Chapter Thirty Three

1.2K 42 3
                                    

.

ITSUMO_CHApter thirty three: FIREWORKS

“Paano ka nakarating dito?” ang tanong ko.

“Isang taon kong sinuyo at kinulit si Mira, Rex at Nica. Nakatatlong sapak nga si Rex sa akin at limang sampal naman si Nica samantalang isangdaang beses nang nasabi ni Mira ang katagang “Layuan mo na si Robi”. But I never gave up kasi mahal na mahal na mahal na mahal kita, Robi. Ginawa ko ang lahat ng paraan. Pinilit kong mag-explain si Marjorie kay Mira kaya nalaman kong narito ka. Kaagad kitang pinuntahan.

Hindi pa rin ako makaalis sa kinanatatayuan ko. Masyadong marami ang nalaman ko ngayong araw. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Totoo palang nakita ko siya kanina at hindi lang isang guni-guni.

“So, would you take me back, huh?” ang tanong niya sa akin. Siya na ang Lumapit at nagpunas sa mga luha ko. Tinitigan ko lang siya. Hinila ko siya papunta sa isang building, pinasok ko siya sa isang classroom at kaagad sinara ang pinto. Kaagad ko siyang hinila at hinalikan. Hindi Tumigil ang mga mata ko sa pagpapakawala ng mga luha. Mga luhang nagsasabi na masaya na ako ulit. Mga luhang nagpapahiwatig na naniniwala na ako sa mga fairytale at mga happy endings. Nararamdaman ko na rin ang mga luha ni Renzo. Nagsimula na ang fireworks display. Kumawala ako sa kanya at tinitigan ko siya. “Aishtemasu, Renzo. Itsumo”

“I Love you too, Robi. Not only always but forever” ang tugon niya. Sabay naming pinanood ang fireworks display habang nakaakbay siya sa akin. Wala nang paglalagyan ang kaligayahan ko. Love do conquers all. Kailangan lang ng unting patience. Hinding-hindi ko na siya papakawalan. Tapos na ang gabi-gabing pag-iyak at araw-araw na pag-iisip sa kanya. Ninakawan ko siya ng halik.

“Namiss mo talaga ako, ano?” ang nakangiti niyang tanong sa akin.

“Siyempre, si Renzo Valdez ka,eh! Iba ang impact mo sa akin.Tingin pa lang, laglag na brief ko” ang biro ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo.

“Seriously, akala ko hindi na darating ang pagkakataong ito.Pwede mo na ulit akong saktan ng paulit-ulit” ang seryoso kong sinabi sa kanya.

“Ssshh, I learned my lesson, Robi. I won’t hurt you anymore, trust me” sabay haplos sa mukha ko. Napabuntong-hininga ako at linipat ang tingin sa fireworks.

“Ano bang nakita natin sa isa’t-isa?”

“Ewan. Does it matter?”

“Nope. Right now, ikaw lang ang mahalaga sa akin”

“Magagalit na naman sa akin si Nica nito”

“Bakit naman?”ang tanong ko.

“She hates me”

“Don’t worry. Magiging maayos din ang lahat. Parang kami ni Mark”

Napatingin siya sa akin. Pinisil ko ang ilong niya. “Huwag kang magselos. Naging magkaibigan na kami. May anak at asawa na siya. Tawag nga sa akin ni Caleb “Dada Wobi”. Sana maging magkaayos na rin kayo”

“Yun ba ang gusto mo?”

“Oo, ikaw? Gusto mo ba?”

“If it would make my Renbi happy, why not?" ang sagot niya. “Uwi ka na sa atin, please”

“Sige”

Kaagad kong tinawagan si Mommy at binalita na uuwi na ako sa Pilipinas at doon na ipagpapatuloy ang aking pag-aaral. Natuwa naman si Mommy.

Kinabukasan ay inayos ko na ang aking mga dapat kailangan kong gawin para makabalik na ng Pilipinas. Siyempre kasa-kasama ko si Renzo. Kausap ko ang Dean ng Grad School habang naghihintay sa labas si Renzo.

“I’m sorry, Mr. Ramirez” ang paninimula ng Dean. “But you have to finish the semester. If you leave immediately, you’ll receive failing grades on your subjects and it will reflect in your transcript of records. Can you not wait for just two weeks? You’re a graduating student, too”

“I guess I have to stay for a while then” ang sagot ko. “But anyways, thank you for informing me.”

“No problem, Mr. Ramirez”

Lumabas ako ng office na nakasimangot. Kaagad namang napatayo si Renzo nang makita ako. “Oh, anong sabi?”

“Kailangan ko munang tapusin yung sem, University Policy kasi tapos graduating student pa ako and a University scholar too”

“Hanggang kelan ba?”

“Two weeks yung sem and then grad practice and all of those stuff”

“Three weeks then but I have to leave soon. Gusto ko pa naman, sabay tayong umuwi”

“Yun din sana ang gusto ko pero I really have to follow them”

Napatango siya. Yinaya ko na lang siyang mamasyal. Naglalakad-lakad kami sa puso ng Tokyo habang nagkwekwentuhan tungkol sa maraming bagay.

One Look First Generation Book 2: ItsumoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon