Chapter 8

326 14 0
                                    

PAGKATAPOS ng halik na iyon sa kusina ay hindi na kaya pang lokohin ni Hershey ang sarili. She was really attracted to Rodge. Kahit na anong klaseng pigil at pag-iwas ang gawin niya, sa huli ay siya lang din ang nahihirapan. So she decided to just go with her feelings.

"Hey, sweetheart, are you free tonight?" agad na tanong ni Rodge nang tumawag ito sa kanya.

"Hmm, depende," nangingiting sagot niya.

"Depende? Hindi ako tumatanggap ng sagot na ganyan. I'll pick you up at six."

"Okay, saan tayo pupunta?"

"Basta."

"Anong basta? Hindi din ako tumatanggap ng sagot na ganyan. At least tell me where we're going so I'll know what kind of clothes to wear."

"Just wear something comfortable. Oh wait, when I say comfortable I mean comfortable for me," natawa pa ito ng mahina bago nagpatuloy. "Kaya 'wag kang magsusuot ng kahit na anong mas iikli pa sa tuhod mo."

"Are you serious?" hindi na napigilan ni Hershey ang pagtawa. Ngunit agad ding naputol iyon nang sumagot si Rodge sa seryoso ngunit malabing na tinig.

"I'm dead serious, sweetheart."

HINDI na alam ni Hershey kung gaano siya katagal na nagfa-fashion show sa harap ng salamin. Hindi kasi siya makapagdesisyon kung ano ang isusuot. Sa huli ay napagdesisyunan niyang magpatulong na lang kay Reese.

"Ano ba ang napaka-espesyal sa date na ito at ganyan ka ka-stressed out?" tanong ni Reese habang naghahalungkat sa kanyang closet.

"Ha? Wala naman. Siyempre gusto kong maayos ang itsura ko. I mean, I'm a girl. Karapatan ko ang magpaganda."

Pinaikot lang ni Reese ang mga mata. "Whatever. I'm sure kahit na ano pa ang isuot mo ay maa-appreciate naman iyon ni Rodge. Pustahan tayo kahit pa magsuot ka ng basahan, you'll still be beautiful in your boyfriend's eyes."

"He's not my boyfriend," awtomatikong komento niya. Nang bigyan siya ni Reese ng nagdududang tingin ay idinugtong niya, "Yet. He's not my boyfriend yet." Pinagtaasan siya nito ng kilay kaya napilitan siyang magpaliwanag. "I have a feeling he will become my boyfriend before this day ends. Kaya ako nai-stress sa isusuot ko."

"Hindi ko parin magets kung ano ang koneksiyon niyon sa suot mong damit."

"Simple lang, sis. Gusto ko kapag sinagot ko siya ay perfect ang lahat. Feeling ko kasi siya na talaga. I mean, after all of the bad boys that came and left, I have a feeling that Rodge is the one for me."

"Well, if you put it that way, then I have no more objections. Kailangan na nga nating maghanap ng magandang damit para sa date mo mamaya," pagkasabi niyon ay agad na bumalik si Reese sa paghahalungkat sa kanyang closet.

"Thanks, sis," she hugged her sister.

"That's what twins are for, right?" nakangising sagot naman nito. "Teka, may damit ka palang ganito?" inilabas ni Reese ang isang naka-hanger na bestida. Hindi iyon katulad ng normal na bestida. Ang style niyon ay iyong tinatawag na boyfriend's shirt. It looks like a man's shirt but it was designed for a woman's body. And though it's not exactly fitted, it was meant to be worn with a belt to show off the woman's curves.

"Patingin nga," kinuha iyon ni Hershey at itinapat sa kanyang katawan. Umabot ang laylayan niyon hanggang sa kanyang tuhod. It was perfect for her date.

NANG lumabas si Hershey upang pagbuksan ng gate si Rodge ay agad na napansin niya ang seryosong mukha nito.

"What are you wearing?"

"Ha?" napayuko si Hershey sa suot na damit. "Ahm, hindi mo gusto?"

"Kaninong shirt 'yan?"

"It's my dress, Rodge. It's not anybody's shirt."

The Bad Boy Syndrome (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon