NAPAKURAP-KURAP ako ng mabilis akong niyakap ni Kaede. Hindi na yata ako humihinga habang mahigpit niya akong niyayakap.
Naguguluhan ako kung bakit siya nandito sa harap ko. Nang makabawi ako sa pagkaka gulat ay agad kong tinulak si Kaede.
"Wag mo nga akong yakapin!! Bakit ka nandito? Hindi pa ba kayo tapos ng fiancé mo sa pagpapahirap sa 'kin?" Galit kong sigaw sakanya.
Nakatingin lang siya sa 'kin saka ito tumingin sa malaking bag na dala ko.
Tinaasan ko siya ng kilay saka sinipa ang binti niya. Kanina ko pa talaga gustong gawin 'to sakanya.
"Ano masaya ka na? Ano?? Sumagot kang hayop ka!!" Sunod-sunod kong sigaw sakanya.Kanina pa ako minamalas tapos nandito na naman siya ngayon. Hindi ko alam kung anong pina-plano niya na naman.
Bumuga siya ng hangin habang hinihimas ang binti niya na sinipa ko. "Come with me," sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.
"Bakit naman ako sasama sa'yo? Mamaya ipa-salvage mo pa ako." Sagot ko saka kinuha ang bag na dala ko.
Kahit mabigat ay sinukbit ko parin ang bag sa balikat ko at agad naglakad. Nilampasan ko si Kaede at mabilis ang mga hakbang na ginagawa ko para makalayo sakanya.
Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng agawin ni Kaede ang dala kong bag at mabilis niya akong binuhat na parang sako ng bigas.
"Ibaba mo ko!! Ano ba!!" Sigaw ko habang hinahampas ang likod niya.
Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Medyo madilim ang bahaging kalsada na nilalakaran ni Kaede pero nagpatuloy parin siya sa paghakbang.
Siniko ko siya sa batok pero talagang hindi man lang siya nasaktan sa ginawa ko. Iginalaw ko ang katawan ko para sana makawala pero huminto si Kaede sa paglalakad kaya tumigil ako sa ginagawa ko.
"Ulitin mo pa yun, ibabagsak kita sa lupa." Sabi niya sa seryosong boses bago siya nagpatuloy sa paglalakad.
"Ibaba mo nga kasi ako!!" Sigaw ko. Feeling ko ay pumunta lahat ng dugo mula sa katawan ko papunta sa ulo ko sa pagkakabuhat niya sa 'kin.
Nakita ko agad ang itim na kotse ng makarating kami ni Kaede sa walang ka tao-taong lugar. Binuksan niya ang pintuan ng backseat saka niya hinagis ng walang kahirap-hirap ang bag ko sa loob. Samantalang ako halos magka kuba-kuba sa pagbubuhat ng bag na yun.
Sunod niyang binuksan ang pintuan ng passenger seat saka dahan-dahan niya akong inilapag sa upuan. Ang akala ko nga ay ihahagis din niya ako katulad ng bag ko pero nagkamali ako. Maingat niya akong inilapag na para bang mamahaling gamit saka niya isinara ang pinto.
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng mabilis na tumunog ang lock no'n. Kainis!
Umikot siya papunta sa driver seat at agad na pumasok sa loob ng kotse. Tumingin pa siya sa 'kin hanggang sa bumaba ang tingin nito sa dibdib ko.
"Bakit mo tinitignan dibdib ko? Bastos ka talaga!!" Inis kong sabi sakanya at agad pinagkrus ang dalawa kong braso sa dibdib ko.
Umangat ang sulok ng labi niya at agad nag iwas ng tingin sa 'kin. "Hindi ko tinitignan ang flat mong dibdib. Nakatingin ako sa seatbelt kaya wag kang pranning dyan!" Sabi niya at agad binuhay ang makina ng kotse.
Dahan-dahan ko namang binaba ang dalawa kong kamay at agad ikinabit ang seatbelt. Bwesit, napahiya ako do'n. Malay ko bang sa seatbelt siya naka tingin.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sakanya na agad pina-usad ang sasakyan.
Hindi siya sumagot kaya tumingin nalang ako sa labas. Tinitignan ko kung dadlhin ba niya ako sa bangin at baka do'n niya ako ihuhulog. Pero sa totoo lang, hindi ako kinakabahan na kasama ko si Kaede. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay safe ako na kasama siya.
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 1: Kaede Verzabal (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] {Major Editing Soon} Wicked Billionaire Series 1: Kaede Verzabal Kaede Verzabal is the most evil man in the business world. A greedy, arrogant, and dangerous. He doesn't like poor people because he said they are just a burden...