CHAPTER 1: ABOUT YOU

94 5 0
                                    

TRACK #1: ABOUT YOU - THE 1975

~~~~

Sum's POV

"Do you think I have forgotten?
Do you think I have forgotten?
Do you think I have forgotten
About you?"

Rinig na rinig ang kanta sa buong sulok ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. May kalakihan din tsaka marami ring tao na kung papanoorin mo silang lahat, may mga sari-sariling mundo na tinutuunan ng pansin.

May mga nagla-laptop, nagsusulat habang naka-headphone, nagce-cellphone, may binabasang libro, at yung iba naman ay nakikipag-usap sa kasama nila na halos ang lalakas ng boses kapag tumatawa.

"Sum, paki-dala 'to sa table 9." Inabot sa'kin ni Zoren ang tray na pagkain. Tumango lang ako at kinuha ang hawak nito.

Nagtatrabaho ako ngayong Linggo sayang kasi ang bakanteng araw, magkano rin yun. Mag-aayos pa ako ng gamit ko mamaya kasi papasok na ako.

First-day ko sa Lés Reyes University, isang kilalang unibersidad na puro mayayaman at kung hindi ka naman mayaman, kailangan mo nang malakas na guardian angel tsaka dapat may taglay ka na ubod ng katalinuhan para makapasok.

Kayo na bahala kung guardian angel ba talaga ibig kong sabihin o backer.

Pinagpala lang siguro ako, wala naman akong kilala sa lugar na 'to para may maging backer ako. Hindi rin naman ako taga dito, lumipat lang ako para mag-aral at magtrabaho.

Nag-try lang ako na i-take yung entrance exam and naka-tanggap ako ng invitation na accepted na daw ako sa university. At first, in-denial pa ako kasi biro lang naman yun dahil hindi ko naman ini-expect na ma-aaccept ako pero nanlamig buong katawan ko nung napatunayan ko na galing mismo sa university yung message kaya grabe yung saya ko.

Pumunta din ako nung nag Open House sila, tinour kami ng mga department officers sa buildings at rooms nila. Aesthetic nga tignan, hindi na ako magtataka kung may influencers or vloggers sa main campus. Ngunit kaunting students lang yung nakikita ko non, siguro dahil ay wala silang pasok non.

Naninibago nga lang ako dahil wala naman akong kaibigan na makakasama. Sana lang umayon sa'kin ang swerte, sana makahanap ako ng kaibigan na makakasama ko habang ako'y nabubuhay pa sa university na 'yon. Kasi panigurado na malupitang pakikipagdigmaan ang gagawin ko niyan.

Hindi ko rin alam ugali ng mga students doon, lalo na ang mga professors.

Sana hindi ako mapag-initan at mapag-tripan ng kahit na sinong prof dun.

O di kaya, sana hindi ako maka-encounter ng prof na halos ipinaglihi na kay satanas sa sobrang sungit at sama ng ugali.

Feeling ko naman maayos sila since sikat naman ang university na 'yon... O baka hindi? ma-search nga mamaya pag-uwi ko kung may mga chismis sa freedom wall ng campus.

"Here's your order, ma'am." inilapag ko ang order niya. Hindi ko na tiningnan ang mukha niya pero alam kong babae siya base sa aninag ng peripheral vision ko. "Enjoy your order po." ngumiti ng maliit at tsaka umalis na sa pwesto niya.

Ni-request ko talaga na mas maaga yung awas ko kasi may aasikasuhin pa akong mga gamit.

Baka kasi maghabol ako ng oras, tapos saka ko lang maalala yung mga nakalimutan ko kapag nakasakay na ako sa jeep.

"Sum, sabay ka na sa'kin pa-uwi." Aya ni Yna, kaibigan ko siya dito sa coffee shop, mas nauna siya sa'kin na mag trabaho dito sa coffee shop. Mabuti nga nagkasundo kami agad. Kaso sa iba siya nag-aaral.

ABOUT YOU (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon