Crush Lang

279 6 3
                                    

Tinitignan ko yung news feed ko ng mapansin ko ang napakaraming status update ng isang babae na hindi ko naman kilala pero nasa friends list ko. 

Ella Mae posted a status:
Moving on </3 Ang sakit. 

Ella Mae posted a status: 
Anong meron siya na wala ako? :'(

Ella Mae posted a status:
Hoy crush! Akin ka lang eh diba? Tss :(

Ella Mae posted a status:
Brokenhearted ako </3 Baka 1 year pa bago ako makamove on. Si crush kasi eh!

Haay ang drama naman nitong babaeng ito. Masyado siyang open sa mga nararamdaman niya. Kulang nalang ipost niya kung ano yung nakikita niya kada minuto eh.

Nakakita nanaman ako ng mga status niya. Hindi ko na natiis kaya nagcomment ako. 

Crush lang yan, kung makamove-on wagas? Buti sana kung naging sila psh!

Zac Cruz Commented
Ang drama mo naman! Tss.


Makalipas ang ilang minuto, nagulat ako sa reply niya sa comment ko.

Ella Mae Commented: 
Ikaw may kasalanan nito eh!

Zac Cruz Commented:
Bakit ako? Do I even know you huh?


Ang sarap inisin nitong babaeng ito hahaha. Kaya ayun, pinagpatuloy ko pa yung pang-iinis sa kanya. Hindi nagtagal, marami naring nakisali sa comment war namin.

Napahiya siya sa kadramahan niya, crush lang eh pero kung makapagsalita parang iniwan siya. Pero somehow, naaawa ako sa kanya kasi nakikita ko yung sarili ko sa kanya bago mangyari yung--- tss wala.

●▬▬▬▬▬▬▬▬▬●●▬▬▬▬๑۩۩๑▬▬▬▬▬●●▬▬▬▬▬▬▬▬●

Continuation:
Uhmm, try to write something about how they would meet personally.Example: parehas sila ng school tapos sikat si Zac doon. Hindi alam ni Zac na siya pala yung crush ni Ella. Pero simula nung comment war nila, kinaiinisan na siya ni Ella. Eventually naging close sila...

Twists:
Magkakilala na sila dati pa, si Ella yung half-sister ng first heartbreak ni Zac.

First heartbreak of Zac: Nagbago siya, dati isa siyang jolly and open-book na person pero nang dahil dun sa heartbreak, naging cold siya or parang hindi na niya iniisip yung mararamdaman ng iba. 

Climax: 
As the story goes on, para silang aso't pusa. Away-bati. Lagi silang nagkakasama kasi napalipat sa section A si Ella. Unti-unting nadevelop ang feelings ni Zac para kay Ella. Umeksena naman ang isang bagong character (knight in shining armor/ every girl's dream) na magiging karibal ni Zac kay Ella. 
Bumalik na from Los Angeles ang half-sister ni Ella kaya ayun the riot begins hahaha. May feelings padin kasi si Zac para kay Elle, half-sister ni Ella.

- Phiyah -

TypeWriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon