Chapter 38: Kiss!

42 8 2
                                    

Sabi rito sa letter na binigay ni kuya

"Hoy ruby,"

"Pumunta ka sa bookstore malapit sa school natin mamaya pagkatapos ng klase mo"

Ayos ah lakas makaboss hanoh...

After Class....

Hay nako pupunta ba kaya ako dun sa bookstore alam ko namang uutusan lang ako nun eh.

Pero sige na nga baka magalit na naman sakin yung kuya ko na yun..

Pagdating ko sa bookstore nakita ko agad sila kuya!Aba nandito na pala sila eh ba't pa ko pinapupunta dito

Pumasok na ko sa loob....

"Oh kuya ano ba ba't mo ko pinapunta dito???"

Inabot nya sakin yung notebook nya

"Ayan hanapin mo yang libro na yan assignment namin yan"sabi ni kuya

"Sabi na nga ba't eh uutusan nya lang ako dito dapat pala di na lang ako pumunta dito eh"

Habang hinahanap ko yung libro nakita ko si mr.yabang na nasa kabilang bookshelf.Siguro may hinahanap ring libro.

Nung lumipat ako sa bookshelf na kinaroroonan nya.Bigla na lang syang lumipat sa kabila.

Iniiwasan ba nya ko???

Nung lumipat ako ulit sa kinalalagyan nya lumipat sya ulit sa kabila.Aba gusto mo talaga ng habulan ha sige deal ako dyan.

Kung lilipat ako sa kinaroronan nya siguradong lilipat ulit sya sa kabila mas mabuti pang unahan ko na sya

Tama ako ng hinala iniiwasan nya nga ako.At sa pagkakataong ito parehas na kami ng bookshelf na kinalalagyan

Habang hinahanap ko yung libro nagkahawak kami ng kamay dahil sabay naming nahawakan yung isang libro

Pagkahawak ng kamay namin biglang may music na tumugtog sabi pa eh

Magkahawak ang ating kamay ng walang kamalaymalay

Tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay lalalala

Bah sinasadya ba talaga kaya binitawan ko yung kamay nya

At sa pag bitaw ko biglang natumba samin yung bookshelf kaya kami ay natumba at nagkisssss..

Can We Back The Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon