3. [Kyla's POV]

24 2 0
                                    

Kyla

***

Hmmm. Ang bango bango ng kwarto. Ibang iba ang bango nito sa dati. Ano kayang nilagay ni Beatrice dito? Inamoy-amoy ko ang kwarto habang nakapikit ako kasi kagigising ko pa lang.

"Good morning."

"Waaaah!" Napasigaw ako nang makita kong katabi ko si... ewan ko kung sino 'to. Yung Bartender sa Bar kagabi. Bakit sya yung katabi ko ngayon?

Napatingin ako sa damit ko at nakita kong ibang damit ang suot ko at hindi yung kagabi. Waaa!

"No! Hindi pwede!" Sigaw ko. Bumangon ako pinagbabato ko sya ng mga unan at pinaghahampas.

"Aray! Ah! Masakit! Tama na!"

"Manyak ka! Anong ginawa mo sa'kin kagabi? Bakit iba ag suot kong damit?! Pervert ka!"

"Malamang pinalitan ko yung damit mong puro suka. Eew! Pati nga ako sinukahan mo."

"Langya! Manyak ka talaga! Ugh! Hinampas ko sya ng hinampas."

"Aray! Ayoko na. Masakit."

"Yan ang nababagay sa'yo, manyak ka kasi!" Hinampas ko sya ng hinampas. Ugh! Virgin pa ba ako? Ano ba talagang nangyari kagabi? Naman! Wala akong maalala.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at dinikit 'to sa pader. A-anong gagawin nya? Jusko. Rape yata 'to?! No!

"Tumigil ka nga. Kung ano man yang binabalak mong gawin, wag mong ituloy kung ayaw mong sipain ko yang ano mo."

"Itutuloy mo pa ba kung hahalikan kita?" Ngisi nya. Napakamanyak talaga nito! Ugh!

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ang mga kamay ko. Virgin pa ko, please. Ayoko pa." Makaawa ko sa kanya.

"Are you sure na hindi ka na virgin? Eh kagabi lang... Hahaha." Ano daw? So hindi na nga? Nooooo! Hindi pwede! Pero sabi nila kapag may nangyari daw, masakit yung ano. Pero hindi naman masakit. Aish! Hindi pwede! Gagong manyak 'to.

"Ugh! Pervert! Ipapapulis kita. Ni-rape mo ko kagabi!"

"Don't you remember na ginusto mo din? Paano mo masasabing rape 'yun?"

"No! Wala nangyari sa'tin! Wala!" Sigaw ko sa kanya kahit nagtatalsikan na yung laway ko. Wala akong pakialam kung bad breath pa ko.

"Sige. Bahala ka. Itanngi mo na lang, though ang totoo ay meron naman talaga." He grinned. Buti inalis na nya ang paghawak sa kamay ko. Nangalay ako dun ah. "Oh ito na ang dress. Dito ka na maligo, may trabaho ka pa sa SM, right?"

"P-pano mo nalaman?"

"Nakita ko yung ID mo sa bag."

"Manyak na nga, pakielemero pa." Bulong ko. Wala na ba syang kakahiyan sa buhay? Pati naman ID ko na nasa loob ng bag. Tss.

"Sige, maligo ka na. Ako na ang maghahatid sa'yo mamaya. Dun din ang punta ko eh."

No choice ako. Di ako pwedeng umuwi sa Apartment, baka ma-late na naman ako. Ayoko ng mawalan ng trabaho, no. Kakausapin ko na lang mamaya si Beatrice.

Pumasok na ko sa CR and after 10 minutes ay tapos na ko. Sinuot ko na din yung binigay nyang dress. Infairness, bagay sa'kin. Ang ganda ko tuloy. Nag-ayos na ko ng mukha ko and tadaaa! Done!

"You look gorgeous." Nakita ko syang nakaformal attire. Bakit? Anong meron? Di sya mukhang manyak ngayon. Pero ang gwapo nya. But pakialam ko? Psh! Manyak pa din sya Kyla! "Syempre, ako ang pumili ng dress nyan kaya maganda ka ngayon."

"Araw-araw akong maganda no."

"Tara na. May trabaho pa ko." Trabaho? San? Sa SM din? Kasi sabi nya doon din daw ang punta nya. Nako! Sana hindi!

Pumunta na kami sa Parking lot at sumakay sa kotse nya. Parang malapit lang dito yung SM, kasi agad kaming nakarating sa Company. Bumaba na ko at sya rin. Hindi ko sya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa pumasok na ko.

Dumiresto ako sa Office ni Sir Kai at wala pa sya. Hihintayin ko na lang muna sya bago ako magtimpla ng kape.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Call Me Baby And You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon