CHAPTER ONE

92 1 0
                                    

NAPAPAILING na lang si Constellation habang pinagmamasdan si Cola na hanggang sa pagtulog ay humihikbi pa rin. Paano ba naman, umiyak ito nang umiyak buong magdamag. Galing sila kagabi sa ospital matapos mawalan ng malay ni Seventeen. Napag-alaman nilana may sakit pala sa puso ang binata na maaari nitong ikamatay.

Noong nalaman niya na nagpanggap lang na multo si Seventeen at nakakapasok sa kuwarto nila nang walang permiso, nagalit talaga siya. Nainis din siya kay Tobie aka "Rich Kid" dahil ang lalaking iyon ang nagbibigay ng susi ng Room 15 sa best friend nitong fake ghost. Balak na talaga niyang umalis sa tenement kahit hindi pa natutupad ang dream niyang magka-develop-an sila ni Rich Kid.

Pero noong nasa ospital sila, nang makita ni Constellation si Seventeen na kinakabitan ng kung anu-ano sa katawan para makahinga lang, nakaramdam siya ng awa para sa binata. Naisip niyang baka gusto lang nitong maging masaya dahil alam nito na anumang oras, puwedeng bumigay ang puso nito.

At ngayon naman, iniyakan sila ni Cola habang nakikiusap na huwag nang umalis sa tenement at huwag na ring ireklamo si Tobie o si Seventeen.

Naawa si Constellation sa kaibigang na-in love sa lalaking anumang oras ay puwedeng mamatay.

"Hindi ko matiis si Cola," malungkot na sabi ni Craze na malamang gaya niya ay naaawa rin kina Seventeen at Cola. "Saka I feel sorry for Seventeen."

"Me, too," sang-ayon niya.

"Pero hindi ko pa rin mapapalagpas na ibinibigay ng Tobie na 'yan ang duplicate key ng kuwarto natin sa ibang tao. Kahit pa sabihing wala namang ginawang masama si Seventeen," nakasimangot na sabi nito. "Paano pala kung sa ibang tao naman niya ibigay ang susi?"

Ngumiti si Constellation at hinawi ang straight na buhok. "Girl, hayaan mo na. Willing namang makipag-settle si Tobie, 'di ba? Kaya makipag-areglo na lang tayo."

Tumango-tango si Craze na parang nag-iisip. "Hmm, may point ka. Puwede nating tanggapin ang alok niya na libre na ang renta natin sa susunod na buwan. Pati kuryente at tubig natin, dapat sagot na rin niya. Tutal siya naman ang nag-offer n'on no'ng nasa ospital tayo kagabi."

"Baka pati food supply natin gusto mong ipasagot kay Tobie?" sarkastikong tanong niya.

Nanlaki ang mga mata nito. "Oo nga, 'no?"

Ipinaikot ni Constellation ang mga mata. Ito talagang si Craze, ke yaman-yaman, napakakuripot at napakahilig sa libre. "Sarcastic ako, Craze. Sarcastic. Mukha kang libre."

Sumimangot ito. "Fine. I-request mo na lang kay Tobie na kailangan niyang i-lift ang 'no pets allowed' rule niya dito sa tenement for us."

Napasinghap siya. "OMG. Balak mong dalhin si Rabbit dito?" aniya na ang tinutukoy ay ang alaga ni Craze na... well, rabbit.

Bumungisngis ito. "Oo. Miss na miss ko na si Rabbit, eh."

Ngumiti siya nang matamis. "Kung 'yon lang ang request, then ipaubaya mo na sa 'kin ang lahat. Ako na lang ang makikipag-settle kay Tobie."

Naningkit ang mga mata nito. "Consta, I know you. I'm sure gagamitin mo ang chance na 'to to take advantage of Tobie! Tigil-tigilan mo na nga 'yang pagpapa-cute mo do'n sa tao. Dinedeadma naman niya ang beauty mo."

"Hindi kaya," nakalabing reklamo ni Constellation. "Tobie likes me, too. Nagselos pa nga siya nang makita niya sina Evaldas sa kuwarto natin noon, eh. No'ng binisita ng Tatlong Haring Hambog si Cola no'ng may sakit siya."

Girl Talk Trilogy 2: The Prince Or The Pauper (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon