Chapter Twenty Eight

1K 47 0
                                    

ITSUMO_CHAPTER TWENTY EIGHT: “SAYONARA”

“Yeah, pero pinostpone muna namin. Ihahatid ka muna namin bago kami umalis” ang pagpapaliwanag ni Rex. Nagpasalamat ako.

Nasa kotse na ako ni Mark kasama si Mommy papuntang airport. Nakasunod naman ang kotse ni Rex.

“Mark, daan muna tayo ng Saint Vincent Parish Church” ang request ko kay Mark na siyang nagmamaneho. Pumayag siya.

“Pupunta ka sa kasal?” ang tanong ni Mommy.

“No, just would like to see him for the last time.”

“Are you sure?”

“Yeah. Wala naman akong balak manggulo sa kasal nila.”

“Okay, ikaw ang bahala”

Nakarating kami sa harap ng Saint Vincent. Marami nang sasakyan doon pati na rin ang bridal car. Nagsimula na ang seremonyas. Bumaba ako ng sasakyan. Kaagad namang bumaba si Nica at Lumapit sa akin.

“Bakit tayo Huminto rito?” ang bulong ni Nica.

“Just want to see him for the last time, that’s all”

“Gusto mong samahan na kita?”

“Hindi na.”

Nagsimula akong naglakad papunta sa gilid ng simbahan. Bumili ako ng kandila at sinulatan ng

“RenBi”.

Sinindihan ko kaagad yun at itinirik sa tabi ng ilan pang kandila. Humiling ako para sa aming dalawa. Happiness. Sumilip ako sa loob. nakikita ko si Renzo suot ang black suite. Nasa parte na sila ng pagsasabihan ng “I do”

“Renzo Valdez” ang pagsisimula ng pari. “Do you take Marjorie Torrez as your wedded wife….”

“I do” ang deretsahang sagot ni Renzo. Kaagad nang tumulo ang mga luha ko. Umalis na ako sa simbahan at dumeretso sa kotse ni Mark. Tinignan ako ni Mommy at ni Mark.

“Are you okay?” ang tanong ni Mark. Tumango ako at pinunasan ang mga luhang hindi pa natutuyo. Bago kami tuluyang pumunta sa airport ay dumaan kami sa apartment namin ni Renzo. Tulad ng naunang pinuntahan namin, mas pinili kong mag-isa. Nasa sa akin pa rin ang spare key ng apartment namin. Natigilan ako nang makasalubong ang isa sa tenant na katabi lang namin.

“Robi? Bakit bigla kang nawala?” ang tanong niya sa akin. Nginitian ko na lang siya.

“Papunta na po ako ng Tokyo, mag-aaral ulit”

“Huh? Ang dami-dami nating magagandang university dito sa Pinas. bakit doon pa?”

“Kailangan ko rin po kasing magpakalayo-layo.”

“Ganun ba? Bakit hindi ka umattend ng kasal ni Renzo?”

“”Ngayon po rin kasi yung schedule ng flight ko. IIwan ko na lang po itong regalo ko sa apartment para maturn-over ko na rin yung spare key na nasa akin.”

“Ano bang nangyari kay Renzo?”

“Bakit po?” ang Naguguluhan kong tanong.

“Madalas na kasing umuwing lasing. Palagi ko ngang nadadaanang nakaupo sa tabi ng pintuan, nakatulala. Hindi nga yata siya Tanggap ng magulang nung mapapangasawa niya. Kung hindi nga lang siya executive, baka hindi na sila pumayag na magsama sila.”

“He’ll be okay. may pagkanaive si Renzo pero magiging okay na ulit siya.”

Nagtapos ang aming usapan. Nasa harap na ako ng pintuan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nakikita ko na ang pinagbago ng apartment. Maximalist na siguro ang interior. Mas marami nang element at kulay di tulad ng gusto ko na simple. Binuksan ko ang pinto. Nagulat ako ng ganun pa rin ang itsura. May nakita akong unan at di pang natitiklop na kumot sa sofa.

Linapag ko ang regalo sa mesa. kahit ang kusina ay ganun pa rin. Hindi pa natatanggal ang bulletin board na inilagay ko, pati ang ilan ko pang notes ay nakapaskil doon. Pumasok ako ng kwarto, mas maayos na ito. May nakalagay na mga cosmetic product sa side table. Napaupo ako dun at inikot ang tingin sa kuwarto. Tumayo ako at dumeretso nang Lumabas ng apartment. Pagkatapos kong mai-lock ang pintuan ay pinasok ko ang susi sa ilalim ng pinto.

Sumakay na ako ng kotse at nagpunta na kami sa airport. naging emosyonal sila Mommy, Mira at Nica. Mga halik at yakap ang kanilang naging pabaon sa akin. Pinagbilin ko na lang si Mommy sa tatlo at kay Mark na mahigpit ang pagkakayakap sa akin bago ako pumasok ng airport.

One Look First Generation Book 2: ItsumoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon