Chapter 5

86 3 0
                                    

"If you could excuse us, Christian" si Rex ulit. "This guy and me have to talk privately."

"Okay"

Umalis si Christian. Hinarap naman ako ni Rex.

"What the hell is wrong with you, Robi?" ang pagsisimula ni Rex. Napayuko na lang ako. Alam kong masasabon na naman ako nito dahil sa pagtanga-tangahan ko.

"It's nothing, Rex. Lasing lang siya" ang pagdepensa ko sa ginawa ni Renzo.

"Oh, cut it out!" ang pagsuway sa akin ni Rex. "Whether he's drunk or not. It's not acceptable to do that infront of you. Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo nakitang tinitigan ka niya."

Hindi na ako umimik. "How long is he like that to you, Robi? How long?

Ayokong sumagot. Silence is safest. "Robi, sumagot ka. I'm losing my patience. Answer me or else dadapo tong kamao ko sa mukha ni Renzo."

"S-six months" ang mahina kong tugon. Napamura ulit siya at napatapik sa noo.

"That long? Hindi mo man lang naisipan na sabihin sa amin?"

"Please, Rex. Don't stress yourself. Tignan mo ang nangyari. Pati ang party mo, nasira dahil sa akin. It's none of your business"

"I Could cut all my parties even my own wedding just for you and Nica! Ayoko ng tinatarantado kayo. You and Nica, parang mga kapatid ko na kayo. So please don't you ever say again that this is out of my business"

"I know. I'm sorry,Rex. Pero kailangan ko tong harapin ng mag-isa. Para na rin sa sarili ko, for my self-worth. I know you just wanted to protect me and I appreciate that. Please, hayaan mo na lang ako."

Tumango si Rex at yinakap ako. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. He gently patted me on the back. Mas lalo kong na-appreciate si Rex ngayon. Alam ko naman na kahit noon pa ay overprotective si Rex kahit na tatahi-tahimik. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha at nagpaalam kay Rex.

"Send me a message when you got home and call me kapag inaway ka ni Renzo", ang bilin ni Rex sa akin. Tumango na lang ako. Tinahak ko pababa ang apartment complex. Nasa third floor ang apartment ni Christian. Nadatnan ko si Renzo sa baba katabi ang sasakyan niya. Hindi ko dinala ang sasakyan ko ngayon dahil nag taxi ako papunta sa apartment ni Christian matapos dumaan ng apartment namin ni Renzo para magpalit.

"Kanina pa kita Hinihintay, Renbi" ang malambing niyang pagsalubong sa akin na para bang wala siyang nagawang kasalanan.

"Bakit hindi ka pa nauna?" ang tanong ko sa kanya na may bahid ng inis.

"Ano ka ba, Renbi? Iisa lang ang inuuwian natin."

"Oo nga. Huwag mong pagurin ang sarili mo para sa akin"

"Aww, ang sweet mo talaga. Tara na, sakay na please!"

Hindi na ako umimik, sumakay na lang ako sa kotse. Nagprisinta na ako na ang magdri-drive dahil alam kong lasing na si Renzo. Sa byahe namin papauwi ay panay ang kwento niya tungkol sa naganap na party kani-kanina lang. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga kwento niya tungkol kay Bruce at kung sino-sino pang nakakawentuhan niya. Malapit na kami sa apartment nang may sinabi siya at parang isang malaking kutsilyo ang bumaon sa puso ko.

"Too bad Rex ended the party early. Ang sarap pa naman humalik nung mga babae dun"

Muntikan ko nang matapakan ng todo ang acccelarator nang marinig yun. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa aming apartment complex.

One Look First Generation Book 2: ItsumoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon