Final Chapters

1.7K 62 17
                                    

ITSUMO_CHAPTER THIRTY FOUR: “GRADUATION”

Sumapit ang araw ng paglisan ni Renzo. Malungkot ko siyang hinatid. Halos hindi na kami mapaghiwalay nang paalis na siya. Sa mga sumunod na araw ay pilit kong tinutukan ang pag-aaral ko. Sa bawat araw na dumadaan ay mas lalo aking nangungulila sa mga iniwan ko sa Pilipinas. Napansin ni Sophie ang pagiging tahimik ko sa klase at ang madalas kong pagtitig sa labas ng bintana.

“Hey, wazzup?” ang pagkuha niya ng atensyon ko. “You are not of yourself recently. After the Festival, you became so not like you”

“I’m fine. I’ll be leaving Japan soon so I guess I’m kinda sad.”

“Really? I’ll be leaving for New York after our graduation.”

ang sabi niya. “I can’t wait for that!”

“Me, too. I miss Renzo”

ang pagkadulas kong nasambit ang pangalan ni Renzo. Napatingin ako sa reaksyon niya. Hindi niya kasi alam na silahis ako.

“Who’s that?” ang tanong niya.

“My teddy bear”ang sagot ko.

“You named a teddy bear?”

“No, what I mean is he’s my boyfriend”

“You have a boyfriend?”

ang gulat niyang tanong sa akin. Tumango ako.

“But I thought you’re heartbroken and those stuff?”

Napatingin ako muli sa kanya. Nagtataka ako sa reaksyon niya. Parang matagal niya na alam na bisexual ako. “He went here a few days ago to reconciliate with me.”

“Great! And you did’nt even introduced me to him?”

“Sorry”

Pinakita ko na lang ang picture niya sa wallet ko.

“He’s handsome. It’s a wise decision that you didn’t introduce him to me. I guess if you did, I’ll be stealing your guy” ang pagbibiro niya.

“You wish” ang tugon ko sa kalandian ng kaibigan kong Amerikana.”I’ll bury you alive if you do that”

“You have to bury me dead if you want me to stop”

ang hirit niya.

Dumating ang araw ng graduation namin. Masaya ako pero mas malaki ang nararamdaman kong lungkot. Wala kasi ang mga mahal ko sa buhay sa isang importanteng araw ng buhay ko. Pumasok si Utsui sa kwarto namin dala pa rin ang pagkamasayahin niya. May inabot siya sa akin. Ang sabi niya ay regalo niya sa akin. Kaagad naman akong nagpasalamat. Kasama ko ang mga kapamilya kong hapon sa pagdarausan ng seremonyas. Naalala ko si Mommy; kagabi hiniling ko na sana makapunta siya. Alam kong hindi ganun kadali para sa kanya ang mag out of the country dahil sa trabaho niya. Nakaupo na ako kahelera ng iba pang graduates nang isa-isa na kaming tinawag para kunin ang aming pinaghirapang diploma. Nasa hagdan na ako ng stage nang mapatingin sa likod. Natigilan ako ng makita ang mga pamilyar na mukha. Si Mommy na nakikipag-usap sa kapatid niya. Ang three idiots na may kanya-kanyang SLR Camera. Kinawayan ako ni Nica samantalang napathumbs-up naman si Rex. Nakangiti naman si Mira sa akin. Hindi ko inaasahan si Mark doon na nakamasid sa akin. Bitbit niya ang isang malusog na bata habang katabi ang isang magandang babae na halos ay katangkad niya. Nginitian ko sila. Kumaway ako sa kanilang lahat. Napagtanto ko na may kulang sa kanila. Napatingin ako kay Nica, Binulong ko ang salitang “Renzo”. Umiling siya. Napasimangot ako. Lubos na sana ang kaligayahan ko kung dumating lang sana ang lalakeng pinakamamahal ko. Pinilit kong ngumiti. Tinawag na ang pangalan ko at dahan-dahan akong pumunta ng stage. Pagkakuha ko ng aking diploma ay nagbow ako sa audience, tinignan ko ang mga mahal ko sa buhay at hinarap ang diploma. Ang dami nilang palakpak nung sandaling yun, hinaharap ko pa rin ang mukha ni Renzo. Malamang kung narito siya baka nagtatatalon pa siya sa tuwa. Pagkababa ko ng stage ay sinalubong ako ni Renzo, bitbit ang isang bouquet ng sunflowers. Napatameme ako sa hindi inaasahang pagtatagpo namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Look First Generation Book 2: ItsumoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon