Chapter 9

336 13 1
                                    

SIMULA ng araw na iyon ay nakagawian na ni Hershey ang bumisita sa opisina ni Rodge para sabayan itong kumain o kaya magmeryenda. Sa mga araw na hindi siya nakakapunta doon ay umaalis na lang ng maaga si Rodge sa opisina para ito naman ang pumunta sa kanya.

"Si Rodge ba 'yun?"

"Saan?" agad na inilibot ni Hershey ang paningin sa paligid ng bazaar kung saan naroon sila ni Reese.

"Uy, masyado ka namang obvious, sis," nang-aasar na wika ni Reese.

"Heh, tigilan mo ako," inirapan niya ang kakambal pero nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

"You really got it bad for him."

"Is that a song?"

"Yes, it's a song and it's so applicable to you," pagkasabi niyon ay nagsimula ng kumanta si Reese ng "You Got It Bad" ni Usher. Pero sa halip na maasar ay sinabayan pa ito ni Hershey. Mukhang tama nga si Reese. She really got it bad.

"Ano'ng meron? Bakit kumakanta kayo?" tanong ng bagong dating na si Tammy.

"We're celebrating with a song," sagot naman ni Reese.

"Ano'ng sine-celebrate niyo?"

"My sister is in love."

"I am?" natigil si Hershey sa ginagawa. Si Reese at Tammy naman ay sabay pang napatingin sa kanya. Tila pinag-iisipan ng mga ito kung tama bang ipilit nila ang isyu ng pagiging in love niya.

"Sis, hindi mo ba alam? You light up like a light bulb whenever Rodge is around."

"Oo nga, tapos bigla ka na lang napapangiti kapag nababanggit ang pangalan niya," dugtong ni Tammy.

"Isa pa, nagsasawa na kami sa pangalan ni Rodge. Kapag nasa bahay ka at nagbe-bake, babanggitin mo si Rodge, na baka nagugutom na 'yung tao o kaya naman ay sobrang stressed na. Kanina pagdating natin dito, si Rodge nanaman ang bukambibig mo, na kung wala lang siyang work ay nandito siya ngayon at tinutulungan tayo," litanya naman ni Reese.

"Come to think of it, you never acted this way toward your other boyfriends before," wika ni Tammy.

Oh my gosh, I really am in love. I love Rodge. Napangiti si Hershey sa naisip. Hmm, ang sarap naman sa pakiramdam niyon.

"Hey!"

Nagulat si Hershey nang ipitik ni Reese ang kamay sa tapat ng mukha niya. "Ano ba?"

"Nagzone out ka nanaman," natatawang komento ni Tammy. "Malala na talaga itong kakambal mo, Reese."

"I know," wika ni Reese pagkatapos ay humarap ito sa kanya. "Hayan, sis, dumating na ang apple of the eyes mo," itinuro nito ang entrance ng bazaar.

"Mas guwapo pala si Rodge kapag naka-coat and tie." Agad na tumingin si Hershey kay Tammy dahil sa sinabi nitong iyon. "Hey, I'm just appreciating. No need to shoot daggers at me, my friend," natatawang itinaas pa nito ang dalawang kamay. Sasagot pa sana si Hershey pero naramdaman niyang nakalapit na sa kanila si Rodge.

"Hi, girls!" bati nito kina Reese at Tammy pagkatapos ay agad na pumaikot ang isang braso nito sa kanyang balikat. Then he turned to her and kissed her head. "Hey, sweetheart," bulong nito malapit sa kanyang tenga.

"Hey, yourself. Ang aga mo yatang umalis sa opisina ngayon?"

"Yeah, na-miss kita agad eh."

"Ang tamis naman. Naiinggit ako," kinikilig na komento ni Tammy.

Napangiti lang siya doon.

"I'm glad, I caught you here, Tammy," singit ni Rodge sa usapan. "May ibibigay ako sa'yo at kay Reese din."

The Bad Boy Syndrome (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon