"Beh, sigurado ka bang dala mo lahat ng requirements mo para sa enrolment?" Tanong ng kaibigan kong si Rock. Babae siya pero tunog-lalaki 'yong ipinangalan sa kan'ya nina tito't tita. "Matagal-tagal din ang b'yahe pabalik sa Pangasinan."
Umirap ako sa kan'ya tapos sumimangot. "Kagabi ko pa 'to paulit-ulit na dinouble check, 'no."
"Okay. Sabi mo, e," aniya lang bago magkibit-balikat.
Tumawid na kami ng kalsada at pumasok sa gate no'ng unibersidad. Narito kami sa lungsod ng Baguio ngayon upang magpa-enroll. Incoming freshmen kami sa kursong BA Language and Literature. Kahit naman madalas naming sungitan ang isa't isa, matalik kaming magkaibigan ni Rock. Kami lang kasi 'yong nakakaintindi sa ugali ng isa't isa.
Mula sa hallway ay agad naming natanaw ang makapal na bilang ng mga tao. Grabe! Hindi magkanda-ugaga ang mga nakakatanda sa pag-assist sa kanilang mga anak na magpapa-enroll din. Ngayong araw, ang mga incoming students ng College of Arts and Communication lamang ang pwedeng magpa-enroll. Marami rin kasing mga etudyante, at upang mabawasan ang sobrang mahabang pila ay kailangan nilang hatiin ang schedule ng enrolment. Kasabay din ng first day of enrolment ang UP Fair. May mga booths kasing naka-display kanina doon sa gilid no'ng daan. Pumila kami, at nag-distribute naman ng Student's Directory 'yong isang upperclass man. Sinagutan naman namin 'yon at hinintay ang pag-usad ng pila.
"Maliit lang pala ang campus ng UP dito, 'no," pamumuna ni Rock.
Tumango ako. "Hindi naman kasi gano'n karami 'yong mga courses na ino-offer dito, kumpara sa ibang campuses. Tsaka, hindi masyadong malaki 'yong espasyo."
"May point ka. Pati nga si Oble, maliit din." sabad pa nito na tinanguan ko na lang ulit. "Pa-picture tayo kay Oble mamaya," dagdag pa niya bago bumungisngis.
Umiling-iling ako habang nangingiti. "Gaga 'to. Wala pa ngang first day of classes, ibibingit mo na kaagad 'yong chance nating maka-graduate."
May haka-haka kasi na kapag nagpa-picture ka kay Oble ay may posibilidad na ma-delay ang pag-graduate mo. Kapag half body lang ang shot mo with Oble, made-delay ka ng isang sem, at kapag sa whole body naman ay delayed ka ng isang taon. Nakakatawa nga, e, pero wala naman sigurong masamang maniwala sa mga sabi-sabi, hindi ba? Though hindi ako sure kung applicable sa Oble ng UP Baguio campus 'yong 'curse' chorva na 'yon. Pero well, Oblation din naman ito, e.
"Teh, daan tayo ng cafeteria nila pagkatapos nating magpa-enroll, a," sabi sa akin ni Rock. Tumango na lamang ako. Maaga-aga kasi kami kaya malamang na medyo maaga rin kaming matatapos.
"Pupunta pa ba tayo'ng SM mamaya?" Tanong ko naman.
"Oo naman. 'Wag nating palampasin ang pagkakataong mamasyal sa SM na walang air con," pagbibiro niya tapos ay bumungisngis pa. Baliw talaga ito, 'yon na lamang ang nasabi ko sa aking isipan.
Sa pila ay may mga nakadaldalan na rin siyang ibang mga soon-to-be freshmen na maaari naming maging blockmates. Well, siya lang pala. Madaldal kasi talaga siya at friendly, kahit medyo masungit minsan, which is exact opposite ko naman. Tahimik lang ako at madalas na magsungit. Kaya nga sobra pa rin akong nagtataka kung paano kami naging magkaibigan ng babaeng 'to.
"Teh, tama ba ang nakikita ko?" Bigla na lamang niyang nasabi habang nanlalaki pa ang mga mata at nakamasid sa malayo.
Napakunot naman ang aking noo. "Huh? What do you mean?"
"Ay, hindi ko kinaya 'yong English mo, a," aniya at saka tumawa. Baliw talaga. Tinatanong nang maayos, e. Naku talaga! Malapit ko na 'tong itakwil bilang best friend ko.
"Tsk. Kailangan ko nang magsanay para maging fluent na ako sa pagsasalita ng English," sabi ko na lamang bago ako umirap, na pinagtawanan lamang niya.