Chapter 3

366 20 2
                                    

PAGLABAS ni Hershey sa restroom ay nakita agad niyang nakaabang doon si Reese. Sinadya talaga niyang magtagal doon para kalmahin ang sarili. Hindi siya handa sa naging pagkikita nila kanina ni Rodge. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang kaba.

"Bakit ang tagal mo sa loob?"

"Bakit, bawal ba?" ganting tanong niya sa kakambal.

Ngumiti lang ng matamis si Reese saka lumapit sa kanya. "You know, sis, I met a very interesting guy tonight."

"Talaga?"

Tumango-tango si Reese. "He's exactly your type."

Kumunot ang noo ni Hershey. "Meaning?"

"He's got the words bad boy written all over him. At alam mo ba kung ano ang mas interesting sa kanya?"

"Ano?"

"He can differentiate the two of us," malapad ang ngiting sagot ni Reese.

That caught her attention. Hindi maipaliwanag ni Hershey kung bakit parang bigla siyang kinabahan. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Sa tingin ko ay kilala mo siya at kilala ka niya pero hindi niya alam na may kakambal ka."

It must be Rodge! Wala ng ibang maisip si Hershey.

"He talked to me, you know."

"Ano?" nanlaki ang mga mata ni Hershey. "Ano'ng sinabi niya sa'yo?"

Nagkibit ng balikat si Reese. "Wala naman, pero he had this weird look on his face. Tapos bigla na lang niyang sinabi na 'you're not her'."

"'Yun lang?"

Tumango si Reese. "If I'm not her," diniinan pa niya ang pagkakasabi sa her. "Then you must be the her that he was talking about."

Parang biglang sumakit ang ulo ni Hershey sa narinig. "This can't be happening. I think mauuna na akong umuwi. I suddenly don't feel good."

"Teka, may kinalaman ba ito sa nangyari sa Jas Café? Kaya ba hanggang ngayon ay ayaw mo pa ring magkwento sa akin ng tungkol doon?"

"Not now, Reese."

"Come on, oo o hindi lang."

"Bukas na lang." Lalo pang binilisan ni Hershey ang paglalakad. She needed to get out of there fast.

NAGLALAKAD sa parking area si Hershey nang makita niyang may dalawang lalaking nakasandal sa gilid ng kanyang kotse. Kinabahan agad siya. Binagalan niya ang paglalakad habang kinukuha ang cell phone sa dala niyang purse. Nang medyo malapit na siya ay saka niya namukhaan ang isa sa mga lalaking nakasandal doon. It was Rodge again!

Nakita din siya ng dalawa kaya umayos sila ng tayo. Damang-dama ni Hershey ang bigat ng titig ni Rodge sa kanya habang papalapit siya.

Maya-maya ay tila hindi na siya makapaghintay na tuluyang makalapit si Hershey kaya siya na mismo ang naglakad papunta sa harapan niya at agad na nagsalita. "I really want to take you out on a date."

"Ha?"

"Kanina may nakita akong babae sa party na kamukhang-kamukha mo at kaparehong-kapareho mo ng suot. But I just know she wasn't you. Hindi ko alam kung hallucination ko lang ba siya. I haven't drunk any alcohol tonight and I'm definitely not into drugs. But if you don't agree to go out with me, I think I might just go crazy."

"Miss, pagpasensiyahan mo na ang kapatid ko. Mukhang malakas talaga ang tama eh," natatawang singit ng lalaking naiwan sa tabi ng kotse niya.

Sa halip na pansinin ang sinabi ng lalaki ay mas nagregister sa isip ni Hershey ang kaalamang alam nila kung alin sa lahat ng kotseng nandoon ang kotse niya. "Paano mo nalamang kotse ko ito?"

The Bad Boy Syndrome (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon