Chapter 3

60K 1.3K 111
                                    

ONE WEEK NA ang nakalipas simula ng matagpuan ko ang lalaking ito sa basurahan. Napatunayan ko na wala talaga siyang maalala dahil lagi lang siyang tulala sa kawalan. Binigyan ko din siya ng pangalan para naman may maitawag ako sakanya. Ang pangit naman kasi kung tawagin ko siyang hoy kaya nag-isip ako ng pangalan na madali lang matandaan.

Nag-aayos ako sa lamesa ng plato para makakain na kami. Napatingin ako kay Niko na nakatitig na naman sa labas ng bintana. Napabuntong hininga nalang ako dahil naaawa ako sakanya.

"Niko, kain na tayo." Aya ko sakanya. Agad naman siyang lumingon sa 'kin saka siya tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa 'kin.

Shems.. ang gwapo talaga ng lalaking 'to. Simula nga ng kinupkop ko siya sa bahay ko ay panay ang punta ng mga kapitbahay namin dito lalo na ang mga babae matanda man or dalaga. Nagpapa-cute sila kay Niko na mabilis ko namang sinisirado ang pinto. Nakakainis kasi sila. Panay din sila bigay ng sando kay Niko, sando talaga hindi tshirt dahil gusto yata nila makita ang muscle ni Niko. Malas lang nila, ako ang laging nakaka kita no'n. Hindi ko pa nakakalimutan ang nakita ko n'ong isang araw. Ang perpekto niyang katawan at ang kanyang vline. Ang sarap siguro haplusin no'n.

Umupo si Niko sa pwesto niya kaya umupo narin ako. Nilagyan ko muna ng kanin ang plato niya at ulam.

"Salamat!" Sabi niya sa 'kin kaya napangiti ako. Tumango lang ako sakanya at naglagay narin ako ng kanin at ulam sa plato ko.

Tahimik kaming kumakain dalawa ng bigla akong nabulunan. Agad naman inabot sa 'kin ni Niko ang isang basong tubig. Ininom ko naman yun agad kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Kamusta ka naman dito habang wala ako?" Tanong ko kay Niko. Siya lang kasi mag-isa dito kapag pumapasok ako sa trabaho. Nag-iiwan narin ako ng makakain niya para hindi na siya magluto. Pinapagpapahinga ko kasi siya dahil panay sakit ng ulo niya. Gusto ko man siya dalhin sa hospital para macheck up sana ang ulo niya ngunit wala naman akong pera.

"Ayos lang naman, kaso nabo-boring ako kapag wala ka." Seryoso niyang sagot. Napatitig naman ako sakanya. Tumigil siya sa pagsubo ng pagkain saka nag angat ng tingin.  Nagkasalubong ang tingin naming dalawa kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit?" Tanong niya sa 'kin.

Agad naman akong napa-iling bago nagsalita. "Wala naman. Di bale, wala akong pasok bukas kaya hindi ka  mabo-boring sa bahay bukas," sabi ko.

Ngumiti naman siya sa 'kin saka bumalik sa pagkain. Buti na nga lang maaga ang out ko kanina kaya 7PM palang ay nakauwi na ako sa bahay.

Nang matapos kami kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan namin. Si Niko naman ay pinupunasan ang lamesa saka siya  kumuha ng walis.

Natawa ako ng maalala ko n'ong isang araw. Hindi niya kasi alam kung para saan yung walis. Hindi ko alam kung dahil ba sa may amnesia siya or talagang hindi niya talaga alam yun. Halata kasi na mayaman siyang tao, sa kutis palang niya ay masasabi kong anak mayaman siya.

Nang matapos ako maghugas ay agad kong kinuha ang t'walya ko para mag half bath. Pumasok ako sa banyo saka ginawa ang dapat gawin.

Mabilis lang akong nag sabon sa katawan. Tumingin pa ako sa t'walya ko na nakasabit sa pinto habang hinahaplos ko ang aking katawan.

Naglakad ako para sana abutin ang twalyang sinabit ko sa likod ng pinto ng may natapakan ako. Huli na ng mapagtanto ko kung ano yun. Malakas akong bumagsak sa sahig. Sa sobrang lakas no'n ay namanhid ang pang-upo ko.

"Aray!" Daing ko sabay himas sa pang-upo ko.

Narinig ko naman ang pagkatok ni Niko sa labas ng banyo. "Audrey, ayos ka lang ba?" Tanong niya mula sa labas ng banyo.

Wicked Billionaire Series 1: Kaede Verzabal (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon