CHAPTER 2: UNFORTUNE

15 2 0
                                    

TRACK #2: TIBOK - EARL AGUSTIN
    
   
  


Summit's POV
       
     
Kapag minamalas ka nga naman, grabe talaga.
    
    
Unang araw ko pa lang sa university, pero parang pinagsama-sama lahat ng kamalasan na puwede mong maranasan sa isang araw.
    
   
Naglalakad ako sa hallway habang inaayos yung bago kong damit, pinaplansta ng kamay ko para siguraduhing walang lukot na nakakalusot. Ayoko kasing magmukhang gusgusin sa unang pasok, lalo na't nagtiis ako sa hirap papunta dito.
   
   
  
Literal na sinuong ko lahat ng pagsubok, makapasok lang!
   
  
   
Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit hindi nag-announce ng class suspension si gov.
 
  
Ang lakas ng ulan!
  
  
Sabi ko nga, tao rin naman kami, diba? Malakas nga ng ulan, halos foggy na din ang daanan. Parang lumilipas ang oras pero hindi ka umuusad sa daan.
   
    
Unang kalbaryo? Yung tricycle na nasakyan ko. Normally, ten minutes lang dapat 'yon, pero dahil sa driver na mukhang hinahabol ng demonyo, halos limampung beses niya akong dinala sa gilid ng kalsada na puno ng tubig.
      
     
At hindi lang tubig dahil kulay brown yung tubig, halatang may halong putik!
     
     
Hinaharurot niya pa talaga sa gilid yung tricycle na parang may hinahabol. Sa sobrang bilis, feeling ko iniwan ko na 'yung kaluluwa ko sa kanto!
     
  
Dumb ways to die?
        
   
Basang basa yung pants ko nang bumaba ako sa tricycle. Parang niyog na pinigaan ng tubig. Nakakatawa kasi hindi lang basa kasi may mga bakas ng putik. Parang sinadyang patamaan ng mga basurang tubig ng tricycle driver.
    
  
Napaka-barumbado!
        
 
Pagbaba ko, kailangan ko pang maghintay ng jeep. Sampung minuto na akong naghihintay, wala pa rin dumadaan.
   
   
Nakakasira ng bait kasi malapit na ako malate. Pagdating nung jeep, puno na ng mga tao pero nagdesisyon akong pumasok pa rin loob kasi malalate na nga ako. Eh, anong choice ko, diba? 'Di bale sana kung may motor o sasakyan ako, kaso wala. Kaya tiis-tiis lang.
     
  
At eto na ang pinakanakakainis... Kalahati lang ng pwet ko yung nakaupo. Aba, si kuya na naka-spread legs, akala mo may higanteng itlog sa pagitan! Kulang na lang talaga na sabihin ko sa kaniya yung naiisip kong pangba-bash na"Kuya, tiklop mo naman 'yang mga tuhod mo. Isa ka lang na tao, pero parang tatlong tao ang sinasakupan ng pwesto mo!" Pero wala, tiis-tiis talaga.
    
    
Pagkatapos ng lahat ng 'to, naglakad pa ako mula jeepney stop papunta sa university. Wala naman kasing tricycle na allowed na bumaba sa mismong entrance, kaya ayan, basa na ang pants ko, may tae pa ng aso sa sapatos. Oo, jackpot!
    
    
Walang warning, napakabilis ng pangyayari, bigla na lang akong napahakbang sa isang malagkit na kababalaghan. Putik, ulan, tapos tae ng aso? Perfect combo. Para na akong contestant sa isang malupit na reality show ng pamalasan.
       
    
Hindi sapat ang payong para protektahan ako sa kamalasan at pagsubok ko ngayong araw.

Pagdating ko sa gate, si ate guard pa, grabe. Mukha daw akong outsider? Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak. Judgemental agad! Eh wala kaming uniform bukod sa ibang binigay, hindi naman required suotin ngayong araw.

   
Tsaka, anong mukhang outsider? Sa dami kong pinagdaanan papunta dito, hindi ako papapasukin kasi mukha akong outside? 
     
     
Buti na lang, may form akong dala na nagpapatunay na estudyante ako, kaya napilitan siyang papasukin ako.
          
   
Pero hindi pa tapos ang kalbaryo ko. Naglakad-lakad pa ako para hanapin yung restroom kasi gusto ko nang magpalit ng damit. Mukha na kasi akong basang sisiw. Habang nag-iikot, nagtatanong ako ng directions sa mga tao, pero ang sagot nila sa akin puro English.
       
    
Buti na lang, naiintindihan ko naman. Understanding 'to eh.
        
    
Nakakahiya so much nung tatanungin ko pa lang sila kasi mukha akong basang sisiw, kaya nag-thank you at umalis ka-agad ako nung sinabi sa'kin kung saan yung rest room.
    
    
Nakapagpalit din ako, pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung araw na 'to. Sa dami ng kamalasan, sana naman may magandang mangyari.
     
   
Puro pagsubok sa buhay eh! Kaya iniisip ko na lang na sana pagpasok ko sa unang klase, wala nang bagong kamalasan na mangyayari.
    
  
Sana.
     
  
Habang naglalakad ako sa mahabang hallway ng building, patuloy kong pinapagpag ang dumi sa likod ng suot kong damit. Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha, baka sa na nadikit ko or sa ano loob ng drawer.
    
  
Napahinto ako sandali para silipin kung natanggal na, nung medyo hindi na visible ay naglakad ako pero bigla na lang akong nakaramdam ng matinding impact. Parang bakal na dumiretso sa balikat ko, at halos mawalan ako ng balanse sa sobrang sakit.
    
   
"Aray!" inda ko, sabay himas sa lugar kung saan tumama ang bagay na yun. Halos natumba na ako, pero agad ko naman na-balanse ang sarili ko bago mangyari iyon. Nang bumaba ang tingin ko, nakita ko ang mga gamit na nagkalat sa sahig. May isang laptop at ilang libro na mukhang mabibigat.
       
      
"Hala!" Taranta kong wika.
    
   
Agad kong pinulot ang mga ito, kahit hindi ko pa natutukoy kung sino ang bumangga sa'kin. Nasa sahig ako, abala sa pagkolekta ng mga libro, nang maramdaman kong may taong nakatayo sa harapan ko. Hindi ako makatingin agad, parang masama ang kutob ko.
    
  
Kitang-kita ko ang mga itim na heels sa aking harapan. Matataas, at matalim ang tunog sa sahig habang tinatap niya ang isang paa habang nakatayo ito. Ramdam ko ang tensyon sa ere, lalo na’t tahimik lang siya, nanonood habang pinupulot ko ang mga gamit.
    
  
"Sorry, hindi kita napansin," sabi ko, abala pa rin sa pagpupulot, hindi ko magawang tingnan siya ng diretso sa mukha.
   
  
"Don't you have anything else to say except sorry?" malamig na boses niya, halos sumaksak sa tenga ko.
  
   
Nagulat ako, kaya napatingin ako pataas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang kaharap ko. Isang babaeng matangkad, eleganteng nakadamit, at ang matalim niyang mga mata ay nakatuon nang diretso sa akin. Wala ni isang emosyon sa mukha niya, pero may tila bang bigat sa kanyang presensya.
   
    
Ngayon, mas malapitan ko na siyang nakita. Ang ganda niya, wala halong biro. Perpekto ang bawat detalye sa mukha nito, at ang buhok niya'y nakalugay na makikita mong alagang-alaga niya ito.
    
   
Diretso kong tinitigan ang kanyang mukha, isang maganda ngunit malamig na ekspresyon. Tumayo ako nang tuwid at inabot ang mga gamit na nakuha ko mula sa sahig. Hindi siya nag-abala na tanggapin agad ang mga ito, hinayaan lang niyang manatili sa mga kamay ko.
     
    
Nasa isip ko, Bitbit niya ba araw-araw ito? Ang bigat masyado.
       
    
"Uhmmm... My apologies?" medyo kinakabahan kong sabi, pilit na sinusubukang magpakumbaba. Halata ko ang lalim ng pagtaas ng kilay niya, isang galit na hindi niya sinasabi nang malakas.
   
    
Kinuha niya ang gamit mula sa kamay ko nang walang salita.
    
    
At doon ko naalala kung bakit pamilyar siya sa akin.
   
   
"Teka, ikaw na naman?" Hindi ko inaasahan ang lumabas sa bibig ko. Biglang bumalik sa isip ko yung insidente kahapon.
   
   
Natapunan ko siya ng kape sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Napangiti ako ng konti, pero sa loob-loob ko, alam kong nasa malaking problema na naman ako.
     
     
"I won't accept an apology again from someone who's clumsy," malamig niyang sagot, ramdam ko ang panunukat niya sa akin mula ulo hanggang paa. Parang tinitimbang niya kung karapat-dapat ba akong pansinin o palampasin.
    
    
"Eto naman, hindi ko sinasadya," tanggi ko, pilit na dinadaan sa ngiti ang sitwasyon, pero parang walang epekto sa kanya. Kahit na nakangiti ako ay iniisip ko na gusto ko na lang tumakas. Alam kong hindi magiging madali ang sitwasyong ito.
    
  
"Wait, dito ka ba nag-aaral?" biglang tanong ko, na halos lumabas nang hindi ko sinasadya. Tumaas ang kanyang kilay, at mas lalo akong kinabahan.
     
   
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang bawat araw kung magkikita pa kami dito sa school.
  
 
"What makes you think I'm studying here?" tanong niya, mas tumitindi ang tingin niya sa akin. Tila ba sinusubukan akong paikutin gamit ang kanyang mga salita.
    
   
Langya, nagtanong ako, ang sinagot niya tanong din! Naisip ko, pero pinilit kong magpakatatag na hindi sabihin.
    
     
"Eh nandito ka eh, may ID ka na suot," mabilis kong sagot, sinusubukan kong gawing casual ang tono ko pero alam kong tumatagos sa kanya ang takot ko.
   
   
Ngumiti siya nang bahagya, pero hindi ito basta ngiti. Ngiting mapanlinlang at nagbibigay ng masamang kutob. "From what department are you?" tanong niya, para bang siya ang boss at ako’y isang estudyanteng walang magawa kundi sumagot.
  
   
"Uhhhhhh... Engineering," sagot ko, medyo nag-aalangan pa. Hindi ko alam kung ano ang plano niya, pero ramdam kong hindi ito maganda.
   
  
"I see," sabi niya na tila nag-iisip ng malalim. "We'll see about that."
  
  
Bigla siyang naglakad at nilampasan ako. Ang tunog ng kanyang heels ay parang mga kampanang bumabalot sa buong hallway. Kakaunti na lang naman ang tao dito sa hallway.
    
    
Ilang sandali akong nakatayo lang doon, hindi alam kung ano ang gagawin. Pero bago pa ako makapagdesisyon, hindi ko napigilan ang sarili ko. 
   
   
"Hoy! San ka pupunta?" halos sigaw ko, pero agad akong napahinto nang marinig ko ang pagpreno ng kanyang mga hakbang. Dahan-dahan siyang lumingon pabalik, at nang makita ko ang galit sa kanyang mga mata, napagtanto kong mali ang ginawa ko.
    
  
"What did you just say?" tanong niya, may tonong halatang naiirita na siya.
   
  
"Sabi ko, san ka pupunta?" tanong ko ulit, pero ngayon ay mas maingat na. Ramdam ko ang kaba na bumabalot sa akin.
   
  
"Did you just call me 'hoy'?" Halos di makapaniwala ang tono niya, habang sinusuri niya ako na parang hindi niya inaasahang may ganitong klaseng tao na maglalakas-loob magsalita ng ganon sa kanya. "What makes you think you have a right to call me that?"
   
  
Para akong nalunod sa tanong niya. Nakatitig lang siya sa akin, at sa bawat segundo na dumadaan, lalo akong kinakabahan. Hinakbangan niya ang espasyo sa pagitan namin, mas malapit siya at ramdam ko ang init ng kanyang hininga.
  
  
"Learn to respect me as your superior," aniya, at bigla siyang umikot, iniwan ako sa gitna ng hallway, tulala at hindi alam kung ano ang nangyari.
   
   
"Superior?" tanong ko sa sarili ko, medyo lutang pa rin sa naging sagutan namin kanina. Napatitig ako sa likuran niya habang papalayo siya, nang bigla na lang akong akbayan nang biglaan mula sa kaliwa.
  
  
"You're dead meat, dude," isang babaeng boses ang nagpagulat sa akin, halos mapatalon ako sa gulat. Napalingon ako at nakita ko ang isang nakangiting babe, halatang aliw na aliw sa nangyari. Naka-salamin, may suot na shoulder bag, at may hawak pa siyang binder sa kabilang kamay.
    
  
Hindi ko siya kilala, pero mukhang kilala niya yung kausap ko kanina. "You don't know her?" dagdag niya.
   
   
"Uh, hindi?" sagot ko, pilit na iniintindi ang sitwasyon habang nag-iisip kung aalis ko ba yung mabigat niyang braso mula sa balikat ko.
  
  
"Nalintikan ka na," sabi niya, tila may malalim na hiwaga sa mga mata niya habang iniiling-iling ang ulo. "Akala ko kilala mo kasi kung makipag-usap ka parang magkakilala kayo."
  
  
"Wait, bakit sino ba yun?" Bigla akong kinabahan. Hindi ba't normal lang naman ang makipag-usap ng konti kapag nabangga mo ang isang tao?
      
      
Napakamot siya sa ulo. Napatitig siya sa akin na parang sinasabi ng mata niya, Where have you been living, dude?
     
     
"Tsk tsk, lagot ka," bumuntong-hininga siya na parang isa siyang propetang nagbibigay ng masamang balita. "Magdasal ka na sa patron ng lugar natin na iligtas ka mula sa taong yun."
      
      
Mas lalo akong naintriga. "Eh sino nga ba kasi yun?" Nagmamadali kong tanong, ngayon ay halos malunod na sa kaba at curiosity.
    
     
Napangisi siya, parang nasisiyahan sa pagkabahala ko. "Well, you'll see," sabi niya, sinuklay ang buhok gamit ang kanyang daliri bago ipinagpatuloy. "Sa engineering department ka, diba?"
     
   
Tumango ako. "Oo, bakit?"
    
     
Bigla niyang hinablot ang binder mula sa kanyang kamay.
   
    
"Tingin nga ng sched mo." biglang hirit niya, walang pasakalye, para bang may malaking significance kung pareho kami ng klase.
   
     
"Wait," sabi ko, agad na binuksan ang bag at kinuha ang class schedule ko. "Oh, ayan."
   
    
Sinipat niya ang papel na parang detective na nag-iimbestiga ng isang ebidensya. Tapos ngumiti siya nang parang may balak na masama. "Nice," sabi niya, sabay tango ng may kasamang malawak na ngiti. "Mostly, same class tayo ng schedule. I'm sure we'll get along."
        
    
Tumigil ako saglit, napatanong sa sarili, sino ba tong tao na 'to?
        
    
"Sabi ng nanay ko, wag daw ako makipag-usap sa mga hindi ko kilala," biro ko, pero halatang kinakabahan pa rin.
      
    
Bigla siyang tumawa nang malakas, halos mapalundag ako sa pagkagulat.
       
   
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Halos mag-echo sa hallway ang halakhak niya.
       
    
"Nakikkpag-usap ka na nga sa'kin tapos binigay mo pa sa'kin schedule mo! Then, ngayon mo sasabihin yan? Manahimik ka, sis." Pinandilatan niya ako, na parang masyado siyang aliw sa sarili niyang joke.
   
     
Napangiti na rin ako, kahit hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari. "Anyway," sabi niya, "I'm Ohm, Ohm Rivera. Ako ang magiging pinaka-poganda mong friend dito sa university. Wag ka mag-alala, hindi kita type."
      
    
Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya, hindi ko alam kung compliment ba 'yun o insulto. "Okay..."
   
    
"What's your name?"
    
   
"Summit Garcia"
     
   
"Garcia... Do you perhaps know Zion?"
     
    
"Zion? Sino yun?" Tanong kong pabalik sa kaniya kasi ngayon ko pa lang naririnig ang pangalan na yon.
      
     
"Nevermind" Ngumiti siya, pero biglang bumaling ang atensyon niya sa ibang direksyon, sabay galaw ng ulo niya na para bang may ipinapakita. "Gusto mo malaman kung nasaan type ko?"
    
    
"Uh, saan?" tanong ko, naguguluhan pa rin sa bilis ng takbo ng usapan namin.
     
   
"Ayun oh," sabay ngiti ni Ohm na parang batang excited. Itinuro niya ang isang babae sa dulo ng hallway. Tumingin ako sa direksiyon na tinuro niya, isang babaeng naglalakad na parang galing sa isang fashion magazine. Hindi gaano mahaba ang buhok nito, at sobrang ganda ng aura. 
    
    
"Shet, ang ganda. Sana maka-talking stage ko siya." Hindi na ako nagulat na babaeng maganda ang tinuro nito dahil may mga naging kaibigan na akong nagkakagusto sa kapwa nila lalaki at kapwa nila babae nung nasa highschool pa lang ako.
         
    
Napatawa ako sa sinabi niya. Talking stage pa talaga ang goal niya?
   
     
Teka parang familiar yung babaeng tinutukoy niya.
   
  
Parang nakita ko na siya somewhere.
   
    
"Tara na," sabi niya bigla, sabay hila sa akin. "Late na tayo sa klase." Nagmadali kami sa hallway, at habang naglalakad ay patuloy siyang nagsasalita. "Ihanda mo sarili mo, sis, unang araw mo 'to at unang pag-subok mo sa dragon as LRU student."
     
  
"Ha?" natigilan ako.
      
   
Dragon?
    
      
Napatingin siya sa akin at ngumiti na naman ng may ibig sabihin, pero imbis na ipaliwanag, hinila na lang niya ako sa elevator. "Basta, tara na, daming tanong." huling sabi niya, na parang may lihim na kalokohang nakatago sa likod ng mga ngiti niya.  
    
  
Habang naglalakad kami, ramdam ko na hindi magiging ordinaryo ang araw ko.
      
    
    
     
   
   

Pagpasok namin sa classroom, agad akong bumungad sa malamig na tingin ng babae nasa harapan ng whiteboard at desk na may laptop at mga libro na nakapatong. Ang classroom ay maluwag, may mga malalaking bintana sa gilid na nagbibigay liwanag mula sa labas. Nakaayos ang mga upuan sa tatlong hanay, at halos puno na ng mga estudyanteng tahimik na nakaupo at nakatingin sa amin.
       
Malinis at moderno ang itsura ng silid, ngunit ramdam mo ang bigat ng atmosphere sa loob, lalo na't kami ang naging sentro ng atensyon.
         
Ang itsura ng babae ay imposing—matangkad, naka-suot ng puting blusa na sleek at professionally fitted, may suot na mga kumikinang na hikaw, at itim na palda na hanggang tuhod. Makinis ang buhok niya, nakatali sa isang mababang bun, at may hawig sa mga bida sa mga corporate dramas ang aura.
     
      
Katabi ng isang whiteboard na may nakasulat na Professor Allison France Reyes.
    
     
Tumingin ito sa amin na ikinagulat ko. Iba na ang pagkakaayos niya mula kanina.
        
     
Ang mga mata nito ay may taglay na lamig, parang kayang tumagos sa mga pagkukulang mo bilang estudyante, habang hawak-hawak niya ang isang clipboard na para bang kahit isang maliit na excuse ay hindi niya tatanggapin.
        
      
Nag-cross arms siya nang tumingin ito sa pinto kung saan kami nakatayo ni ohm. Nakatitig ito sa amin, at ang bawat segundo ay parang pinaparamdam na may kasalanan kami.
          
      
"You two are ten minutes late on your first day as freshmen," bungad niya, matalim ang boses. "Why should I let the two of you into my class?"
     
         
         
    
   
Halos mawalan ako ng hininga.
 
 
 
 
  
   
 
   
ANONG MY CLASS?
  
 
   
  
  
   

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ABOUT YOU (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon