Chapter 6

324 18 0
                                    

"PERO—" Hershey's half-hearted protest was silenced by Rodge's intense gaze. "Fine, just wait here while I change." Malapit na siya sa pinto nang maisip niyang itanong. "Teka, pwede bang malaman kung saan tayo pupunta?"

"I'm still thinking about it. May gusto ka bang puntahan?"

Dahil sa tanong nito ay bigla siyang may naisip ideya. "There's this movie that I really want to watch."

"Okay, saan mo gustong manood?"

"Dito."

"Ha?"

"We have a DVD of the movie!" masayang pahayag niya. Sa likod ni Rodge ay nakita niyang napataas naman ang kilay ng kakambal niyang si Reese. Alam niyang nahulaan na nito na may kalokohan siyang pinaplano.

"Okay, that's fine with me," tila balewalang sagot naman ni Rodge.

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Reese. But she just smiled sweetly.

HERSHEY led Rodge to their entertainment room. Her sister Reese is a movie buff kaya naman madaming selection ng mga movies doon. Naka-arrange pa iyon alphabetically and according to genre.

"Wait here while I go get something to eat and drink," paalam ni Hershey kay Rodge.

Pagbalik niya ay naabutan niyang tinitingnan nito ang mga koleksiyon ni Reese ng mga lumang pelikula.

"Wow, this is quite a collection."

"Kay Reese lahat 'yan. She loves movies."

Tumango lang si Rodge saka lumapit sa kanya at kinuha ang dala niyang mga pagkain. "So ano ang papanoorin natin?"

"It's a surprise," then she smiled sweetly.

Nagulat yata si Rodge sa ginawa niyang pagngiti dito dahil saglit na natigilan ito. "Bakit parang bigla yata akong kinabahan sa sinabi mong 'yan?"

Natawa lang siya. "Just relax. Teka, tikman mo iyang brownies na dala ko. I baked them myself."

"Really?" parang batang naupo na ito sa isang la-Z boy recliner na nandoon at nagsimulang kumain.

Dali-daling nagtungo si Hershey sa kinaroroonan ng mga DVD ng mga Disney movies. Ngayon niya naipagpasalamat ang pagiging metikulosa ni Reese pagdating sa pag-aayos sa mga koleksiyon nito dahil hindi na siya mahihirapan pang maghanap ng pelikulang magagamit niya sa kanyang plano.

"So, what's this movie about?"

Nagulat siya sa biglaang pagsasalita ni Rodge kaya basta na lang siyang kumuha ng kahit na anong pelikula doon.

"Ahm, tungkol ito sa..." sinilip niya ang title ng hawak na DVD. "Sa music." Muli niyang binasa ang title para makasiguro. The title was Bandslam. "Yeah, it's about music."

ANY more chick flick moments and I'm definitely going to throw up. Bulong ni Rodge sa sarili habang pinipilit niyang itutok ang mga mata sa malaking TV screen. Sa kanyang tabi ay tila tuwang-tuwang nanonood lang si Hershey. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang marinig niya ang nakakakilabot na opening song at makita niya ang glittery title ng Disney movie na iyon pero pakiramdam niya ay oras na ang lumipas.

"This is hopeless," muling bulong niya. Nakaka-thirty minutes pa lang sila ay sumusuko na siya. Hindi talaga niya kayang panoorin ang pelikulang iyon.

Muli niyang nilingon si Hershey. This time ay hindi na niya itinago ang pagkabagot. Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay nito sa kanya.

Teka, parang pamilyar ang ngiting 'yon ah. It was the same smile she gave him before the movie started and also the same smile he saw on her lips before leaving their office. Mukhang balak yata talaga nitong i-torture siya. And she was doing a great job at making him suffer. Hindi lang dahil sa pelikulang iyon kundi dahil din sa suot nitong damit. Why must she wear these sexy clothes when he was trying so damn hard to be a gentleman around her?

The Bad Boy Syndrome (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon