Elizabeth is a one of a kind and unique vampire who prefers to keep to herself. Despite her calm demeanor, she possesses indestructible strength.
Her little secret is that she dyes her hair to blend in with other vampires due to she has albinism.Al...
[I decided to type a 800 word literature for this chapter, It contains the Past and The reason why pacifico hates Elissabette so much. I hope you enjoy this chapter..]
Dios Unay Ti Agngina!]
...
[1827-
Mapayapang kumakain ang pamilyang Vargas ng tanghalian, Nagkakwentuhan, nagbibiruan at kumakain syempre. Masaya ang lahat lalo na si Pacifico ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nagpakita ang kanang kamay ng supremo at pinagbantaan sila.
"Naghahamon ang kabilang Kampo supremo! Nais nilang mapatay ang isa sa mga anak ninyo-"
Nakabalikwas naman ng tayo ng supremo.
"Aba'y hindi ito maaari! Huwag na guwa nilang dinadamay ang pamilya ko lalo na si Josefa. Magsi oaghanda ang lahat at tayo'y haharap sa kanila.
He authoritatively said to one of the guards. But the other side didnt listen and fight for their own. They wanted Elissabette to be killed.
"QUOD MULIER MERITUM MORITUR! OMNES NOS PERDET! NON COR ET ANIMA .!!"
sigaw ng supremo ng kabilang kampo. Nakahandang sumugod anumang oras.
"Hindi ninyo maaaring saktan ang pamilya ko. Hindi ako makakapayag sa iyong nais mangyari!!"
"kung ganoon ay magkakamatayan na tayong lahat dito MARCIANO!!"
At doon na nagsimula ang Digmaan sa pagitan ng panig ng Sanguinis Luné at ng Magna Procellae. Maraming nagbuwis at bumuwis ng buhay. Habang abala ang lahat sa pag papatayan ng dalawang kampo, hindi nila napansin ang pagdakip kay pacifico upang gamiting instrumento laban sa kanila..
Ginamitan nila ng kung anong maitim na mahika at kontrolin ang diablo ni Pacifico..
Nawala na sa kontrol i Pacifico at ang nasa kanyang isipan nalang ay ang patayin ang kapatid na babae na si Elissabette..
"hoc ultimum tempus lucem videbis, Soror mea.."
Unti unti itong lumapit sa kanyang kapatid na nakatago sa may puno. Nakita iyon ng kanyang ina na si josefa at tumakbo upang harangan si Elissabette..
"Huwag!!"
Pagharang ni josefa sa kaniyang anak. Imbes na si Elissabette ang nasaksak ng istaka ay si Josefa ang nasaksak nito sa puso. Tumagos ang istaka sa katawan ni josefa..
"I-inang?.."
Tawag ng inosente pang bata na si Elissabette, Pitong taong gulang pa lamang siya at nasaksihan pa niya kung paano unti unting nawawalan ng hininga ng kanyang ina sa kamay ng kanyang kapatid na si Pacifico na labing limang taon pa lang. Kulay itim ang mga mata nito at may parang itim na ugat na nakapalibot sa gilid ng kaniyang mukha..
"C-cura ut ..- valeas, Elissabette .."
Naluluhang sambit ng kanyang ina,Hindi pa nakuntento ang diablo ni Pacifico at sinaksak niya ulit ang likod ng kaawa awa nilang ina. Napaluhod na ito sa harap ng kanyang anak na lumuluha.. Nagluluha ng dugo ang kanilang ina at wala pading tigil ang pagsaksak na ginagawa ni Pacifico sa kanyang ina.
"Kuya!! tama na!!"
Sinubukang pigilan ni Elissabette ang kanyang kuya ngunit tinabug lamang niya si Elissabette na siyang nagpalipad sa kanya sa pader na ito din ang dahilan kung bakit ito nawalan ng malay..
"P-pacifico.."
Mahinang sambit ng nanghihina na niyang ina.. marami na itong naisusukang dugo..Napadapa nalang si Josefa dahil sa hindi na kaya ng kanyang katawan na tumayo.. naubos na ang kanyang lakas..
"Tantum t-te amo pacifico..Mammam-.. arghh-.. a-amat tantum .."
Nahihirapang sambit ng kanyang ina bago mawalan ng buhay sa mga kamay nito.. doon lamang nakabawi ng kontrol si pacifico ngunit huli na ang lahat.. Nabitawan niya ang istaka at napatingin sa kanyang mga duguang kamay.
"H-hindi.. Hindi ito maaari.."
Yun na lamang ang kanyang nasabi.. Naninikip ang kanyang dibdib lalo na't siya pa mismo ang tumapos sa buhay ng kanyang ina..
"Ina- Gumising ka parang awa mo na..."
"Ina hindi maaaring iwanan mo naoang kami ng ganto!"
"INA!!"
.....
[Pagbalik sa realidad..
[Pacifico]
Naluha nalang nang siya'y makabalik sa realidad. Lagi siyang binabagabag ng masamang pangyayari na iyon.
"Tama na...!!"
Nagsabog ang lahat ng gamit niya sa kanyang silid at napahawak siya sa kanyang sentido..
"H-hindi ko sadya.. Me paenitet, mater mea.."
Kinuha niya ang larawan nilang dalawang mag ina.. hinimas himas niya ang kwadro habang pumapatak padin ang mg luha nito sa mismong kwadro na kanyang hawak..
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
[Josefa at Pacifico, 1820] [Credits for the real owner of this portrait]
"Kasalanan mo ito Elissabette..Ikaw dapat ang patay ngayon, IKAW!!"
Nangigitil ito sa galit, puno ng poot at galit ang puso ni Pacifico simula noong namatay ang kanyang ina. Naging ganap itong bato na puso sa kanyang mga kapatid pwera lang sa kanyang nakakatandang kapatid na si Macoy.
"Maibabalik muli kita ina, Pangako iyon.."
Huminga ito ng malalim at tsaka inilapag ang kwadro sa gilid ng kanyang kama. Kumalma na ito makalipas ng kalahating oras at Inayos nya ulit ang kanyang mga nagulong gamit sa kanyang silid at lumabas.
Parang wala lang nangyari rito at bumalik na ulit ito sa dati. Ang hindi lang nabago ay ang poot na nakatanim sa puso ni Pacifico sa kanyang nakababatang kapatid.
Ngunit kahi isa sa kanilang dalawa ay wala may kasalanan sa nangyari sa kanilang ina.. namatay ang kanilang ina dahil sa kagagawan ng supremo ng kabilang kampo, at sa pag kontrol nito sa diablo ni Pacifico..
Hindi naman nais ni Pacifico na mangyari lahat ng iyon, Ngunit nakatadhana n itong gawin at dahil doon siya ay nagbago.. ibang iba na ang kanyang pakikitungo sa iba..
"Ipaghihiganti ko ng pagkamatay mo Ina.."
"Sisiguraduhin kong magsisisi sila sa ginawa nila sa iyo.."