PROLOGUE

27 3 0
                                    

Celeste Cortesi as Allison France Reyes

~

Blue sea, calm sky, whistling wind, and the soft white sand below my feet. 

The only sounds I could hear were the waves, the whistle of the wind near my ears, and the chanting of people in this place.

I roam my eyes around while the wind is blowing my satin polo and loose shorts together with my hair. There's an unfinished castle built by the kids this morning. Watching them is therapeutic; their giggles while creating a sand castle linger in my ears. 

I wish I could be happy like them again.
 

No problems and heartaches.

I let out a sigh while standing alone, watching the waves, even though it was already dark.

Unti-unti kong hinakbang ang mga paa papalapit sa tubig habang naglalaro ang mga tanong at salita sa isipan.



Ang hirap niyang intindihin.





Parang nag-aaral ako ng panibagong linguwahe dahil sa mga kilos niya. Kung kaya ko lang mawala 'tong nararamdaman ko in one snap, I waste my time to be hurt like this.

Hindi ako mag aaksaya ng panahon para maghabol sa babaeng katulad niya.

Eh kaso... siya na kasi yun.








Ms. Allison France Reyes








Ano pa bang kailangan kong gawin?

Kung magkakaroon man ako ng pagsisisi, yun ay ang hindi maging sapat sa paningin niya, sa iba, at lalo na sa sarili ko.

May kulang siguro sa akin o sa paraan ng pagpapakita kong higit siya sa lahat.

Ngunit ano pa bang kailangan kong gawin? Kailangan ko pa bang lumuhod? Kailangan ko pa bang magmakaawa? Kailangan ko bang tumawid ng ilog at dalawang bundok katulad ng mga kuwento satin ng magulang natin? O kaya gawin lahat ng ginawa ni Bruno Mars sa kanta niyang grenade?

Letche talaga.



Flashback

Nakita ko ang kunot ng noo niya, pag-bukas ng door niya. "Garcia? What are you doing here?" Pagtataka niyang tanong sa'kin.

When I finally saw her, I felt a little relief. I finally saw her face up close again. She's been avoiding me after that day– it's been two weeks.

Wala man lang explanation kung bakit ang cold ng treatment niya sa'kin.

"Prof..." I softly call her, and I can feel my eyes being tired. Mas mabilis pa sa alas kwatro mawala ang gulat sa mukha niya after she opened the door.

"What are you doing here in the middle of the night?" Napalitan ng pagtataka ang mukha nito pero hindi pa rin mawawala ang seryoso nitong expression.

"Let's talk.. about us." Nagbago naman ang ekspresyon ang mukha niya.

"We already talked about this." Humalukipkip siya at sumandal. Nanatiling malamig ang mata na nakatingin sa'kin.

Those eyes.

They're familiar.

Ganyan na ganyan ang mga mata niya nung mga araw na ayaw niya sa'kin. Panahong hindi niya gusto ang presensya ko.

“Hindi ko maintindihan, hindi ko maintindihan lahat ng nangyayari. You left me without a reason, ang cold pa nang treatment mo sakin. Tapos makikita kita with another guy being sweet to each other.”

ABOUT YOU (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon