad yung babae sa may locker area kaya ayun nilapitan ko na agad.



"Uhmm Hi miss" Binulungan naman sya nung mga kaibigan niyang nasa likod niya.Parang mga kinikilig pa nga eh.



"Hi po!" Mas maganda pala siya sa malapitan.



"I love you" Nagulat naman yung mga babae dun at napangiti ng malapad.

TypeWriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon