PROLOGUE

267 4 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGAsi Constellation habang tinitingnan ang kabuuan ng C3 Tenement mula sa labas. Papasok na sana siya sa loob matapos bumili ng hapunan nila ng mga kaibigan nang maisipang pansinin ang kabuuan niyon. Ang cheap talagang tingnan ng tenement at alam niyang hindi bagay ang kanyang kagandahan doon.

            Pero dahil mahal niya ang mga kaibigan at dahil sa kanyang posisyon sa pamilya ngayon, nagdesisyon siyang manatili na lang muna roon at magtiis. Isa pa, hindi naman ganoon kasamang tumira sa tenement dahil kasama niya ang dalawa sa pinakapaboritong mga tao sa buong mundo—sina Cola at Craze.

            Well, iisipin ko na lang na para akong Disney princess. Kailangan ko munang maghirap bago makabalik sa palasyo, pagpapalakas niya ng loob sa sarili.

            Ipinanganak at nabuhay sa yaman si Constellation. Lumaki rin siya sa masayang pamilya at iyon ang kanyang nakasanayan. Hanggang sa may nagawang napakalaking pagkakamali at katangahan ang daddy niya na bumago sa takbo ng kanyang buhay. Kaya ngayon, limang taon na siyang naghihirap.

            Literal na naghihirap.

            Papasok na sana si Constellation sa loob ng tenement nang may marinig na busina. Nalingunan niya ang isang silver Volvo na nag-aabang sa pagbukas ng gate sa garahe ng basement ng tenement. Ganoon ang kotseng naghahatid-sundo sa kanya noong high school siya kaya pamilyar siya roon. Sigurado siyang mayaman ang nagmamay-ari ng sasakyan.

            Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagkainteres sa nagmamaneho ng magarang kotse kaya hinintay niya itong bumaba ng sasakyan. At unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang lalaki.

            The guy who just got off the car was very handsome and tall. Medium-built ang katawan nito—halatang batak sa workout, pero bagay naman sa tangkad nito. Blond ang buhok ng lalaki, mestizo, at... at nang alisin nito ang shades at mapabaling sa kanya, napansin niyang kulay-amber ang mga mata ni Koya.

            Real. Life. Prince.

            Malakas ang pang-amoy ni Constellation sa mga tulad niyang nagmula sa mayamang pamilya kaya sigurado siyang kauri niya ang guwapong lalaki. Mula ngayon, "Rich Kid" na ang ibabansag niya sa lalaki at titiyakin niyang magiging best friends sila, o higit pa roon. Well, hindi na siya lugi sa lalaki.

            May dinukot si Rich Kid sa bulsa—mga susi. Pagkatapos ay ipinaikot-ikot nito ang mga iyon sa daliri, dahilan para kumalansing ang mga iyon. Eksakto naman na pagpihit paharap ng lalaki ay nahuli siya nito na nakatingin. He raised his eyebrow in inquiry.

            Ngumiti lang si Constellation, saka kinindatan si Rich Kid bago umakyat ng hagdan. Hmm. Welcome, my new BFF.

            Noong nasa gitna na siya ng hagdan, narinig niyang kinausap ni Anton, The Caretaker si Rich Kid, at nagulat siya sa narinig.

            "Welcome back po, Sir," magalang na sabi ni Anton.

            "Kumusta ang tenement habang wala ako?" tanong naman ni Rich Kid sa pormal na boses.

            "Mabuti naman po. Maymga bagong tenant po tayo."

            Napangiti si Constellation, saka nagpatuloy sa pag-akyat dahil ayaw naman niyang mapagbintangang tsismosa. Base sa narinig niyang usapan ni Rich Kid at ng caretaker ng tenement, walang duda na ang mestizong lalaking iyon ang may-ari ng lugar kahit mukhang hindi nalalayo ang edad nito sa kanyang edad.

            Hindi naman siya nagulat. Ang mga anak-mayaman kasi, kadalasan ay minamana agad ang negosyo ng pamilya.

            Well, hindi masyadong sosyalin ang pagma-manage ng lumang tenement as a business but he has a nice car. Puwede na.

Girl Talk Trilogy 2: The Prince Or The Pauper (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon